Baron Geisler on reported confrontation with Derek Ramsay: “I have no comment on that. I’m sorry.”

Ito ang sagot ni Baron Geisler nang tanungin tungkol sa sunud-sunod na intriga sa kanya: “E, wala tayong magagawa, sanay na ako. Yung pinakamasakit lang yung iniisip nila na sira-ulo ako.”


Marami ang nag-aabang sa panig ni Baron Geisler sa isyung may nangyaring kumprontasyon diumano sa kanila ni Derek Ramsay sa set ng Kidlat ng TV5.

Nauna nang naglabasan ang mga balitang nagkaroon daw ng suntukan, taasan ng boses, at diumano ay humantong pa sa pagkatanggal ni Baron sa show.

Pero sa panayam kay Derek na lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong March 16, sinabi nitong walang nangyaring suntukan, hindi niya pinatanggal si Baron sa show, ngunit inamin niyang nagkaroon nga ng tension na humantong sa taasan ng boses.

Pero ayos na daw lahat, humingi na ng paumanhin si Baron na kaagad naman niyang pinatawad at wala na daw naging problema sa set ng Kidlat.

Nilinaw rin ni Derek na nasa Kidlat pa si Baron at walang katotohanang tinaggal na ito sa show.

(CLICK HERE to read related story.)



NO COMMENT. Nagbakasali ang PEP na makakuha ng pahayag mula kay Baron sa pamamagitan ng text message kahapon, March 17.

Pero siya mismo ang tumawag at nangumusta sa amin.

Bungad niya, “Kumusta, anong balita? Anong kailangan mo sa akin?”

Tinaong namin siya kung ano ang nangyari sa set ng Kidlat at kung maaari ba siyang magkuwento tungkol dito.

Sabi niya, “Wala namang problema sa Kidlat. Walang problema, puro tsismis lang ‘yan.

“I have no comment on that. I’m sorry.”

Kasunod naming nilinaw kung nagti-taping pa ba siya at kasama pa rin siya sa show.

Sagot ni Baron, “Of course naman.”

Dagdag pa niya, “Well, nagdadasal ako na ganun pa rin yung kuwento [ng show], kasi maganda yung kuwento ng Kidlat.

"Ano ba yung tsismis kasi hindi ko alam?”

Itinanaong namin sa kanya kung totoo ba na three weeks ago ay lasing diumano siya na pumunta sa set ng Kidlat at may kinumpronta siyang isa sa mga cast member?

Mahinahong tugon ni Baron, “A, no comment ako diyan kasi walang mga ganyan. No comment ako talaga diyan talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasunod naming nilinaw sa kanya ang nangyari diumanong gulo sa Conspicray Bar sa may Visayas Avenue a week ago.

(CLICK HERE to read related story.)

Tugon ni Baron, “No comment din ako diyan. No comment rin ako sa Conspiracy bar. Marami lang talagang nanggugulo sa akin.

“So, no comment, no comment.

“Tahimik na ako, okay lang ako, basta ako trabaho lang ako.”



PRAYING THAT EVERYTHING WILL BE OKAY. Binalikan ulit namin ang tungkol sa balitang diumano ay wala na siya sa Kidlat.

Pahayag ni Baron, “A, ganun, hindi, e, kasama pa rin ako sa Kidlat.

“Oo nga, kaya nga naguguluhan ako sa mga tao, kasi ganun lang siguro... gusto nila akong pabagsakin.

“Hayaan mo na sila, dahil siguro sa karakter ko na masama [sa Kidlat], naiinis sila sa akin.

“Anyway, you know, I’m praying that everything will be okay. Okay naman lahat, God is good."

Yung kumprontasyon nila ni Derek sa set diumano ay umabot pa nga daw ng taasan ng boses, ano ang masasabi niya?

Sagot ni Baron, “I will not comment on that. No comment ako diyan, kasi walang mapupuntahan ‘yan, e.

“That’s very personal naman, e.”

NOT A FOOL. Maganda ang takbo ng usapan ng PEP at ni Baron kaya kinamusta na namin kung saan kaya niya planong mag-spend ng kanyang Holy Week.

Tugon niya, “Andito sa Batangas. Nandito ako… nagpapahinga, nagri-retreat, ganyan.

“Kung hindi retreat, beach-beach, beach lang, parang happy-happy.

“No, I’m with my girlfriend.”

Ang aga niya yatang magbakasayon?

Sagot niya, “Monday, trabaho, bukas.”

Muli rin niyang nilinaw na nasa Kidlat pa rin siya.

Mahirap bang hindi siya tinatantanan ng intriga?

Sagot niya, “E, wala tayong magagawa, sanay na ako.

“Yung pinakamasakit lang yung iniisip nila na sira-ulo ako.”

May nagsabi na ba sa kanya nun?

“A, baka yun siguro ang tingin sa akin ng tao,” sagot ni Baron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN