Enzo Pineda on breakup with Louise delos Reyes: “Marami pa kaming oras para sa pagmamahal—there’s no rush.”

Humingi ng paumanhin si Enzo Pineda sa kanyang kapareha sa soap na si Kim Rodriguez dahil sa pagkakadawit nito sa breakup ng young actor at ni Louise delos Reyes. Saad ni Enzo, ’Kim, I’m really sorry na kailangan mong madamay sa isyu na ito. And, sorry... kasi you don’t deserve this, so hindi ka kailangang madamay dito.”


Live na nag-guest si Enzo Pineda sa H.O.T. TV kahapon, Linggo, March 17, upang linawin ang napabalitang breakup nila ng girlfriend niyang si Louise delos Reyes.

Ang unang itinanong ng host na si Raymond Gutierrez kay Enzo ay kung ano ang maituturing niyang fondest memories na magkasama sila ni Louise.

“My fondest memory with Louise was noong nag-Mindoro kami together.

“That was the first time na lumabas kami with my family and her family... and it was really fun.

“And gustung-gusto ko, yung tuwing nagluluto si Louise sa akin ng California maki because that’s my favorite.”

Naging close din si Enzo sa pamilya ni Louise.

“Yes, sobra!” pagmamalaki ng StarStruck alumnus.



MUTUAL DECISION. Sinabi ni Louise in a separate interview na marami silang kailangang matutunan sa sarili nila na hindi kailangang dumipende sa ibang tao.

Ano ang masasabi ni Enzo tungkol dito?

“What happened kasi, it’s a mutual decision between me and Louise.

“Because naisip namin na mas magandang mag-prioritize muna kami sa mga goals and dreams namin sa buhay.

“Para sa akin naman kasi, ang tingin ko mas masarap magmahal...

“Kasi, pag na-achieve mo lahat ng goals mo, dreams and, of course, nag-graduate ka na sa pag-aaral, therefore, you don’t have to think about anything else, di ba, but to love?”

Dahil hati ang atensyon nila sa career at sa lovelife, isa ba iyon sa mga dahilan ng kanilang hiwalayan?

“Well, parehas kami. Kasi she has her own show, which I am very proud of her...

“And eto, meron po akong bagong show, na first time kong magli-lead, so it’s kinda big pressure for me.

“So, I really have to do well sa Kakambal Ni Eliana.”

Ang Kakambal Ni Eliana ang upcoming afternoon soap ng GMA-7 na tatampukan nina Enzo, Kristoffer Martin, at ng baguhang si Kim Rodriguez (dating Kim Komatsu).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon ba ng pressure dahil hati ang kanilang atensiyon kaya humantong sa breakup ang pagsasama nila ni Louise?

“I think, yes. And I think we need this time to grow also.

“Sa totoo, like I’m twenty-two, Louise is twenty so marami pa kaming oras para sa pagmamahal—there’s no rush.”



LEADING LADY. Nadadawit si Kim Rodriguezsa breakup nila ni Louise. Ano ang masasabi ni Enzo dito?

“Wow...” sambit ng young actor.

Close ba sila si Kim?

“Yes, I’m close with Kim,” kumpirma naman niya.

“Sa totoo lang, nahihiya ako na kailangan pang madamay ni Kim dito.

“Actually, nandiyan lang siya sa studio ngayon kasi magpu-promote siya mamaya sa show namin.

“And she was never part of our problem.

“So sana naman, walang ganoon na isyu kay Kim kasi she was never really part of it... it’s between me and Louise.”



JEALOUS TYPE. Selosa ba si Louise? Siya ba ang tipong magko-comment kapag may bagong leading lady si Enzo o sa mga babaeng artistang nakakasama ng binata sa Party Pilipinas?

Sagot ni Enzo, “I think it’s common naman. Kahit ako rin naman minsan, tao lang naman tayo.

“If you love someone, normal lang naman kasi talagang magselos, so okay lang yun.”

Ano ang mensahe ni Enzo kay Kim, na baguhan lang at nasasangkot na sa isyu?

“Kim, I’m really sorry na kailangan mong madamay sa isyu na ito...

“And, sorry... kasi you don’t deserve this, so hindi ka kailangang madamay dito.’”

Ayon kay Louise, hindi niya isinasara ang pintuan na maaaring maayos pa ang problema nila.

Ano ang masasabi ni Enzo dito?

“For me, naa-appreciate ko yung sinabi ni Louise kasi that’s how I feel also about it.

“And, malay mo, di ba? Someday, pag okay na kami or nakuha na naming lahat ng gusto namin sa buhay, we can be together again, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Marami pa namang oras para diyan and I’m always here for Louise.”




NEW SERYE. Napag-usapan na rin lang ang tungkol sa bagong show nila ni Kim na Kakambal Ni Eliana, ano ang preparasyon niya at ano ang mga ginawa niya sa para sa role?

Sabi ni Enzo, “We had workshops for more than a month.

“And my role here is as a fashion photographer na tahimik, humble and I express myself through photography.

“So nag-e-effort talaga akong mag-aral ng photography ngayon.

“I have friends na tinuturuan ako ngayon, so I really take extra time on that kasi as a photographer, it’s different, e.

“Iba yung tingin nila sa buhay e, iba yung detalye nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN