Kristoffer Martin on Derrick Monasterio’s edge over him: “Mas matangkad at mas maputi siya!”

Kristoffer Martin proud to be an indie actor: “Magandang exposure para sa aming mga Pinoy actors ang mapasali ang pelikula namin sa mga international film festivals.”


Bini-buildup na ngayon ang Kapuso tween actor na si Kristoffer Martin bilang leading man sa mga gagawing drama series ng GMA-7.

Bilang paunang break niya sa pagiging leading man, isa siya sa ipa-partner sa ilu-launch na bida sa Kakambal Ni Eliana na si Kim Rodriguez, na dating si Kim Komatsu, sa GMA-7 afternoon prime sa buwan ng April.

Ang isa pang leading man ni Kim sa Kakambal Ni Eliana ay si Enzo Pineda.

Tinatapos pa lang ni Kristoffer ang taping ng Pahiram Ng Sandali nang sabihan siya na meron siyang bagong gagawing series.

Saad niya, “Siyempre po, nakakatuwa dahil meron na agad na kasunod.

“Ayaw ko rin kasing mabakante after Pahiram Ng Sandali.

“Gusto ko na tuluy-tuloy dahil marami ang natutunan ko kay Direk Maryo J. de los Reyes pagdating sa pag-arte.

“Gusto mong may kasunod agad para lalo akong mahasa.

“Kaya noong sabihin nila sa akin na leading man ako ni Kim sa Kakambal ni Eliana, sabi ko, ‘Okey! Blessing na naman ito!’

“Tsaka happy ako for Kim, kasi nakasama ko na ‘yan sa Tween Hearts at sa indie film na Oros.

“Sa totoo lang, she deserves the break tulad sa mga ibinibigay sa mga kapwa stars ko na sina Barbie Forteza at Bea Binene.

“Pareho ko na rin kasi naka-partner sila Barbie at Bea sa Luna Blanca.

“Siguro nga, panahon na mabigyan na ng break si Kim dahil kaya naman na niya ang magbida.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kristoffer sa rehearsal ng Party Pilipinas sa GMA Annex Building.



WORKSHOPS. Dumadaan ngayon sa acting working ang buong cast ng Kakamabal ni Eliana para sa simula ng kanilang taping next month.

Ayon kay Kristoffer, “Magkakakilala naman na kami nina Kim, Enzo at Lexi [Fernandez], kaya wala na kaming mga ilangan sa isa’t isa.

“Pero mabigat daw po kasi ang istorya kaya kailangan daw namin mag-workshop nang husto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lalo na sa role ko as Gabo, kailangan maging credible ako na lumaki ako sa America at medyo maangas.

“Nag-workshop na ako before under Direk Maryo noong gawin namin ang Munting Heredera at Pahiram Ng Sandali, ia-apply ko na lang ang mga natutunan ko kay Direk Maryo sa ginagawa naming workshop ngayon.”



REAL FRIENDS. Mukhang may makakatapat na ang isa pang bini-buildup ng Kapuso network bilang leading man na si Derrick Monasterio.

Pero sabi ni Kristoffer, magkaibigan sila ni Derrick kaya walang mamumuong rivalry sa kanilang dalawa.

“Kung tatanungin ninyo ako kung ano ang lamang ni Derrick sa akin—iyon ay mas matangkad at mas maputi siya!” sabay tawa ni Kristoffer.

“Kami naman ni Derrick, barkada kami niyan. Pareho kaming mahilig sa music at minsan nagkakasama kami niyan sa mga regional shows ng GMA.

“Pareho kasi kaming kumakanta kaya matatapatan ko siya doon.

“Pero lagi kong sinasabi sa kanya na ‘Uy, mas matangkad at maputi ka lang! Type pa rin nila ang moreno!’ sabay magtatawanan na kami.

“Mabait ‘yang si Derrick at natutuwa ako sa mga natatanggap niyang breaks.

“Kahit naman siya, happy siya sa mga nagiging trabaho ko.

“Maganda ang ganito na sabay-sabay kaming nagsimula sa isang show [Tween Hearts]…

“Pero sabay-sabay din kaming nabibigyan ng magagandang breaks bilang leading men.”



GIRLFRIEND. Kung may wish man si Kristoffer, iyon ay sana’y mabigyan ulit sila ng pagkakataon na magtambal ng kanyang girlfriend na si Joyce Ching.

Pagkatapos kasi ng Tween Hearts, Munting Heredera, at Ikaw Lang Ang Mamahalin ay hindi na ulit sila pinagtambal.

Kung si Kristoffer ay bini-buildup bilang leading man, si Joyce naman ay ginu-groom bilang kontrabida.

Huling napanood si Joyce bilang kontrabida ni Barbie sa Paroa, Ang Kuwento ni Mariposa.

Sabi ni Kristoffer, “Yun nga, sana lang, kung mapagbibigyan kami ni Joyce, gusto naming magkasama ulit sa isang project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam ko na may ibang mga plano ang GMA-7 sa aming dalawa.

“Maganda naman ang mga plano nila at nagpapasalamat kami ni Joyce.

“May mga fans na rin kasi kami at lagi nilang hiling na mapanood kami sa isang series naman.

“Sana balang-araw, makasama ko ulit si Joyce. Ikatutuwa ‘yan ng mga sumusuporta sa amin.”



FESTIVAL HONORS. Ikinatuwa naman ni Kristoffer ang nakarating na balita sa kanya tungkol sa parangal na natanggap ng kinabilangan niyang indie film na Oros.

Nanalo kasi ito bilang Best Feature sa DC Independent Film Festival (DCIFF) na ginanap sa Washington DC noong March 6 to 10.

Naging isa sa official entries ng Cinemalaya Independent Festival 2012 ang Oros.

Napanalunan ng bidang si Kristoffer King ang best actor award sa Cinemalaya.

Sa website ng DCIFF, nabigyan ng glossy review ang indie film na ito ni Paul Sta. Ana.

Tinawag itong “gritty, gripping … an intriguing tale with a final ‘twist of the knife’”

Isa ang DCIFF sa nagsimulang magbigay pansin sa mga independent films na produced ng iba’t ibang bansa na nagsimula pa noong 1999.

Sabi ni Kristoffer, “Lubos ang pasasalamat naming lahat sa DCIFF sa parangal na ibinigay nila sa Oros.

“Pinaghirapan naming gawin ‘yan nila Direk Paul, Kim, at Kristoffer—ipinagmamalaki naming lahat ang pelikulang ‘yan!

“Sana nga nakakasama kami sa pag-ikot ng Oros sa iba’t ibang film festivals abroad.

“Pero dahil may mga trabaho kami rito, binabalitaan na lang kami.

“Masarap ang feeling na napapansin at napaparangalan ang mga pelikula natin sa ibang bansa.

“Magandang exposure para sa aming mga Pinoy actors ang mapasali ang pelikula namin sa mga international film festivals.”

Sunod na punta ng pelikulang Oros ay sa Asean International Film Festival in Kuching, Sarawak, Malaysia on March 28 to 30.

Dadalhin din ito sa Cleveland International Film Festival in Ohio, USA on April 4, 5 and 10.

Na-feature na rin ang Oros sa Vancouver Film Festival in Canada at sa Asiatica Filmmediale in Rome, Italy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN