Sarah Geronimo on being braver, bolder, and fiercer: “Work in progress ako.”

After working with John Lloyd Cruz on their third movie together, Sarah Geronimo says: “Ngayon, naiintindihan ko kung bakit nai-in love sa kanya ang mga girls.”


Natutunan na raw ni Sarah Geronimo ang mag-“let go” sa mga pinagdaanan niya pagdating sa pag-ibig.

Sa press conference ng ikatlong pelikula nila ni John Lloyd Cruz, ang It Takes A Man and A Woman, kahapon, March 17, sinabi ng 24-year-old singer-actress na natutunan niya na, “May mga bagay na siguro hindi talaga para sa ’yo, halimbawa, sa pag-ibig."

Matatandaan na noong nakaraang taon ay naging maingay ang lovelife ni Sarah dahil sa pagkaka-link niya kay Gerald Anderson.

Bagamat umamin ang young actor tungkol sa panliligaw niya kay Sarah, hindi naman ito nauwi sa seryosong relasyon.

Sa ngayon ay nail-link si Gerald sa kapwa Star Magic talent na si Maja Salvador.

Sa kabila ng mga pinagdaanan niya, ayon kay Sarah, “Time will come na you will have to let go.

“Kapag ni-let go mo ‘yon… Ewan ko, kasi noong nag-let go ako, doon ko nalaman yung kung anong klase ng pagmamahal ang meron ako.

“Ibang level ng pagmamahal na mula sa puso ko.”



SIMILARITY WITH LAIDA MAGTALAS. Pagdating sa pelikula, nabanggit ni Sarah na wala siya halos ipinagkaiba sa karakter na ginagampanan niya sa pelikulang It Takes A Man and A Woman.

Saad ni Sarah, “Hindi masyadong naging mahirap dahil nag-mature nga ang mga character namin.

“May mga times na nahirapan din ako kasi si Sarah at si Laida, halos magkapareho rin kami, mas marami lang pong pinagdaanan si Sarah.

“Ayun nga, kaya naging braver, huwag lang sumosobra.

"Sabi nga ng direktor ko [Cathy Garcia-Molina], huwag lang laging galit.

“Ang dami kong natutunan sa pagpo-portray ko as Laida.”

Dagdag pa niya, “Si Laida, sa two movies po na nakita natin, ay very naïve.

“She believes in fairytales, na hindi naman nalalayo sa akin.

“Idealistic din po ako, may mga hinahanap sa pag-ibig, na dapat ganito-ganyan.

“Pero yung character ko rito, dahil sa mga nangyari sa buhay niya, ipinakita niya na may imperfect na tao, how [imperfection] can make people happy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Katulad ba ni Laida ay masasabing “bolder, braver, at fiercer” na rin si Sarah?

“It’s a process naman. Work in progress ako,” sagot ng dalaga.

“Masasabi ko po na process para sa akin ang maturity ko.

“Malaking tulong sa akin yung pelikula na ‘to at yung mga co-actors ko sa maturity ko. Marami akong natutunan sa kanila.”

Pagdating naman sa muling pag-ibig, ito ang tanging naisagot ni Sarah: “Hindi ko po masasabi ‘yan. Sabi nga ni Lloydie, ‘You don’t get to choose love. Love chooses you.’”



ON JOHN LLOYD CRUZ. Sa muling pagsasama nila ni John Lloyd Cruz sa pelikula, nasabi ni Sarah na mas naging mas kumportable na sila sa isa’t isa.

Naunang magsama sina Sarah at John Lloyd sa mga pelikulang A Very Special Love (2008) at You Change My Life (2009).

Ani Sarah, “Sobrang malaking tulong na happy siya. Happy kami para sa kanya. Nadadala niya ‘yon sa set.

“Yung sa friendship namin, sobrang kumportable kami sa isa’t isa ngayon.”

Sa pagkakataong ito, natanong din si Sarah kung nanligaw si John Lloyd sa kanya noong ginagawa nila ang mga naunang pelikula nilang dalawa.

“Hindi po!” ang natatawang sagot niya.

“But kami, nag-umpisa sa magandang friendship.

“Sa kanya ko naramdaman ‘yong how to be yourself.

“Nandodoon ‘yong comfort ko na magsalita, magkwento sa kanya o umutot pa sa harap niya.

“Ganun siya naging special sa akin.

“Bata pa ako noon, e!”

Sa muling pagsasama nila sa pelikula, ayon kay Sarah, “Ngayon naiintindihan ko kung bakit nai-in love sa kanya ang mga girls.”

Sa huli, tinanong si Sarah kung sa tingin ba niya ay madaling mahalin ang isang John Lloyd Cruz.

Maingat na sagot ni Sarah, “Yung natural na pagmamahal, siyempre madali kasi kilala ko siya.

“Sa pagtratrabaho namin, minahal ko siya bilang tao, bilang leading man, kasi napakagaling at napakabait pa. May toyo nga lang minsan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Beyond that, siguro hindi ko pa po alam.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN