Donnie Geisler on neverending issues about brother Baron: "Whatever he’s going through, we support him pa rin."

Ito ang mensahe ni Donnie Geisler sa kanyang kapatid na si Baron: “I’d like you know the people believe in your talent no matter what and that’s what you have to prove to them. You have to work, work, work and then later on, you will be able to redeem yourself. Maybe now ganito ka, but later on... It’s up to if you become the greatest or you just become mediocre... parang ganun.”


Ayaw na sanang magsalita pa ni Donnie Geisler tungkol sa kanyang kapatid na si Baron Geisler, pero napakiusapan siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na magbigay ng maikling pahayag tungkol sa panibangong kontrobersiyang kinasusuungan ng kapatid.

Ito ay may kaugnayan sa nangyaring kumprontasyon diumano ni Baron at ng bida ng seryeng Kidlat na si Derek Ramsay.

Sa naunang panayam ng PEP kay Derek ay inamin niyang nagkataasan nga sila ng boses ng aktor sa set ng show a few weeks back.

Kinamusta namin kay Donnie ang kalagayan ni Baron.

Sabi ng taekwondo player, “Baron is okay, nag-uusap naman kami lately from time to time.

“Lately kasi naging busy kaming dalawa, he’s with Kidlat and I’ve been working.

“So hindi rin kami nakakapag-usap lately.

“Pero, when it came to the issue that happened sa set, I have no knowledge about it.”

Pero may nakarating na ba sa kanyang balitang ganito?

Sagot ni Donnie, “Siyempre he didn’t want to bother me na naman with another issue.

“Siguro that’s how he felt and siguro he felt na baka kaya niya naman malusutan.”

Nakausap ng PEP si Donnie sa The Dream Cancer-t noong Sabado, March 16, sa may Zirkoh, Tomas Morato, Quezon City.



HE IS MY BLOOD. Hindi ba siya nagsasawa sa paulit-ulit na lang na ganitong issue sa kapatid niya?

Saad ni Donnie, “Of course, ordinary people would think na probably, ‘Dapat huwag mo nang asikasuhin ‘yan, ganyan-ganyan, so hopeless case.’

“But he’s your blood, e.

“So, if he’s your blood, whatever he’s going through, we support him pa rin.

“Siguro, you don’t judge basta-basta, siguro you would listen to both sides.”

Isa sa labis daw na naaapektuhan kapag may mga ganitong issue sa aktor ay ang kanilang ina.

Ayon kay Donnie, “My mom of course is stressed left and right.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre it’s also hard, she’s living with Baron.

"So kung may mga nangyayari, siya lang yung talagang nag-a-absorb ng lahat ng mga damages.”

Bakit kaya paulit-ulit ang ganitong balita sa kapatid niya? Ano kaya sa palagay niya ang pinanggagalingan nito?

Tugon ni Donnie, “Well, there is… you know, we talk a lot naman, pero when it comes to that, hindi ko rin alam kung ano yung mga nangyayari when he gets into these kind of situations.

“Sometimes the next day, ayaw naman niyang pag-usapan, tapos it will die out naman.

“So, binibigyan ko siya ng time na if he has some issues.

“I don’t think naman na it’s that heavy, pero maybe it’s just inside him na hindi niya lang gustong i-share.”



THE GREATEST OR A MEDIOCRE ACTOR? Nagkataasan na ba sila ng boses ni Baron?

Pag-amin ni Donnie, “Oo, madalas... madalas mangyari yun as a brother.

“Kasi sometimes, you know, the closest person to you, that’s the person that you [will] not listen to.

“So sometimes when you are stressing a point... pero in the end naman, he always say na, ‘Tama ka Kuya.”

Anong advice kaya ang gusto niyang maiparating kay Baron ngayon?

Tugon ni Baron, “I’d like to tell him what I told him the other day, kasi na…

“I’d like you know the people believe in your talent no matter what and that’s what you have to prove to them.

“You have to work, work, work and then later on, you will be able to redeem yourself.

“Maybe now ganito ka, but later on...

“It’s up to if you become the greatest or you just become mediocre... parang ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN