Coco Martin says no talent fee involved in endorsing senatorial candidate Sonny Angara

Coco Martin says he’ll be endorsing two senatorial candidates this May 2013 election: Sonny Angara and Grace Poe.


Noon pa lang ay ipinahayag na ni Coco Martin ang paghanga niya sa senatorial candidate na si Sonny Angara dahil sa mga adbokasiya nito para sa edukasyon, trabaho, at pati sa senior citizens.

Malaking bagay para sa actor ang huli dahil laking lola siya.

Kaya naman, masaya ang Kapamilya star dahil isinusulong ni Sonny ang Expanded Senior Citizens Act of 2010.

Maingat daw si Coco sa pagpili ng kandidatong i-e-endorso.

Aniya, “Ako po, sabi ko nga, noong last election pa nung tinulungan ko si President Noynoy [Aquino] kasi sabi ko nga po, ito po yung pagkakataon ko para makatulong sa ating bayan, sa Pilipinas.

“Kasi bilang artista, siyempre malaki rin ang responsibilidad natin para sa mga taong manonood o sa mga taong humahanga sa atin.

“Para sa akin, sila yung napili ko na alam ko na sila yung totoong makakatulong at totoo ang hangarin nilang makatulong para magkaroon tayo ng pagbabago.”

Mahalaga raw para kay Coco na tamang kandidato ang piliin ng mga bumoboto.

“Siyempre sabi ko nga po, nanggaling po ako sa hirap. Kumbaga siyempre, nasa tamang edad na ako, nasa tamang pag-iisip, nasa tamang posisyon.

“’Eto yung pagkakataon ko para mamili ng tama at impluwensiyahan yung mga tao na sana this tim,e magkaroon na ng pagbabago.

“Sana magkaroon na tayo ng tuwid na daan para patuloy ang pagbabago ng Pilipinas.”

Bukod kay Sonny, sinusuportahan din ni Coco si Grace Poe, anak ng yumaong action king na si Fernando Poe, Jr.

Ang sabi ni Coco tungkol sa choices niya, “Kumbaga sila yung nakikita ko na alam kong totoo at malinaw para po sa akin yung hangarin nila na makatulong sa pagbabago sa ating bansa.”


MORE SCHOOLS. Kung meron siyang batas na hihilinging maipatupad, ito ay tungkol sa edukasyon.

Paliwanag ni Coco, “Sabi ko nga po nanggaling ako sa public school.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung sakaling papalarin si Congressman Sonny Angara, sana mas madagdagan pa natin yung mga eskuwelahan para mas marami pang mga kabataan na makapag-aral lalung-lalo na sa mag probinsiya na maraming mga kabataan na hindi makapag-aral. Para mabawasan po yung mga naghihirap…

“Sabi ko nga, ang edukasyon ang puhunan natin para sa kinabukasan natin.”

At kahit daw pagkatapos ng eleksiyon ay nakahanda pa ring tumulong si Coco kay Sonny sa mga proyekto nito.

Aniya, “Actually, katulad nga noong tumakbo si President Noynoy, mula pagkakampanya hanggang manalo po siya sinamahan ko siya.

“Kahit nung manalo po siya, kasama po ako ng mga kapatid niya, nagpupunta po kami sa iba’t ibang probinsiya, nagbibigay po kami ng mga libro, mga notebook, pencil.

“Kumbaga para sa akin, gusto kong ituloy iyon, e.

“Sabi ko nga, hindi puro salita lang. Hindi yung habang eleksiyon doon mo lang sila papansinin.

“Kaya sabi ko nga kay Cong. Sonny, mula sa pagtakbo hanggang manalo hanggang sa nakaupo na po kayo, nasa likod po niya ako dahil naniniwala po ako sa kanya.”


GILING A LA COCO. Magiging visible si Coco sa pangangampanya hindi lang dito sa Metro Manila kundi maging sa mga probinsiya.

Ito ay sa kabila ng pagiging abala niya sa pinagbibidahan niyang primetime series sa ABS-CBN, ang Juan dela Cruz.

“Sinabi ko naman kay Cong. Sonny na pag nagkaroon ako ng chance, sabi ko, ‘Sasamahan ko kayo.’

“Basta pag nagkaroon po ako ng pagkakataon at nalibre po ako, susuporta ako kahit nasa probinsiya pa iyan.

“Sabi ko, kagaya ng ginawa ko dati kay President Noynoy, kahit nasa probinsiya siya pumupunta ako para sumuporta.”

Bentang-benta sa mga estudyante ang pagsasayaw ni Coco habang kumakanta lalo na ang kanyang paggiling. Ano ang masasabi niya rito?

Natawa muna si Coco bago sumagot, “Yun lang po ang alam kong sayaw. Kasi ako, sabi ko naman gusto ko lang silang mapasaya. Sa ganung pamamaraan lang alam ko napapasaya ko na sila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Unang napanood ng mga tao ang paggiling ni Coco habang kinakanta ang “Umuwi Ka Na Baby” sa pelikula nila ni Julia Montes na A Moment In Time.

So, mas mapapadalas na ba ang paggiling niya sa mga campaign sorties ni Cong. Sonny?

“E, pampakilig lang naman po iyon. Sabi ko nga, gusto ko lang silang mapasaya.”


NO TALENT FEE? Samantala, naungkat sa press conference na naganap noong March 7, 2013, kung binayaran ba ni Cong. Sonny si Coco bilang endorser.

Ang sagot ng anak ni former senator Edgardo Angara, “Kukunin ko na rin yung opportunity para pasalamatan si Coco dahil to be fair to him, wala siyang hiningi.

“Sabi ko, ‘Ano ang maibibigay namin?’

“Tinanong ko siya lagi kung ano ang maibibigay namin sa iyo para kapalit nito.

“Sabi niya, ‘Itong ginagawa ko, walang kapalit ito. Gusto mo bahala ka na after the campaign.’

“Pero wala siyang hiningi.

“Sabi ko nga, dahil hindi pa siya nakakapunta ng Boracay, dadalhin ko yung pamilya niya sa Boracay pag nanalo tayo.

“Yun ang victory party natin.”

Natuwa naman si Coco sa tinuran ng kongresista. Pero para sa actor, dati pa siyang nabayaran nito.

Paliwanag ni Coco, “Actually, dati pa po ako binayaran ni Cong. Sonny Angara kasi tinutulungan niya akong mamigay ng mga libro.

“Noong dati-dati pa na hindi ko pa siya ganun kakilala at hindi ko pa alam na tatakbo siya as senator.

“Kasi meron po akong mga charity works na ako lang po ang nakakaalam. Nandiyang pumupunta po ako sa mga ospital, sa mga eskuwelahan, ganyan. Kumbaga dati pa po kaming humihingi ng tulong sa kanila.

“Sabi ko nga, this time, dahil pareho kami ng hangarin, siguro naman ito na yung pagkakataon para ako naman ang magbayad at magsukli sa kanya sa mga tulong niya sa akin.

“Kasi ito na yung pagkakataon para tumulong e. Kumbaga ang dami namang pagkakataon bilang artista para kumita. Sabi ko, ipagkakait ko pa ba ito para sa ating mga kababayan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN