Paolo Bediones reminds voters that "itong mga inprastraktura na itinatayo ng lokal na pamahalaan ay hindi po galing sa sariling bulsa ng mga pulitiko ‘yan.”

Ayon kay Paolo Bediones, higit pa sa paggawa ng mga klaye ang responsibilidad ng mga pulitiko.


Bilang isang miyembro ng media, isa sa mga puwedeng magawa ni Paolo Bediones sa darating na eleksiyon ay: educate the Filipinos.

Sa kanyang experience, kahit daw ang basic information tungkol sa posisyon ng mga kandidato ay hindi raw kabisado ng mga botante.

Sa launch ng Pagbabago 2013, ang election coverage ng TV5, sinabi ng news anchor, "Well, I think kailangan nilang tandaan na one thing, sa akin ha, nakakalimutan ng mga tao na kapag halimbawa sinabi mong senador, sinabi mong congressman, e, mga mambabatas ‘yan.

“’Pag sinabi mong mayor, vice mayor, governor, ‘yan ‘yong mga mamamahala sa lugar.

“Uhm, minsan nawawala na ‘yong distinction kung sino ba ‘yong mambabatas at sino ba ‘yong mamamahala, e.

“‘Yan ‘yong mga little things that we take for granted.”

Ayon pa kay Paolo, maraming responsibilidad ang mga opisyales bukod sa paggawa ng mga kalye.

"Kailangan pa rin natin paalala sa mga voting public na there is a difference, na hindi kapag sinabing pulitiko, na congressman ‘yan, kapag congressman, ito na ‘yon.

“That’s something na surprises me e until now na hindi pa rin alam ng tao na kapag sinabi mong congressman...

“Ang iniisip, kapag sinabing congressman, ‘Ay, taga-gawa ng building,’ hindi, e, legislator ka, e, taga-gawa ka ng batas.

“Although mayro’n kang pork barrel na tinatawag, ang pangunahing gawain nila ay gumawa ng batas para gumanda, guminhawa o gumaan ang buhay ng mga tao. Hindi porket gumawa ng mga tulay o walkway, e, dapat iboto sila ulit, di ba?”

Lastly, gusto ring sabihin ni Paolo sa tao na ang mga proyektong nakikita sa lansangan ay mula sa taxes ng mamamayan o budget ng gobyerno.

Diin niya, "Ang isa pang dapat maalala ng tao, e, itong mga insprastraktura na itinatayo ng lokal na pamahalaan ay hindi po galing sa sariling bulsa ng mga pulitiko ‘yan, galing ‘yan sa budget nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So ‘wag din tayong magpapadala sa gano’n, di ba?

“’Yan ang dream ko, e, na one day lubos na maunawaan ng tao na ‘yong kaban ng bayan, ‘yong mga taxpayer’s money, ‘yon ang nagbabayad para sa mga nakikita nating improvement.

“Although kailangan pasalamatan din ang mga pulitiko para sa inisyatibo. Hindi galing sa bulsa nila ‘yon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN