Senator Lito Lapid on his showbiz comeback: “Diyan ko inalagaan ang pamilya ko. Siguro, diyan din po ako babalik pagkatapos ng career ko sa pulitika.”

Ano nga ba ang tatak Lito Lapid? sagot ng actor-politician, “Ayaw nila akong panoorin kapag hindi ako tatalon, ta-tumbling o kaya mag-i-slide bago ko patayin ang kalaban ko.”


Ngayong gabi, March 18, ay mapapanood na ang Little Champ, ang kiddie fantaserye na nagtatampok kay Senator Lito Lapid sa kauna-unahang niyang teleserye.

Kahapon, March 17, live na nakapanayam ni Boy Abunda sa The Buzz ang senador na nagbabalik-showbiz.

Ayon kay Boy, inaasahan niyang sa isang malaking pelikula ang pagbabalik-showbiz ni Lito. Ngunit bakit mas pinili niya sa isang teelserye lumabas?

Sagot ng actor turned politician, “Hindi naman po nawawala sa puso ko ang showbiz dahil diyan po ako nagsimula.

“Diyan ko inalagaan ang pamilya ko. Siguro, diyan din po ako babalik pagkatapos ng career ko sa pulitika.”

Hindi ba siya nanibago dahil teleserye ang ginawa niya?

“Sa set-up, palagi po ako sa bundok. Ngayon, mga modernong gamit na.

"Palagi akong nagtatanong, ‘Ano ‘yan? Ano ;yan?’ Para akong galing probinsiya na gumagawa ng pelikula!” natatawa niyang sabi.

Ang huling pelikula na ginawa ni Lito ay ang Tatlong Baraha noon pang 2006.

Ano ang kaibahan ng paggawa ng pelikula at teleserye?

“Ang teleserye, medyo mabigat sa dibdib. Lalo na sa dibdib, kapag ikaw ay pinapaiyak ka.

“Sa action kasi, katawan lang naman ang ihahampas mo.

"Parang sadista kasi ang mga fans ko noong araw. Ayaw nila akong panoorin kapag hindi ako tatalon, ta-tumbling o kaya mag-i-slide bago ko patayin ang kalaban ko.”

Ayon naman kay Boy, yun nga ang tatak ni Lito sa action.

STAYING YOUNG. Sa Little Champ, ano ba ang papel niya?

“E, dahil tumatanda na tayo, ano na ako, lolo na ni JB [Agustin] o ni Caloy."

Paano ba napapanatili ni Lito ang pagiging mukhang bata pa rin niya?

“Salamat po,” ang tila nahiya naman sa papuring tugon niya.

“Pero, yun nga po, dahil sa pangarap ko na maging artista, baka biglang may mag-offer, palaging nakahanda ang katawan ko.

“Tulad po nitong Little Champ, bigla akong inoperan. Ang bida po rito ay ang bata at ang kabayo…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At dahil sa pagka-Leon Guerrero ko, napapanood nila noong araw, palagi akong naka-kabayo, kasabay kong sumikat yung kabayo.”



HORSEMAN. Hindi ba nagdalawang-isip si Lito na hindi niya solo ang pagiging bida sa Little Champ at may kahati siyang baguhang bata at isang kabayo?

Sabi niya, “Hindi po, parang bagay naman po kasi. Kasi, ang producer namin at writer namin, ibinabagay sa amin.

“Kasi, naisip daw nila, noong araw, ako ang pinakamagaling mangabayo sa mga [pelikulang] Leon Guerrero.

“Doon na siguro nila binase yun.”

Ano naman ang puwedeng asahang mapanood sa Little Champ?

“Yun nga, fantaserye, pambata. Parang Darna, kapag nakalulon ng bato, lumalaki ang kabayo.

“Pampamilya po talaga. At saka, ang mga pelikula ko noong araw, pambata talaga.”

Makikita ba na may tatak-Lito Lapid ang Little Champ, tulad ng suntukan, may slide, tumbling?

Nakangiting sabi niya, “Yun po talaga ang inano namin, preparasyon, inensayo ko.

“Bago ko po tinanggap ito, bago mag-shooting, siguro mga anim na buwan…

“Nag-ensanyo na ako para maibalik yung mga dating napapanood nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN