Bea Alonzo gives warning if Zanjoe Marudo cheats: “Patay siya sa akin! Alam na niya ang mangyayari sa kanya pag ginawa niya yun!”

Malaki ang tiwala ni Bea Alonzo sa boyfriend niyang si Zanjoe Marudo kaya hindi siya basta-basta naniniwala agad na "suma-sideline" sa ibang babae ang aktor. Sabi ng aktres, “Parang wala na yata siyang time para sumideline, saka may tiwala ako sa kanya."


Ang relasyong Bea Alonzo at Zanjoe Marudo ay nananatiling matatag at matibay sa kabila ng sunod-sunod na breakups ng ibang showbiz couples.

Pero sa gitna ng pagsasabing masaya at kuntento ang itinatakbo ng kanilang relasyon, kamakailan ay may lumabas na balitang suma-sideline daw sa ibang babae ang aktor.

Agad namang hiningan ng reaksiyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Bea tungkol sa isyung ito tungkol kay Zanjoe.

“Si Zanjoe? Talaga? Nasaan? Subukan niya!” pagbabanta at sabay tawa ng aktres.

“Parang wala na yata siyang time para sumideline, saka may tiwala ako sa kanya.

“Patay siya sa akin! Alam na niya ang mangyayari sa kanya pag ginawa niya yun!

“Agad-agad, walang paliwanag… ‘Out, clear the set!’ Iyon na yun!”



QUALITY TIME. Kahit parehong busy sa kani-kanilang mga trabaho, ayon kay Bea ay nagkikita sila ni Zanjoe kahit once a week to spend quality time together.

Patotoo niya, “Actualy next week siya mag-e-every day. Ngayon, parang thrice a week na siya.

“May movie rin siyang gagawin, tapos mayroon siyang soap, so every day ang work niya.

“Every day na ang Banana Split, ngarag na. Kaya this week, kailangan talagang mag-spend kami ng time together.

“Once a week, need naming magkita. Pero pag walang trabaho, we make time for each other.”

Siniguro naman ng aktres na maayos ang takbo ng relasyon nila ni Zanjoe.

“Super happy, happiness. Siya ngayon ang busy, sobrang busy niya dahil sa work.

"Ngayong Holy week baka mag-Australia kami," banggit pa niya.



NEW MOVIE. Samantala, magkakasama sa isang pelikula ng Star Cinema, na wala pang tiyak na titulo, sina Bea, Angel Locsin, Toni Gonzaga, Shaina Magdayao, at Enchong Dee.

Ayon kay Bea, kakaiba ang pelikulang ito dahil may pagka-comedy ang tema na malayo sa genre ng mga pelikulang kanyang ginagawa.

“Happy… kababasa ko nga lang ng script, nakakatawa, may pagka-comedy, si Direk Cathy Garcia ang gagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman ako magpapatawa, nakakatawa lang yung sitwasyon. So I guess pantay-pantay lang naman yun."

Nagkuwento rin ang aktres sa naging bonding nila nina Angel at Shaina nang nag-imbita ng dinner si Angel sa bahay nito.

“Oo, kasama ko si Angel saka si Shaina, nag-invite siya sa bahay niya.

"Si Toni, di pa, kasi parang marami siyang ginagawa ngayon.

“Okay naman, nag-chikahan kami. Parang huli ko siyang [Angel] naka-chika noong Paris pa…

“Noong nag-Guns and Roses and pinalabas niya yung movie niya sa Paris, doon kami nag-bonding ni Angel.”

Hindi kaya maging issue ang billing at sapawan sa eskena sa kanilang apat dahil pare-parehong malalaki na silang artista?

“Di naman siguro… Ang ’80s noong issue!

“Ang Star Cinema naman, para sigurado, mas maganda yung pantay-pantay, since kaibigan ko naman sila.

“We just trust our director, okay naman yun. Saka based naman sa script, lahat naman kami pantay-pantay.

“Saka si Direk Cathy na ang bahala doon.

“In fairness, pag sa set naman ni Direk Cathy, harmonious naman lagi…

“Walang ganoon, laging, ‘Magkakaibigan kayo, pantay-pantay kayo.’”

Huling nagkapareha sina Bea at John Lloyd Cruz sa seryeng A Beautiful Affair, at ayon sa aktres, siguradong masusundan pa ng ibang proyekto ang kanilang tambalan.

Aniya, “Sigurado naman na mayroon pa rin kaming project together, di ko nga lang alam kung kailan, pero sigurado, mayroon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN