Isabelle Daza on It Takes A Man And A Woman co-star John Lloyd Cruz: “I understand why girls fall in love with him."

First movie ni Isabelle Daza ang third installment ng John Lloyd-Sarah movie na It Takes A Man And A Woman. Isa raw sa dahilan kung bakit niya tinanggap ang project ay dahil sa tagahanga siya ng tambalan ng dalawa. Sabi ni Isabelle, “Ako, kinikilig ako sa kanila even though I was supposed to be the girlfriend of John Lloyd. But when they’re together, they really have a chemistry that cannot be defined, intangible, and very professional.&rdquo


Malaking karangalan para kay Isabelle Daza na ang box-office hit tandem nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo ang nakasama niya sa kanyang kauna-unahang pelikula, ang It Takes A Man And A Woman.

Iprinodyus ito ng Star Cinema at palabas na sa mga sinehan sa Marso 30.

Kaya naman kahit kilala siya bilang Kapuso artist ay sinigurado niyang makadalo sa presscon ng first movie niya na ginanap sa Dolphy Theater sa loob ng compound ng ABS-CBN kahapon, Marso 17.

Nakasama niya sa presscon sina John Lloyd, Sarah, ang direktor nilang si Cathy Garcia-Molina, at ang creative consultant at writer na si Carmi Raymundo.

“This is my first movie and I’m so happy that I was able to do it with John Lloyd and Sarah because, honestly, fan ako ng loveteam nila ever since I was in high school,” pag-amin ni Isabelle, na ikinatawa ng mga dumalo sa presscon dahil sa tila nagulat at nahiyang reaksiyon ni John Lloyd.

Dagdag pa ng actress-TV host, “When I got a call po, I was so excited. I couldn’t even speak.

“When it comes to the movie po, it was Direk Cathy who helped us.”

Sa mga naunang interview ni Isabelle, nabanggit niya na mas kumportable siya sa hosting kaysa sa acting. Bagama’t nagkaroon na siya ng ilang acting projects sa GMA-7, paano naman siya nakumbinsi na subukan ang paggawa ng pelikula sa Star Cinema?

Saad ni Isabelle, “It’s really the project kasi I have… I was presented other projects po before pero I wasn’t really sure.

“But when I was offered this, working with John Lloyd, Sarah, Direk Cathy, and Ms. Carmi, I’ve been a fan of their work for so long.

“And I couldn’t even believe. The first thing I said was, ‘Why me?’ Yun ang unang tinanong ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And yun, I was so happy and I really hope that I met the expectations of Direk Cathy and Star Cinema.”



JOHN LLOYD AS BOYFRIEND. Ginagampanan ni Isabelle ang role bilang bagong girlfriend ni John Lloyd sa movie.

Sa third installment kasi ng John Lloyd-Sarah movie pagkatapos ng blockbuster hits na A Very Special Love at You Changed My Life ay naghiwalay na sina Miggy Montenegro (John Lloyd) at Laida Magtalas (Sarah). Kaya pumasok ang karakter ni Isabelle bilang bagong karelasyon ni Miggy.

Ano ang masasabi ni Isabelle sa tandem nina John Lloyd at Sarah ngayong nakatrabaho na niya ang mga ito?

“Ako, kinikilig ako sa kanila even though I was supposed to be the girlfriend of John Lloyd.

“But when they’re together, they really have a chemistry that cannot be defined, intangible, and very professional.”

Kumusta namang boyfriend at katrabaho si John Lloyd sa movie?

“As a boyfriend, okay naman. He’s a gentleman. That’s what I can see in him.

“I understand why girls fall in love with him. Yun, because he’s gentleman, maalaga siya, tapos laging nanlilibre ng pagkain!” natatawang sabi niya.



MOM’S ADVICE. Anak si Isabelle ng artista at dating Miss Universe na si Gloria Diaz. Ano ang advice sa kanya ng mommy niya?

Sagot niya, “Tungkol sa mom ko, lahat ng advice ibinigay na niya sa akin, unsolicited and when I ask for help siyempre.”



IN A HURRY INTERVIEW. Pagkatapos ng presscon ay sinubukang kausapin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Isabelle pero nagmamadali na siyang lumabas ng Dolphy Theater.

Habang naglalakad ay sinundan naman ang aktres at nagawa pa ring makapagtanong ng PEP sa kanya.

Sabi niya sa presscon, nalaman niya kung bakit maraming girls ang nai-in love kay John Lloyd. Kung sakaling hindi girlfriend ni John Lloyd si Angelica Panganiban, posible ba siyang ma-in love sa co-actor niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Isabelle, “Actually, one of my best friends yung ex ni John Lloyd. So, hindi puwede.”

Ang tinutukoy ni Isabelle na best friend niya at ex-girlfriend ni John Lloyd ay si Liz Uy. Mga kaibigan din nila sina Anne Curtis, Georgina Wilson, at Solenn Heussaff.

Kumusta naman ang lovelife niya ngayon?

“Okay naman, happy.”

Non-showbiz at French businessman ang boyfriend ni Isabelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN