Teejay Marquez on being included in "25 Most Respected Gays in the Philippines" list: "I know myself."

Sa isyung nagkukuwestiyon sa kanyang kasarian, ito ang pahayag ng young actor na si Teejay Marquez: "I’m very honest dun sa mga taong nakakasama ko na okay lang ako, no matter who you are, dahil sa nakita nila na very... they’re very... I mean, siguro pag sobrang daldal ka, bakla ka. Pag sobrang tahimik ka naman, bakla ka. So, I think, lahat naman ng artista, sinasabihan nila ng gano’n, e... so kanya-kanyang... I know I’m just doing what I love&


Sa unang pagkakataon ay nagbigay ng pahayag ang young actor na si Teejay Marquez tungkol sa pagkakabilang niya sa listahan ng umano’y "25 Most Respected Gays in the Philippines" na naging viral sa Facebook kamakailan.

Bago magsimula ang presscon ng indie film na Pagari (Mohammad-Abdullah) noong March 11 sa Max’s restaurant Shaw Blvd. ay hiningi ang komento ni Teejay tungkol dito.

Kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang TV crew na nag-cover ng nasabing interview.

"Aam mo, nakakatawa kasi ngayon ko lang siya sinagot," bungad ng contract artist ng GMA Artist Center.

"Actually, tahimik lang kami [ng family ko], pero I know myself.

“E, nakakatawa... nakakatawa na... kasi parang sabi ng iba, ’respected’ naman, e.

"Sabi ko, thank you.

“Pero the thing is, I want to be a respected actor, a respected citizen, a respected Filipino...

"Pero, there’s a lot of difference.

“Siguro kaya siguro ako na-stereotype [as being gay] because I’m stylish... my manager [John Fontanilla] is ano...

"I’m very honest dun sa mga taong nakakasama ko na okay lang ako, no matter who you are, dahil sa nakita nila na very... they’re very...

"I mean, siguro pag sobrang daldal ka, bakla ka. Pag sobrang tahimik ka naman, bakla ka.

"So, I think, lahat naman ng artista, sinasabihan nila ng gano’n, e... so kanya-kanyang...

"I know I’m just doing what I love—my passion is acting.

“And sa mga naninira, you will never win."

Sa presscon proper ay hindi napag-usapan ang tungkol sa issue na ito.



IS TEEJAY MARQUEZ GAY? "No," tahasang sambit niya sa naunang interview nang diretsahang tanungin tungkol sa kanyang sekswalidad.

A look into said list reveals a "who’s who" in Philippine entertainment.

May mga nasa listahan na open sa pagsasabing sila ay gay men at di na pagdududahan; tulad nina Boy Abunda, Vice Ganda, Chokoleit, John Lapus, Bekimon, Allan K, at BB Gandanghari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Meron namang alam nating gays, pero hindi nagpu-flaunt at abala sa humanitarian causes o sa kani-kanilang negosyo at propesyon.

Mayroon ding sikat na mga negosyanteng naisali ang pangalan at ang isa, blurred ang kuhang larawan at mentioned lang as "Powerful Businessman.”

Still, ang iba sa listahan ay yung mga tipong "pinagbubulung-bulungan" ng fans at taga-industriya ng aliwan at naba-blind item.

Sa listahang ito "nakabilang" si Teejay Marquez.



REACTION. Noong una niyang makita sa Facebook ang listahan, na may mga larawan ng mga “identified" subjects as being gay, sabi ni Teejay:

"Ang daddy ko, hindi niya nakita. But ang reaction ko...

“Before lumabas yun, may lumabas na ’namatay’ daw ako, sa Twitter.

"Nung lumabas pa yun [alleged gay list], medyo nagkasunod... imbes na masaktan ako, parang nagulat ako!

"May feeling ako na parang may nananadya.

“So, may lakas ako ng loob na [magsabing] may taong nasa likod ng... yung taong nag-tweet na ’namatay’ daw ako."

Sa kabila niyon, hindi na-discourage si Teejay.

Saad niya, "Alam ko na may kakampi ako, like my manager, nandun naman... and yung mga taong nasa trabaho ko.

"Noong una, pinagbubulungan nila ‘yan, pero bandang huli, nakilala naman nila ako and they respect me as, you know, a friend."

Sabi nga raw ng mga kaibigan niya, "O, ganyan lang naman talaga si Teejay...’

Dagdag pa ng young actor, "Sa family, parang sabi lang nila, ’E, anong gusto mong gawin natin? Magpakasal ka, maghanap ka ng limang babae?’

"Sabi ko, ’Wala!’

"Happy lang sila, kasi wala naman daw nasaktan."



MAKES HIM MORE ’YUMMY’? Sabi nga, dahil napasama si Teejay sa "prestigious list" na iyon, mas naging "yummy" pa siya sa gay market o gay community.

Any reaction?

"Kahit naman wala yon, e... joke lang po!" ganting biro ng young actor na unang napanood sa Tween Hearts ng GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro po, may positive and negative po.

“Sa positive po, mas lalo akong nakilala, in a positive way.

"Yung iba naman, medyo nagulat, tinanong ako. Pero ganun, e.”

Bunga ng intriga, naging homophobic o hateful ba si Teejay towards gay people?

Sabi niya, "Hindi po ako galit, kasi talagang kaibigan ko po sila.

“At tinulungan po nila ako nung nagsisimula pa lang ako [sa showbiz]."

Nagsimula si Teejay bilang commercial model in early 2011.

"After po ako nag-commercial, na-gain ko po yung confidence ng mga right people, na nakilala ko.

"Yung manager ko, nakilala ko. Tapos ipinakilala po ako sa GMA and wala pang three days, ibinigay na sa akin yung Tween Hearts."

Sa nasabing teen-romance series ay nakatambal ni Teejay si Kylie Padilla; gumanap siya bilang isang nerd.



NOT A "GAY" IN PAGARI. Sa bagong indie film na Pagari na pinagbibidahan nina Teejay at Arkin del Rosario, papel ni Mohammad ang naitoka kay Teejay.

May insinuation na ang pelikulang idinirek ng former commercial model turned actor na si Robbie Tarroza (with co-director Bing F. Nellasca) ay isang gay film involving two Muslim brothers.

But Teejay was quick to point out Pagari is not a "gay film."

"Somewhere in the story, may intriguing twist, pero hindi po siya about gay friends.

"It’s about Muslim families. Marami siyang sakop, e.

“Merong tungkol sa family, sa bullying, sa brotherhood… kay Allah at sa misconceptions on Muslims.

"May mga matututunan po tayo," pagtukoy pa ni Teejay.

May invitational premiere night ang Pagari sa Tuesday, March 19, sa SM Megamall Cinema 7.

Ang regular showing ay magsisimula sa March 20 sa lahat ng SM-Cinemas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN