Billy Crawford on penetrating the international scene again: "Kinakabahan, ninenerbiyos kung ano ang magiging outcome."

Sa kanyang muling pagbabalik sa international music scene, sinabi ni Billy Crawford na hindi siya pinigilan ng kanyang girlfriend na si Nikki Gil. Sabi ni Billy, “She has nothing to do with it. This is a personal journey at hindi naman siya nangingialam. She’s just very supportive of me. I have my job, she has hers. Never naman niya akong pinigilan, e. And I don’t think it’s right for someone na pigilan ang isang tao with his own personal dreams.&


Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Billy Crawford sa ASAP Live! sa Studio 8 ng ABS-CBN noong Linggo, March 17, ay very proud itong nagkuwento sa ongoing fourth season ng Pilipinas Got Talent (PGT).

Sina Billy at Luis Manzano ang hosts ng nasabing reality talent show simula pa noong Season 1.

Ayon kay Billy, mas marami pa silang talents na nadi-discover at karamihan dito ay potential stars; tulad ni Jovit Baldivino, ang grand champion ng first season ng PGT, na patuloy umaariba ang singing career.

Gayundin ang second-season winner na si Marcelito Pomoy, na nakilala dahil sa kakayahang mag-boses lalake at babae.

Simula ni Billy, "Yeah, I’m very proud of them. Lalo na siyempre kina Jovit and Marcelito.

“They represent what PGT is all about—we discover genuine talents tapos they become stars.

“Yung batch ngayon, ang gagaling din nila. There are many of them na mapapa-wow ka talaga.

"Meron namang nakakatawa at nakakatuwa. There are those na nagpupumilit or gusto lang makita sa camera.

"But all of them are part of PGT.

"So, kung anuman ang purpose nila or naipakita nila, once tumayo sila sa stage, they become a part.”

Pagmamalaki pa niya, “Yung batch ngayon, nag-level up na.

"At yung mga judges, mas naging strict na rin sila. Mas naging mataas yung standard of choices nila.”

Sina Kris Aquino, Ai-Ai de las Alas, at Freddie Garcia pa rin ang hurado ng fourth season ng PGT.

INTERNATIONAL SINGING CAREER. Now talking about his own talent, ibinalita ni Billy sa PEP ang nakatakdang pag-alis niya para muling balikan ang kanyang international singing career.

“In September or October, aalis na naman ako,” pagkumpirma niya.

“For an album... ire-release na.

“Mawawala ako for a while pero hindi ko alam kung gaano katagal. I don’t know.”

Kakaiba ang nararamdaman niya this time dahil sa matagal din siyang nawala sa international scene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag-amin niya, "Kinakabahan, ninenerbiyos kung ano ang magiging outcome.

“I’m trying again. Hopefully with the Lord’s blessing, e, muli akong makalusot.

“Kung mabibigyan ako ng break, mabibigyan. I have faith in Him.”

Anyway, kaya pa naman niyang makipagsabayan sa mga sikat na international singers pagdating sa uri ng kanta o sa klase ng dance moves.

“Oo naman,” mabilis niyang sabi. “Updated naman ang Pilipinas pagdating sa ganyan.

“So, hindi naman ako nalalayo sa kanila.

“Yun dapat, e... dapat di ako mawala sa kung ano yung in or yung out.

"I have to keep also myself updated.”

Sa tingin ni Billy, ano ang plus points niya para muling mag-click at tangkilikin ng record buyers sa international market?

“I guess it’s all in the song. And the rest will be history,” nakangiti niyang sabi.

Dugtong pa ni Billy, “I consider the Philippines my home. And there [abroad], it’s work.

“As I’ve said nga before, if you’re given the opportunity, that a window is opened to you, makisilip ka na rin.

“Better yet, make the most of it. Baka magtampo.”

SUPPORTIVE GIRLFRIEND. Mabuti’t hindi nakikialam ang girlfriend niyang si Nikki Gil sa mga plano niyang ito?

Sabi ni Billy, “She has nothing to do with it.

"This is a personal journey at hindi naman siya nangingialam.

“She’s just very supportive of me. I have my job, she has hers.

“Never naman niya akong pinigilan, e.

“And I don’t think it’s right for someone na pigilan ang isang tao with his own personal dreams.”

Ang ibang girlfriends kasi ay nagkakaroon ng fear o insecurity kapag ang kanilang boyfriend ay nagiging mataas ang ambisyon sa buhay.

“I don’t know with the rest,” pasubali ni Billy. “Basta, with Nikki, she’s not like that.

“Siguro dahil sa achiever din siya kaya mas malawak ang pang-unawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That makes her different from others.”

LOSING WEIGHT. Malaki talaga ang influence ni Nikki sa buhay ni Billy, kaya pati ang pagre-reduce ng singer-actor ay pinupursige rin ng kasintahan.

Marami nga ang nagsabing nagbawas siya ng timbang kumpara sa weight niya a few months ago.

Natatawang kuwento ni Billy, “I have to. I have to. Kulang pa nga, e. Nakakantiyawan na ako.

“At saka, mahirap din talaga. You can’t move fast. Hinahabol mo ang hininga after a dance number.

“Wala pa ako sa ideal weight ko pero I’m trying hard.

“Kahit nga starving na ako minsan, sabi ko sa sarili ko, ’Oh, c’mon, Bill. Control yourself.’ Masarap kasing kumain!

“Well, yeah, nagpapasalamat ako kay Nikki for helping me through.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN