Alden Richards on pursuing Louise delos Reyes: “Ayoko munang mag-comment sa ganyan. Quiet po muna ako.”

Kahit nali-link si Alden Richards kay Julia Anne San Jose, mariin ang tanggi niyang meron silang relasyon. Sabi ng young actor, “Kami ni Julie Anne, of course, parang mutual lang po yung feelings. And I’m happy with Julie Anne… Julie Anne is happy with me.”


Kapareha muli ni Alden Richards si Louise delos Reyes sa bagong teleseryeng Mundo Mo’y Akin ng GMA-7.

Hindi tuloy maiwasang matanong si Alden tungkol sa breakup recently ni Louise at ng boyfriend nitong si Enzo Pineda.

“Of course, ano po, medyo nalungkot ako kasi kasi kaibigan ko po pareha sina Enzo at Louise,” pahayag ni Alden nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas last Sunday, March 17.

“Hindi ko po in-expect na sa hinaba-haba ng relationship nila, sa hiwalayan din yung punta.

“And yung past few months bago lumabas yung news na break na sila, medyo okay pa naman.

“Ano… sayang! Sayang yung relationship.

"Kasi two years din, and then parang ganoon-ganoon na lang.”



SILENT TYPE. Madalas magkasama lately sina Alden at Louise sa taping ng Mundo Mo’y Akin, ang primetime series na balik-tamabalan nila sa GMA-7.

Wala raw napansing anuman si Alden na may iniinda na palang heartache ang young actress dahil lingid sa kaalaman ng lahat na break na ito kay Enzo.

“Si Louise kasi kapag may problema, magaling magdala ‘yan, e. Hindi siya… hindi mo siya mahahalatang may problema.

“Very ano siya… kapag trabaho, trabaho lang.

"Kung hindi mo pa siya tatanungin, hindi pa siya magsasabi. Kaya hindi ko rin siya natanong.”

Nagkausap na ba sila ni Louise pagkatapos ng pag-amin nito tungkol sa breakup nila ni Enzo?

Sagot ni Alden, “Hindi pa po. And parang I’m not in the place yet para magtanong.

“Masyado pa pong maaga para magtanong ako sa kanya kung ano ba talaga ang naging dahilan.

“Parang… ipinapaubaya ko muna po sa kanilang dalawa iyon—to resolve the issue on their own.”



SUPPORT. Hindi lang sila basta magka-loveteam ni Louise kundi good friends din sila.

Paano niya planong suportahan at i-console sa pinagdadanan ng dalaga ngayon?

“Ako naman po, ever since, nandito lang… yung friendship namin ni Louise, hindi naman po magbabago yun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi marami na kaming magandang pinagsamahan.

"Ang tagal na… since we started na mag-artista.

“Nandito lang po ako para sa kanya, para sa kanilang dalawa ni Enzo… kung kailangan nila ako.

“Pero… sana maayos. Kasi kung hindi man maayos yung kanilang relationship na maging sila pa, sana maging maayos sila as friends.

“Kasi sayang po, e.”



FOR REAL. Marami na ring followers ang tandem nina Alden at Louise.

And since wala naman siyang girlfriend sa ngayon, tapos si Louise ay kabe-break lang kay Enzo, baka may mga umasang mauwi na rin sa totohanan ang loveteam nila.

Napahalakhak dito si Alden.

Aniya, “Sa ngayon po, ayoko munang mag-comment sa ganyan. Quiet po muna ako.

“Pero… yung possibilities naman po talaga sa showbiz, minsan isang araw magugulat na lang tayo na… ay, sila na pala!

“Na… without knowing it, may mga nangyayari behind the camera na magugulat na lang tayo kapag nag-come out na.

“So… endless possibilities lang po talaga ang showbiz. And ako, I’m very open to possibilities naman.”



JUST FRIENDS. Kumusta naman sila ngayon ng nali-link pa rin sa kanya na si Julie Anne San Jose?

“Okey naman. Okey po kami,” sagot ni Alden.

Nandoon pa rin ang closeness nila?

“Yes. Wala naman pong nagbabago.

"Wala naman pong dapat magbago kasi talagang magkaibigan lang po kami.

“May mga nagtatanong nga sa akin kung lalayuan ko na raw si Julie dahil sa bagong soap namin ni Louise.

“Sabi ko, ’Bakit ko lalayuan? Wala naman kaming ginagawang masama.’

“We have good intentions sa isa’t isa. We’re friends. So wala po dapat issue.

“Kami ni Julie Anne, of course, parang mutual lang po yung feelings.

“And I’m happy with Julie Anne… Julie Anne is happy with me.

“Pero wala pa po kami sa stage ng courtship. Wala pa po talagang ligawan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



LENTEN PLANS. Ano ang plano niya this Holy Week?

“Sa family ko lang po. Magri-reflect and focus lang po kay Lord.

“Kasi once a year lang ang Lenten Season. So kailangan, sa Kanya lahat. Hindi po kami magbabakasyon.

“Magbi-Visita Iglesia kami gaya ng nakaugalian namin every year. Tapos, sa bahay lang kami buong pamilya.”

Saan naman niya planong mag-spend ng summer vacation?

“Baka po sa Boracay. Siguro, kasama ko po ang ilang friends ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN