Bea Binene on having two loveteams: “Bukod sa JaBea na fans namin ni Jake, meron na rin DerBea na followers naman namin ni Derrick.”

Isa na namang fantaserye ang nakalinyang gawin ni Bea Binene, pero may kaibahan daw ang Home Sweet Home sa mga nagawa niya. Aniya, “Mapapasabak ako sa action scenes, kasi may mga makakalaban kaming kung anu-ano creatures… kaya excited talaga ako.”


Hindi akalain ni Bea Binene na makakakuha siya ng Platinum Award para sa album niyang Hey It’s Me: Bea.

Ginawaran siya ng parangal matapos makabenta ng fifteen thousand units ang album niya buhat sa pagkakalunsad nito.

Naganap ang awarding kay Bea sa Party Pilipinas last Sunday, March 17.

Hindi alam ng dalaga kung paano niya i-express ang sobrang kaligayahang nararamdaman niya.

“I’m very happy po talaga,” sabi niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Very unexpected na hindi naman talaga ako singer, tapos magri-reach ng Platinum.

“Kaya sobrang thankful po ako sa lahat ng sumuporta at sa lahat ng bumili ng album ko.”



SECOND ALBUM. Dahil sa success ng kanyang first album, naghahanda na siya para sa pangalawang album na niya.

“Nasa planning stage na po. We’re fixing things na para sa second album ko.

“Yung unang album ko, parang sobrang makulay. Sobrang fun.

“So yung second album ko, gusto ko medyo laid-back naman. Kaya ngayon, nagbi-brainstorm kami.

“Kasama ako sa pagbuo ng ideas kung ano ang maganda… pati ang Galaxy Records,” pagtukoy niya sa producer ng kanyang album.



FANTASERYE. Bukod sa second album na kinu-conceptualize nila sa ngayon at ang sitcom na Vampire Ang Dady Ko, may bago na ring project si Bea sa GMA-7.

Ito ay ang fantasy series na Home Sweet Home na muli nilang pagtatambalan ni Jake Vargas.

Sabi niya, “Maganda yung story. And okay naman sa akin na fantasy ulit kahit may nagawa ako before, yung Alice Bungisngis.

“Kasi coming from Cielo de Angelina, ang pinaka-last na ginawa ko na drama ang tema, okey na ang kasunod ay medyo light naman.

“Kahit parehong fantasy, iba ang Home Sweet Home sa Alice Bungisngis. Mas fantasy ito, tapos may action, kaya mas nakaka-thrill.

“Mapapasabak ako sa action scenes, kasi may mga makakalaban kaming kung anu-ano creatures… kaya excited talaga ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TWO LOVETEAMS. Mukhang nalilinya si Bea sa mga fantaserye. Kasama rin siya sa Vampire Ang Daddy ko na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Oyo Sotto.

Si Derrick Monasterio naman ang kapareha niya rito.

Dala-dalawa talaga ang ginu-groom na ka-loveteam ni Bea—may Derrick na siya, may Jake pa.

“It’s up to GMA naman kahit sino i-loveteam nila sa akin. Okay naman sa akin kahit sino.

“Pero si Jake kasi, mas comfortable akong kapareha siya.

“Kasi nga, mas matagal na kaming nagkakasama sa trabaho. At saka magkaibigan kami.

“Okay din namang katrabaho si Derrick—kaibigan ko rin siya.

“Nakakatuwa naman na bukod sa JaBea na fans namin ni Jake, meron na rin DerBea na followers naman namin ni Derrick.”



LENTEN PLANS. Malapit na ang Holy Week. Ano ang plano niya?

“Magbi-Visita Iglesia kami. Tradition na ito ng family namin taun-taon kapag sumasapit ang Lenten Season.

“Na… yung Station of the Cross. Ganoon. Tapos down-South.

"Pero this year, hindi pa namin alam kung saan kami.

“Basta marami kaming simbahang pinupuntahan tuwing Mahal na Araw.”

Ano naman ang summer plans niya? Saan siya magbabakasyon?

“Gusto ko nga sanang mag-summer vacation kahit ilang araw lang.

“Ang kaso, mag-i-start na kami ng taping for Home Sweet Home next week.

“Pero sana maisingit ko na makapagbakasyon ako this summer.

“Right now, hindi ko maplano kung saan kaya posible akong pumunta, kasi hindi pa nga sure kung may time ako,” panghuling sabi ni Bea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN