Marian Rivera on working again with Heart Evangelista: “Sabihin na lang natin na kapag ang damit ay nabutasan, kahit tahiin mo, may marka pa rin.”

Marian Rivera was asked if she’s open to work again with Heart Evangelista, whom she had a rift in 2011 while doing the film Temptation Island. The Kapuso Primetime Queen indirectly answered the question by saying, “Sabihin na lang natin na kapag ang damit ay nabutasan, kahit tahiin mo, may marka pa rin… Siguro naniniwala ako na ang sugat gumagaling, pero unti-unti.”


Hindi direktang sinagot ni Marian Rivera ang tanong kung handa na ba siyang makatrabahong muli ang kapwa Kapuso actress na si Heart Evangelista.

Matatandaan na noong Setyembre 19, 2012, sa special tribute para sa King of Comedy na si Dolphy, ay tahimik na nagkaayos sina Marian at Heart.

Ito’y matapos na pabirong ituro si Heart kay Marian na nasa kabilang table. Hindi naman daw nagtagal ay lumapit si Heart kay Marian at nakipag-beso.

(CLICK HERE for related article.)

Nangyari ang pagtatagpo ng dalawa matapos na magkaroon sila ng alitan habang ginagawa ang pelikulang Temptation Island noong 2011.

Sa presscon ng pelikula ni Marian Rivera kasama si Richard Gutierrez na My Lady Boss kanina, Marso 19, nabanggit sa Kapuso Primetime Queen ang nasabi ni Heart na handa na itong makatrabaho siyang muli.

“Ha?” ang unang naging reaksyon ng aktres habang kapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press.

Sandaling tumahimik si Marian at saka sumagot.

Aniya, “Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa bagay na ‘yan.

“Tutal naman past is past na, marami nang naganap, at sa tuwing nakikita naman niya ako, binabati naman niya ako.

“May mga bagay kasi na… paano ko ba sasabihin… ayoko na rin palakihin ang isyu. Kasi, wala akong mapapala.

"Kumbaga, ako na naman yung talo, sa totoo lang.

“Sabihin na lang natin na kapag ang damit ay nabutasan, kahit tahiin mo, may marka pa rin.

“Pero hindi ibig sabihin no’n na hindi ka nagpapatawad, hindi ka nagiging open sa mga bagay-bagay.

“Siguro naniniwala ako na ang sugat gumagaling, pero unti-unti.”



MY LADY BOSS. Samantala, kanina ginanap sa Imperial Palace Suites ang presscon ng My Lady Boss.

Ito ang comeback ni Marian sa paggawa ng pelikula.

Ang huli kasi niyang ginawa ay ang 2011 Metro Manila Film Festival entry na Ang Panday 2, kung saan isa siya sa mga leading lady ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito rin ang muling pagsasama nila ni Richard Gutierrez sa isang pelikula matapos ang limang taon nang gawin nila ang My Best Friend’s Girlfriend noong 2008.

“For the first time, pumayag na ako makipag-kissing scene!” nagbibirong sabi ng aktres.

Sagot naman sa kanya ni Richard, “Ngayon lang kami nagkaroon ng maayos na kissing scene.”

Hindi naman kaya pagselosan ng nobyo ni Marian na si Dingdong Dantes ang mga kissing scene nila?

“Bakit? Bakit naman siya magseselos?” natatawang tanong ng aktres.

“Bakit ako rin naman kay Dong, marami rin siyang nakakaparehas pero wala namang nangyayari.

“Alam n’yo kasi minsan, ang mga tao lang ang nagbibigay ng kahulugan sa mga nangyayari.

"Kasi ang artista, artista lang naman, kahit sino puwede maka-partner.

“As long as alam mo naman kung saan ka naka-stand doon sa relationship, bakit kailangan may selosan na nangyayari?”



NO PRESSURE. Kakapanalo lamang ni Marian ng kauna-unahan niyang acting award.

Itinanghal siyang Outstanding Actress in a Drama Series sa Goldemn Screen TV Awards para sa GMA-7 primetime series na Amaya (2011).

(CLICK HERE for related article)

Hindi naman daw “pressure” sa aktres ang pagkapanalong ito, na agad na sinundan ng kanyang comeback sa paggawa ng pelikula.

Sabi ni Marian, “Alam mo yung term na nape-pressure dahil sa pag-arte, parang hindi ko gustong gamiting term ‘yan.

“Kasi naniniwala ako na bawat project na ginagawa ko, ibinibigay ko yung best ko.

"And kung makikita ng tao na, ‘Ay, magaling siya diyan, bigyan natin ng chance,’ okay ako do’n.

“Pero yung i-pressure ko yung sarili ko para lalo ko pang galingan, hindi.

"Pero ‘yan ang magiging susi ko para lalo ko pang pagbutihin ang trabaho ko. Hindi para iangat pa at i-pressure ko pa ang sarili ko.

“Ayoko ng gano’ng trabaho.

"Kumbaga, gagawin ko ‘yan ayon sa gusto ko, dahil ‘yon ang dapat at mahal ko siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



WORKING WITH KAPAMILYA ARTISTS. Dumako naman ang usapan sa pakikipagtrabaho ni Marian sa Star for All Seasons at Batangas governor na si Vilma Santos.

Nag-guest kasi ang Kapuso actress sa kauna-unahang independent film na ginawa ni Ate Vi, ang Ekstra.

“Hihimatayin ata ako sa kanya!” bulalas ni Marian.

“Sabi ko, sana talaga lahat ng artista kasing bait niya.

“Promise! Sobrang bait, sobrang sweet.

"Siya pa yung pumupunta sa room ko para tanungin kung okay ako, kung kumain na ba ako, gano’n siya kabait.

“Sabi ko nga, napakalaking pasasalamat ko talaga na nakasali ako sa pelikulang ‘yan, kahit tatlong araw lang akong nag-shoot talaga.

“Napakasarap na experience na nakatrabaho ko siya.”

Pero kung bibigyan ng pagkakataon, gusto rin daw niyang makatrabaho ang iba pang beteranong artista tulad nina Nora Aunor at Eddie Garcia, na kakapanalo lang sa 7th Asian Film Awards.

Samantala, noong 2012 Metro Manila Film Festival ay gumawa na naman ng pelikula sa Star Cinema si Dingdong.

Nakasama ni Dingdong sina Angel Locsin at Angelica Panganiban sa pelikulang One More Try.

Kung ang nobyo niya’y nakagawa na ng ilang pelikula sa ilalim ng Star Cinema, si Marian kaya ay bukas din na gumawa ng pelikula sa nasabing film production ng ABS-CBN?

“Why not, bakit hindi?” balik na tanong ni Marian.

Pagpapatuloy niya, “Naniniwala naman ako na ngayong lumilipat ang Kapamilya sa Kapuso, sa mga pelikula nagsasama, siguro lahat naman ay napag-uusapan.

“Si Mother [Lily Monteverde, Regal Entertainment matriarch] at ang GMA ay hindi naman mahirap pakiusapan, basta naman maganda talaga ang proyekto, bakit hindi?

“Kung para sa akin ‘yon bilang artista, bakit naman nila ako pipigilan sa kung ano pa ang puwedeng mangyari.”



COCO MARTIN FILM. Noon ay mayroong lumabas na balitang gagawa ng pelikula si Marian kasama ang Kapamilya actor na si Coco Martin.

Gayunman, hanggang ngayon ay hindi pa rin ito naisasakatuparan. Ipinaliwanag naman ni Marian ang dahilan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Siya [Coco] kasi may ginawang bago, di ba? Tapos ako may ginawang Richard.

"So, parang hindi talaga nagkaka-swak ang mga bagay-bagay siguro sa amin, bukod sa schedule.

“Siguro may mga bagay talagang hindi mapagkasunduan—sa script, sa set-up, sa pagpo-promote.

“So sana ‘wag na natin ipilit ang mga bagay-bagay na hindi talaga pupuwede.”

Pero, hindi pa rin naman daw inaalis ni Marian ang posibilidad na magkatrabaho pa rin sila ni Coco sa isang proyekto.

Sabi niya, “Tingnan na lang natin, kasi mahirap pangunahan ang mga bagay-bagay.

“Kailangan na lang niya dumating, at saka mo na lang iga-grab kung anong maganap.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN