John Prats thankful for his 21 years in showbiz

John Prats tells the newbies: “Owned ka na ng public, e. So gusto mo mag-quit ka na lang sa pag-a-artista mo kung ayaw mong tanungin ka ng personal questions.”


Malaki ang pasasalamat ni John Prats dahil 21 years na siya sa showbiz.

“I’m just so blessed and my sister na nandito pa rin sa industriya,” wika ni John nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

“Ngayon sa bilis ng transition, sa bilis ng pagpasok ng mga bagong artista…

“That’s the hardest part, e, parang feeling namin madaling sumikat, madaling makilala, pero the hardest part is to maintain, sustain your learning.

“Sobrang blessed ko na nandito pa rin ako.”


GROWING UP IN SHOWBIZ. Aminado si John na mahirap lumaki sa showbiz.

Nagsimula ito bilang child star na nasubaybayan ng publiko ang kanyang pagbibinata.

Ani John, “Mahirap pero parang nakasanayan mo na siya.

“Para kang nag-aaral, na gano’n lang siya. Parang same job lang like nursing, ‘yon ang tingin namin ni Cams [Camille], accountant na pumapasok ka sa trabaho mo.

“Kasi siguro mas iba kapag nagsimula kang bata. Kasi kapag nagsimula kang bata, observation namin ni Cams, naglalaro ka lang, e, naglalaro ka lang hanggang naging lifestyle mo siya.

“So never papasok sa ulo mo na sikat ka, artista ka, heartthrob ka, hindi papasok sa isip mo.”


NEW BREED OF TALENTS. Kaya naman masasabi daw ng Kapamilya actor, na kumpara sa mga bagong sibol na artista ngayon, iba ang naging training sa kanila noon.

Dumaan siya sa mahigpit at istriktong mga direktor tulad nina Johnny Manahan, Gilbert Perez, at Joel Lamangan, kaya maituturing niyang "blessed" daw siya.

“Kasi noon kasi mas iba ‘yong disiplina... sa nakikita ko sa mga bagong artista, ha,” ang komento ng aktor.

“Okay, they’re nice, pero when it comes to molding your talents and skills, like suwerte kami nina John Lloyd, ‘yong batch namin kasi bago kami talaga sinabak, ang dami naming pinagdaanang workshops.

“Ngayon kasi makita mo na lang, bibigyan importansya mo trabaho mo kasi ngayon, nakikita ko na lang sa iba, I don’t want to name names, but when you see them like, ano ‘yon, ganyan na lang porket sikat ka na, late-late ka na kasi sikat ka na?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya naman ang payo ni John sa mga baguhang artista, “Hanggat mayro’n kayo niyan enjoyin [enjoy] niyo at the same time i-cherish niyo.

“‘Wag niyong pakawalan kasi ang daming nakaabang, e. Para kang ang daming naka-ano sa ‘yo anytime.

“Isang mali ka lang, papasok na sila agad, e. So ‘wag mo silang bigyan ng opportunity na makapasok sa puwestong ‘yon.”


LEARNINGS FROM SHOWBIZ. Bukod sa naibigay na“tip” ni John sa mga baguhang artista, tinanong din ng PEP ang ibang bagay na natutunan niya sa loob ng 21 years.

Napatahimik sandali ang aktor at saka napabulalas ng “napakarami!” sabay tawa nito.

Pero unang bagay na natutunan niya, “You can’t please everyone.”

Paliwanag niya, “Kasi dumating ‘yong time na parang gusto mo lahat okay ka, hindi talaga, e.

“May mga tao talagang magagalit sa ‘yo, may mga tao talagang inis sa ‘yo or mga bashers, haters.

“Basta alam mo sa sarili mo, kailangan mo lang maging matibay, you have to be strong.

“Kasi kung weak ‘yong personality mo, lalamunin ka talaga ng industriya, e.

“So basta alam mo lang na wala kang tinatapakang tao, wala kang inaagrabyado, okay ka. You just have to be confident, e, kung anong mayro’n ka.”

Natutunan din daw niya sa kapag pinasok mo ang industriya ng showbiz, kailangan ay handa kang tanggapin ang “sacrifices” na dapat mong gawin.

Ginawa pa ngang halimbawa ni John ang sarili.

“Kapag may nililigawan ka, expect na tatanungin nila ‘yan, it’s an open book,” nangingiting banggit niya.

Kaya kung mayroon kang balak na pasukin ang mundo ng showbiz, sabi ni John, dapat tanggap mo na “owned ka na ng public, e."

At ang dagdag pa niyang bilin, “So gusto mo mag-quit ka na lang sa pag-a-artista mo kung ayaw mong tanungin ka ng personal questions.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN