Rayver Cruz does not discount possibility of reuniting with ex-girlfriend Cristine Reyes in the future

Rayver Cruz on possibility of reuniting with ex-girlfriend Cristine Reyes, "Kung pagdating ng panahon, kung pagtanda namin e kami pala, bakit hindi di ba? Kasi wala naman kaming samaan ng loob tapos iba rin naman yung pinagsamahan namin ni Aa.Yun nga yung sinasabi kong kung kayo, kayo. Kung hindi, at least friends kayo, di ba. Yun yung maganda yung walang ilangan."


Masaya naman daw si Rayver Cruz sa tinatakbo ng kanyang career sa kasalukuyan.

Katatapos lamang daw nilang mag-shoot ng pelikulang OTJ (On The Job) na pinagbibidahan nina Gerald Anderson at Piolo Pascual, at kasama rin siya sa upcoming teleserye na Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Kamakailan nga ay ini-launch si Rayver bilang endorser ng Brazilian timepiece brand na YOT kasama sina Robi Domingo, Julia Montes, Kathryn Bernardo, at Daniel Padilla kung saan nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Pahayag pa ni Rayver, “So ayun, sobrang happy ako and thankful talaga sa Lord sa lahat ng blessings. Sana magtuluy-tuloy.”

Enero ngayong taon lamang nang magdesisyon sina Rayver at ang dating kasintahang si Cristine Reyes na maghiwalay.

Ayon kay Rayver ay wala pa raw bagong nagpapatibok sa kaniyang puso sa ngayon, “Yung special someone, siguro wala pa naman. Wala pa naman.

“Pero inspiration ko naman ever since talaga, yung family ko, e. Kung papa’no sila sa kin, sa kanila ako kumukuha ng strength sa lahat ng ginagawa ko.”

Dagdag pa ni Rayver, hindi raw hinahanap ang pag-ibig: “Sa ngayon, mahirap yung ganun, e. Pag darating yan, darating yan.

“Pag hahanapin ka niyan, siya mismo yung makakahanap sa ‘yo. Hindi mo naman hahanapin yun, e.

“So sa ngayon, happy ako sa takbo ng career and masaya naman kami parehas, magkaibigan naman kami.”

Paglilinaw pa niya ay wala rin daw siyang nililigawan sa ngayon, “Wala pa. Wala pa.

“Kasi kung lalabas at lalabas naman ako, hindi naman ako nagtatago, e.

“Pag may dine-date naman ako, malalaman naman ng mga tao, hindi ko naman ide-deny. Pero ngayon, wala pa.”

Ano naman ang natutunan niya sa mga nagdaan niyang relasyon?

Sagot ni Rayver, “Ang hirap isa-isahin pero madami kasi kahit sinong tao naman, dun siya natututo, from experiences, e, di ba. So yun, at least ang dami kong natutunan, di ba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FRIENDS WITH CRISTINE. Kinumusta ng press ang pagkakaibigan ni Rayver at ng kaniyang ex-girlfriend na si Cristine Reyes.

Kuwento niya, “Hindi naman nabawasan. Pero andun pa rin, e. Andun yung pag nagkikita kami sa set, o pano kami dati. Ganun pa rin, close pa rin, di ba.

“Hindi na nga lang siguro…hindi na kami yung after work palaging magkasama pa rin, ihahatid ko siya sa kanila.

“Then kapag may libre [oras] kailangan magkikita kami na personal namin. Hindi na lang ganun kasi hindi na kami. Pero nandun pa rin yung friendship.”

Napag-uusapan ba nila ang pagkaka-link ni Cristine kay Derek Ramsay?

Aniya, “Wala namang kailangan pag-usapan kasi ever since naman, kahit nung kami pa ni Aa [palayaw ni Cristine], nagpupunta kami kina Derek, e.

“Matagal na naming kaibigan yun, e, kaibigan niya. E, ang mahirap kasi kapag single tapos may makitang may kasaman ganyan, ‘uy sila na, nag-de-date sila.’ Ganyan, di ba.

“So kaya nga naman sinabi in public na wala na kami kasi andami na ngang sinasabi naman tungkol sa kanya, di ba. It’s unfair naman. Pero matagal na namin kaibigan si Derek.”

Nabanggit ba ni Cristine na nagkasama sila ni Derek sa Cebu?

Wika ni Rayver, “Yung sa Cebu, oo, sinabi niya, nagkita sila. Oo naman.

“Kasi nakakapagkuwentuhan [kami], kaibigan ko naman siya, e. Hindi naman yung sobrang open na lahat naman sinasabi.

“Pero syempre pag nagkakakuwentuhan kami, parang ganun pa rin. Bago naman naging kami ni Cristine talaga ever since magkaibigan kami, e.

“Matagal kaming naging close friend bago naging kami. So yung foundation nung pagkakaibigan namin, nandun pa rin.”

Ano naman ang reaksiyon niya na tila nagiging malapit ulit diumano si Cristine sa isa pa nitong ex na si Dennis Trillo?

Sagot niya, “Uhm, wala. Kasi baka gusto niyang maging friends sila, di ba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At least ngayon nakakapag-usap na sila or kung sino man. At least kami friends din kami.

“Baka gusto ni Aa, ganun, friends siya sa mga ex niya, which is good, which is a good thing.

“Kasi nga natutuwa ako sa desisyon namin na ganun dahil bibihira yung ganun yung maghihiwalay kayo tapos magkakaibigan kayo. Baka gusto niya lang ng ganun.

“Ang hirap naman kasi sa atin, sa trabaho natin, pag-iisipan agad [nang masama].”

SECOND CHANCE? Sa tingin ba niya ay may pag-asa silang magkabalikan pa ni Cristine?

Ani Rayver, “Hindi naman tayo nagsasalita nang tapos, di ba. Pero, ganun naman kasi yun, e. Siguro kung kayo, kayo.

“Kahit anong gawin niyo, kahit anong hiwalay niyo, pag kayo sa bandang huli, kayo. Pag hindi, hindi di ba.

“Basta ngayon, at least happy ako na magkaibigan kami. Happy ako sa takbo ng career naming dalawa. Plus siya, di ba, ang daming endorsements.”

Pero umaasa pa ba siya na sila din ang magkakatuluyan sa hinaharap?

Wika niya, “Yun nga yung sinasabi ko. Sa ngayon kasi, sa kahit anong relasyon, pag naghiwalay kayo nung ex mo tapos patuloy kang aasa na…

“‘Hindi,’ sasabihin mo sa sarili mo, ‘Pagdating ng ganito, kami pa rin, kami pa rin,’ masa-stuck ka lang dun, alam mo yun.

“Hindi okay na mentality yung ganun kasi nga lalo ka lang mahihirapan pag ganun yung iisipin mo.

“Ang sa ‘min lang, siguro kahit naman kay Cristine, kahit naman siya, hindi naman kami yung totally naaano na namin sa bawat isa…siyempre mahal ko pa rin siya as a friend.

“Hindi nga lang boyfriend. Pero andun pa rin yung suporta namin sa bawat isa.

“Kung pagdating ng panahon, kung pagtanda namin e kami pala, bakit hindi di ba?

“Kasi wala naman kaming samaan ng loob tapos iba rin naman yung pinagsamahan namin ni Aa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun nga yung sinasabi kong kung kayo, kayo. Kung hindi, at least friends kayo, di ba. Yun yung maganda yung walang ilangan.”

ON MAJA-GERALD. Bilang malapit na kaibigan ni Gerald Anderson at kasama pa nga sa pag-celebrate nito ng kaarawan sa La Union, hiningan ng opinyon si Rayver tungkol sa relasyon nito kay Maja Salvador.

Pahayag ni Rayver tungkol sa mga intrigang ibinabato sa kaibigan, “Yun nga, katulad nung nangyayari naman din sa kin, based on experience ko, di ba. Bahala na sila sa opinyon ng iba.

“Basta ako, alam ko sa sarili ko napakabuting tao nun, napakabuting kaibigan.

“Simula nung nag-start siya hanggang ngayon, hindi siya nagbago. So hindi totoo yun para sa kin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN