Camille Prats on basic qualification of a suitor: “Isa lang po—kailangang mahal niya yung anak ko.”

Inamin ni Camille Prats na may mga nanliligaw sa kanya. Kuwento niya: “Siguro mga nagpapahaging, nagpaparamdam. Meron. Pero wala pa yung talagang fully na, ‘Liligawan kita, pupunta ako sa bahay ninyo, I wanna meet your parents.’”


Maraming nakapansin na blooming si Camille Prats nang mag-guest siya sa Party Pilipinas last Sunday, March 17.

Nandoon si Camille para mag-promote ng afternoon series ng GMA-7 na Bukod Kang Pinagpala kung saan isa siya sa cast.

Nangiti siya nang matanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa current status ng kanyang lovelife.

At hindi naman niya itinangging may mga umaaligid sa kanya ngayon.

“Meron naman pong mangilan-ngilan,” aniya.

“Pero hindi ko pa kasi nakikita na meron talagang sobrang linis ng intensiyon.

“At saka talagang…yung head-on na pinapasok niya na…gusto niya talaga… Wala pa.

“Siguro mga nagpapahaging, nagpaparamdam, meron.

“Pero wala pa yung talagang fully na, ‘Liligawan kita, pupunta ako sa bahay ninyo, I wanna meet your parents.’

“Wala pang ganoon. Wala pa naman.



STYLE. Nabiyuda si Camille noong isang taon sa asawang niyang si Anthony Linsangan na pumanaw sa sakit na cancer.

Buhat noon ay wala namang nababalitang may nanliligaw kay Camille kaya parang “baguhan” muli ang biyuda sa pormahan.

“E, di ba dapat naman ganoon kapag manliligaw?” sabay tawa ni Camille.

“Alam mo kasi, sa totoo lang, hindi ko na alam kung paano ba ang ligawan sa panahon na ito.

“Dahil ang panahon ko noon kapag nililigawan, pinupuntahan sa bahay… meet the parents. Ganoon!” tawa ulit niya.

“So ngayon, hindi ko alam kung nanliligaw na ba sila, kung iyon na ba iyon.”



QUALIFICATIONS. Ano ba ang qualifications na gusto niyang makita sa lalaking susunod niyang mamahalin?

“Qualifications ko, isa lang po—kailangang mahal niya yung anak ko.

“More than anything, my priority is my son. So, my son has to really be comfortable with him.

“Siguro doon ko pa lang bubuksan ang sarili ko sa kanya kapag nakita ko na approved siya sa anak ko.

“Oo. Importante iyon.

“I mean, Nathan is only five years old. But I would sense na kapag alam kong uncomfortable siya at kung gusto niyang kasama yung tao, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So mahalaga sa akin iyon.”

Paano kung gusto ng anak niya yung guy pero ayaw naman niya?

“Mahirap iyon!” tawa na naman ni Camille.

“Pero siyempre, bago ko naman ipakilala sa anak ko, sisiguraduhin ko naman na gusto ko rin, di ba?

“Kasi mahirap naman na sila lang yung magkasundo.”

Paano kung gustung-gusto niya, ayaw naman ng kanyang anak doon sa guy?

“Hindi po, e. Hindi ko siguro siya masyadong magugustuhan kung hindi kumportable ang anak ko sa kanya.”



LENTEN PLANS. Ngayong Holy Week, ano ang plano nila ng kanyang pamilya?

“Actually, we’re planning to spend Holy Week in Batangas.

“Meron kaming place doon. So, we’re spending it with family. Yun lang.

“Usually naman kasi, we don’t have time to go out of the country, or medyo mas malayong lugar.

“Kasi nga, yung oras natin ng bakasyon limited lang din yung araw because of work.

“So, meron kaming get-away sa Batangas. And this is the first time we’re spending Holy Week din together. Kaya excited din kaming lahat.”

Ang kanyang anak na si Nathan, gusto naman daw ituon ang pansin sa basketball ngayong summer vacation.

Ini-enroll din daw niya ito sa math and reading programs sa Divine Angels Montessori, ang school na pag-aari ng kanyang pamilya.

“Ang dami ko rin kasing summer programs with our school. I’m also teaching Little Chef.

“Meron akong cooking class na iho-hold every Saturday sa April after Holy Week.

“So, busy-busy-han talaga ang peg ko ngayong summer. Kaming dalawa ng anak kong si Nathan.

“And excited ako kasi first time naming magke-cater ng cooking sa summer programs ng school namin. So, looking forward talaga ako doon.

“These are for pre-schoolers and kids, kahit graders around until ten years old.

“Happy naman ako na bukod sa acting career ko ay may iba pa akong pinagkakaabalahan,” panghuling nasabi ni Camille.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN