PEP SPECIAL REPORT Heart Evangelista: woman in love or prodigal daughter?

Mula noong unang magkaroon ng relasyon si Heart Evangelista, madalas na tanong ng publiko tungkol sa kanyang nobyo ay, “Boto ba ang pamilya niya?” At ngayon, muling naging isyu ang pagtutol ng kanyang mga magulang sa relasyon ni Heart sa senador na si Chiz Escudero. Ang tanong ng marami ngayon: Ipaglalaban ba niya ang kanyang pag-ibig o susundin niya ang kagustuhan ng kanyang mga magulang?


Katulad ng mga napapanood na drama sa pelikula at telebisyon ang nangyayari ngayon sa buhay-pag-ibig ng aktres na si Heart Evangelista.

Tutol ang kanyang mga magulang sa lalaking minamahal niya.

Kung si Heart ay galing sa maykayang pamilya, hindi rin naman basta-basta ang pinanggalingan ng kanyang kasalukuyang kasintahan—si Francis "Chiz" Escudero.

Si Chiz, na isang senador, ay mula sa kilalang pamilya ng mga pulitiko at haciendero sa lalawigan ng Sorsogon.

Sa kabila nito, gusto ng mga magulang ni Heart na sina Rey at Cecile Ongpauco na layuan ng senador ang kanilang anak sa ilang kadahilanan na idinetalye nila sa isang press conference at sa isang press statement.

Kung babalikan ang mga nakarelasyon ni Heart, hindi ito ang unang pagkakataon na tumutol ang mga magulang ng aktres sa lalaking minamahal niya.

At kung saka-sakali, hindi rin ito ang unang pagkakataon na ipaglalaban ni Heart ang kanyang pagmamahal.

Nagsimula sa showbiz si Heart bilang isang teen star, sa edad na 15, noong 2000 sa bakuran ng ABS-CBN.

Kaya mula noon ay nasubaybayan na ng publiko ang kanyang career at pati na ang lovelife niya.

At ngayong may bagong kinahaharap na kalbaryo si Heart na may kinalaman sa kanyang buhay-pag-ibig, magbabalik-tanaw ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mga lalaking minahal niya at ang naging pagtanggap ng kanyang mga magulang sa mga ito.



JOHN PRATS. Nagsimula bilang magka-loveteam sina Heart at John Prats.

Taong 2000 nang magkasama sila sa youth-oriented show na G-Mik, na nasundan ng isa pang youth-oriented show, ang Berks, noong 2002.

Pero hindi kaagad nagkagustuhan sina Heart at John.

Kuwento ni John sa PEP, mailalarawan niya ang kanilang relasyon bilang “baby love” o mas kilala bilang puppy love.

Isang taon din tumagal ang kanilang relasyon, hanggang sa mapagdesisyunan nilang tapusin na lamang ito.

Pag-alala pa ni John, “We were really young and the reason why we broke up… sobrang if you think about it now, sobrang babaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We really love each other, parang we were at the stage na I was young and masyado akong nasakal. I was like… space!

“Siyempre bata pa ‘ko, I’m just enjoying my life.

“Eighteen lang ako, so feeling ko naman I have… marami pang mangyayari sa akin, that’s why it didn’t work out, and gano’n talaga, e.”

Pero nagtapos man ang kanilang relasyon, hindi naman nawala ang kanilang pagkakaibigan.

Kapag nag-uusap nga raw sila ni Heart at naaalala ang kanilang kabataan, “natatawa na lang kami.”

Kasalukuyang nali-link si John ang Kapuso actress na si Isabel Oli.



JERICHO ROSALES. Isa sa mga pinaka sinubaybayan na yugto sa buhay ni Heart ay nang maging magkarelasyon sila ng aktor na si Jericho Rosales.

Tatlong taon din tumagal ang kanilang relasyon, na ayon kay Jericho ng mga panahong iyon ay ang “pinakamatagal” niyang relasyon.

Sabi pa nga niya, “I’m bold enough to say na siya [Heart] na yung gusto ko.

“Wala na akong ibang gusto.”

Pero hindi naging madali ang tatlong taon na iyon, dahil na rin sa pagtutol ng pamilya ni Heart sa relasyon nila ni Jericho.

Aminado naman dito si Jericho, at nabanggit niya sa panayam ng PEP sa kanya, noong August 24, 2007, na inirerespeto niya ang opinyon ng mga magulang ni Heart.

Aniya, “Actually, magiging honest ako. Very medyo distant ang relationship namin ngayon.

“I cannot say na we’re not in speaking terms. I can’t say anything like that kasi hindi ko naman puwedeng idikta ang saloobin nila, e.

“Basta ang alam ko lang, masaya na yung vibes. Masaya na yung atmosphere, di ba?

“Si Heart, malaya, maligaya, parang ganoon. Nagpapasalamat na ako na malaking improvement na nangyari.”

Dagdag pa ng aktor, “Ako gusto ko i-honor ang parents niya.

“Gusto ko silang i-honor through taking care of Heart. Gusto kong inaalagaan ko si Heart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko maalis yung magulang, siyempre protective ‘yan. Hindi puwedeng dapuan ng kahit anong langaw o lamok si Heart.

"Bina-value ko yung pag-aalaga nila kay Heart kaya ganoon na lang din ‘yong pag-aalaga ko sa kanya.

"Mayroon naman akong kapayapaan sa loob ko na nakikita naman siguro nila na hindi ako nagloloko, nagtatarantado, o kahit ano, di ba?

“Ang sinasabi lang sa akin ni Heart, ‘Continue to love them and be patient.’ Kasi ganyan talaga ang mga magulang. Mapagmahal, di ba? Lalo na’t Pilipino tayong lahat, di ba? Tradisyon.”

(CLICK HERE for related article)

Marami rin ang humanga sa katatagang ipinakita ng relasyon nina Heart at Jericho.

Alam din kasi ng dalawa, na bukod sa pamilya ni Heart, duda rin ang maraming tao tungkol sa kanilang relasyon.

Pero ipinagmalaki ni Jericho na sa loob ng tatlong taon nilang relasyon ni Heart ay napatunayan nila kung gaano katindi ang kanilang pagmamahalan.

“At first, kasi parang walang bilib sa amin yung mga tao,” pag-obserba ni Jericho.

“Marami, di ba, na parang kumontra sa relationship namin? Although, they said, ’O, you guys look good together pero hindi kayo maganda para sa career ninyo ang isa’t isa.’

“Three years na kami ngayon, pero maganda. We’re still here. We’re strong. Heart’s working and I’m working.

“We just got better in terms of personality and character. Mas stable kami ngayon, di ba?

“I think we’re better people now than before.

“So ngayon, kapag naglalakad kami, di ba, yung mga tao parang tanggap na nila kami?

"Tapos sinasabi nila na parang ang gaan daw ng feeling nila kapag nakikita nila kami.

"There must be something to it, di ba?”

(CLICK HERE for related article)

Pero dumating noong Mayo 2008 ang matinding unos sa kanilang relasyon, hanggang sa tuluyan nang bumitaw si Heart sa relasyon nila ni Jericho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naging madali para kay Jericho na tanggapin ang paghihiwalay nila ng aktres.

Katunayan, nang makapanayam siya ni Boy Abunda sa The Buzz noong Mayo 11, inamin ng aktor na “tagilid pa yung idea na hiwalay na kami, e.”

Nakipaghiwalay raw si Heart sa kanya sa pamamagitan ng pagpapadala ng e-mail, dahil nasa Malaysia siya noon para sa shooting ng isang teleserye.

Katunayan, ang distansiyang ito ang isa sa itinuturong dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Pero ang pinakamabigat na paratang, para kay Jericho, ay nang sabihing mayroong third party sa panig niya.

Iniuugnay kasi noon ang pangalan ni Jericho sa mga leading ladies niya— una’y sa Malaysian actress na si Carmen Soo, na kasama niya sa teleseryeng Kahit Isang Saglit (2008).

At ang isa pa ay ang international actress na si Briana Evigan na nakatambal naman niya sa pelikulang I Luv U Virus.

Ngunit itinanggi ito ni Jericho, at sinabing ang mga balitang natanggap na ito ng nobya ay “kasinungalinan.”

Aniya, “Here’s a man, okay, loving a girl very much and truly.

“How can I, in my life, at this stage, at this point, dito sa buhay ko, sa sarili ko, pagsasabayin ko ang dalawang babae?

"Briana and Carmen at the same time? And I’m gonna look like this? Miserable?

“I don’t think I can do that.”

Gayunman, sa panayam kay Heart sa Dubai ng entertainment show na StarTalk, ay tinanong siya kung mayroon nga bang third party involved sa hiwalayan nila ni Jericho.

“The third party, it’s true,” sagot ng aktres.

Kuwento pa niya, “Pumunta si Jericho doon sa bahay ng Malaysian girl [Carmen]. Aside from nakita ko si Jericho... nakita ko din ang pagbabago niya.

“Bago ko pa narinig ang mga taong nagsalita tungkol doon, nakita ko na na malaki ang ipinagbago niya at nag-aaway na kami dahil parang hindi ko na siya mapigilan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Itinanggi rin ni Heart na mayroong kinalaman ang kanyang pamilya sa paghihiwalay nila ni Jericho.

Wika ng Kapuso actress, “Ang pamilya ko, simula noong nakita nila na tatlong taon kong ipinaglaban si Jericho, at talagang wala silang sinabi ni isang salita na, ‘Mas mabuti pa ganito, mas mabuti pa ganyan.’

“Wala silang sinabi.

“Kumbaga, hinayaan na nila yun. Alam nila na wala na silang magagawa doon for sure, decision ko na yun.

“So hindi totoo ‘yan.

“Malinaw na malinaw na tatlong taon ko siyang ipinaglaban, tatlong taon kong tiniis ang career ko, ang pamilya ko.”

(CLICK HERE for related article.)

At sa huli, sa tuwing sinusubukan siyang tanungin tungkol sa dating nobyo, ang tanging sagot ni Heart ay, “It doesn’t need to be... I mean, why carry on when it’s done, it’s over. Next topic, di ba?”

Ngayon ay masaya na si Jericho sa kanyang model-host girlfriend na si Kim Jones.



DANIEL MATSUNAGA. Makalipas ang dalawang taon, muling nagbukas ang puso ni Heart sa katauhan ng Brazilian-Japanese model na si Daniel Matsunaga.

Nagkakilala ang dalawa sa primetime drama series na Langit sa Piling Mo noong 2010.

Hindi naman itinago ni Daniel ang paghanga niya sa dalaga, at sinabing espesyal ito sa kanya.

Hanggang noong Setyembre 3, lumabas ang balita sa PEP kung saan inamin ni Daniel na sinagot na siya ni Heart noong Agosto 20, 2010.

(CLICK HERE for related article.)

Siyempre, dahil nga sa nangyari sa relasyon nina Heart at Jericho, hindi naiwasang tanungin si Daniel kung nakilala na ba nito ang pamilya ng aktres.

Nauna na raw niyang nakilala ang mga magulang ni Heart, at umasa siya na nagustuhan siya ng mga ito.

Ang pag-aalala na ito ni Daniel ay napawi nang sabihin ng kapatid ni Heart na si Camille Ongpauco na, “Okay naman po. Mukhang mabait naman po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana po talaga, sincere, dahil as Heart’s ate, I’m very protective.

“So kung saan siya masaya, di masaya na rin ako.”

(CLICK HERE for related article)

Pero makalipas ang halos dalawang taon na pagiging magkasintahan at ilang buwan pagkatapos isama ni Daniel si Heart sa Brazil upang ipakilala sa kanyang pamilya, kinumpira ng dalawa na tinapos na nila ang kanilang relasyon.

Sabi ni Daniel, “It was a mutual decision.

“Actually, we both agreed and we both talked.

“There’s a lot of things, personal stuff guys, I’m sorry…

“It’s really hard because when you love someone, you have your time, you have your hard time—and it happens.

“It’s nothing I can do, and sort of tweets that people are saying that there was thread, it was nothing like that.

“It’s just that the relationship didn’t work.”

Nilinaw rin ni Daniel na walang kinalaman ang pamilya ni Heart sa naging desisyon nilang magkasintahan.

(CLICK HERE for related article.)

Matagal rin bago nagsalita si Heart tungkol sa paghihiwalay nila ni Daniel.

Ang itinuturong dahilan naman ng aktres sa pagtatapos ng kanilang relasyon ay “cultural differences.”

Ani Heart, “You know, we’re very different and someone once told me, in the olden times daw, pag pini-pair up ang dalawang tao, tinitingnan nila yung compatibility—meaning upbringing, culture...

"And I think it’s true.

"At the end of the day, it’s still different when you both come from different worlds and the cultural differences come in and you fight about little things and it’s just accumulation of little things and we’re different.

“But it doesn’t mean that the other was horrible or masama ang ugali, no nothing like that.”

At muli, itinanggi ni Heart na mayroong kinalaman ang kanyang pamilya sa pagtatapos ng relasyon nila ni Daniel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think my parents will always get involved with everything that I get into, but at the end of the day, it’s my choice.

"And I never let them affect relationship or anything that I’m doing so hindi siya naging problema para sa akin.”

Ngayon ay nananatiling single si Daniel, na isa nang Kapatid talent.



CHIZ ESCUDERO. Nang magtapos ang relasyon nila ni Daniel, agad na naiugnay ang pangalan ni Heart sa senador na si Chiz Escudero.

Noong una, sinabi ni Heart na “friends” lamang sila, at ang senador ay “some one I look up to.”

Ngunit marami na ang nakapuna sa madalas na paglabas ng dalawa.

Hanggang Oktubre noong nakaraang taon ay inamin na ni Senator Chiz na girlfriend na niya si Heart.

Unang nag-alangan ang ilan sa age difference ng dalawa.

Si Heart kasi ay 28 years old, habang ang senador ay 43 years old.

Pero sabi ng aktres, “nice” pa nga raw ang malaking age difference nila ng nobyo dahil “I learn so much.”

(CLICK HERE for related article)

Hindi rin naman ito iniintindi ni Senador Chiz. Sabi pa nga niya, “I don’t notice it. I hope she doesn’t either.

“We don’t talk about it. We understand each other and we share a lot of things together.”

Pinabulaanan din ng senador na ginagamit niya lamang si Heart para sa papalapit na May 2013 elections.

Giit ng senador, “Si Heart na siya bago ko siya makilala—sikat, artista, may mga awards.

"Ako rin naman, kung sino ako, bago ko siya makilala, so we will leave it at that."

Pero ngayon, isang bagong pagsubok sa pakikipagrelasyon ang kinakaharap ni Heart.

Tahasan na kasing nagsalita ang mga magulang ng aktres sina Rey at Cecile Ongpauco na hindi sila boto sa nobyo niyang si Senaodr Chiz.

Sa ipinatawag na press conference ng mag-asawa kahapon, Marso 19, ay ibinahagi nila ang ilang alalahanin para sa bunsong anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi kasi ng mag-asawang Ongpauco na walang paggalang sa kanila ang senador.

Umabot pa nga raw sa puntong sinisigawan at minamanipula ni Chiz si Heart na suwayin ang kanyang mga magulang.

Ani Mr. Ongpauco, “Ang tao pag bastos sa magulang... lalo na yung anak ko, balang-araw, kawawa naman yun, baka ano mangyari do’n.

“Hindi ako nagagandahan sa ugali niya.”

Dagdag naman ni Mrs. Ongpauco, “When he [Chiz] first visited our house, the very first time, he was drunk.

“He smelled of alcohol.”

Kaya naman ang hiling nila sa senador: “Leave our daughter alone for a cooling-off period.”

Gayunman, mukhang iba ang ipinararating na mensahe ni Heart sa publiko.

Sinabi kasi nitong nasa tamang edad na siya upang magdesisyon para sa kanyang sarili, at walang katotohanan ang mga ibinibintang ng mga magulang niya sa kanyang nobyo.

Ani Heart, “Nahihiya lang ako sa boyfriend ko, kay Chiz, saka yung family niya, wala naman silang ipinakitang masama sa akin, napakabait nila tapos nagkaroon pa ng mga kasinungalingan, mga paninirang ganyan.”

Habang si Senador Chiz naman, sinabing ayaw niyang panghimasukan ang problemang pampamilya ng kanyang nobya.

Pahayag ng senador, “Hindi po ako showbiz... Hinihiwalay ko po at di ko pinaghahalo ang trabaho ko sa personal kong buhay at lalong hindi ko po pinapayagan na manghimasok ang personal kong buhay sa aking trabaho.

"Sapat na siguro na sabihin ko muna ngayon na, bagaman ako ay medyo nadadamay, hangga’t maaari, ayaw kong manghimasok sa hindi pagkaka-unawaan sa pagitan ng isang anak at kanyang mga magulang.

"Sana din ay di ito panghimasukan ng iba upang sa gayon ay manatili ang puwang na magkaunawaan sila.

"Maayos at matatag ang samahan at ugnayan namin ni Heart at tinuturing ko lamang ito bilang isang hamon at pagsubok sa relasyon namin kung saan, buo ang pag-asa ko na, ito ay malalampasan namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE for related article)

Ngayon, ang inaabangan ng publiko kung ano ang magiging aksyon ni Heart sa alitan nila ng kanyang mga magulang.

Ipaglalaban kaya niya ang kanyang relasyon o iiwan niya ang senador katulad ng kagustuhan ng kanyang mga magulang?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN