Richard Gutierrez does not have definite plans after expiration of contract with GMA-7

Wala pang maibigay na tiyak na plano si Richard Gutierrez tungkol sa pagtatapos ng kontrata niya sa GMA-7. Basta ang iniisip niya lamang daw ngayon ay ang pelikula niyang My Lady Boss at ang gagawin niyang bagong teleserye.


Tumanggi muna si Richard Gutierrez na pag-usapan ang nobya niyang si Sarah Lahbati.

Pero sinuguro naman siya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press na “okay” si Sarah at na tuluy-tuloy ang komunikasyon nila.

Pero nang tanungin kung nag-aaral na ba ang young actress, na ngayon ay nasa Switzerland kasama ang kanyang pamilya, sinabi ni Richard na “let’s not talk about her.”

Sinabi kasi ni Sarah noon na kaya siya babalik sa Switzerland at iwan ang kanyang career dito sa Pilipinas ay upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Gayunman, tuloy pa rin daw si Richard sa plano niyang maging tulay upang matapos na ang alitan sa pagitan nina Sarah at home network nitong GMA-7.

Matatandaan kasi na Enero nitong taon, ilang mga isyu at paratang ang nabitawan ni Sarah laban sa GMA, sa pamamagitan ng kanyang Twitter account (@SarahLahbati).

(CLICK HERE for related article.)

Ani Richard, “May tamang panahon din for that.

“But of course, iyan ang goal ko.

“Right now, we’re taking one step at a time, it’s not an easy process. But that’s my goal.”

Nakausap ng PEP si Richard kahapon, Marso 19, sa presscon ng My Lady Boss sa Imperial Palace Suites, sa Tomas Morato, Quezon City.



MY LADY BOSS. Samantala, masaya naman si Richard na muli silang nagkasama ni Marian Rivera sa isang pelikula matapos ang limang taon.

Ang unang pinagsamahan nilang pelikula ay ang My Best Friend’s Girlfriend noong 2008.

Mas “mature” na roles daw ang kanilang ginawa ni Marian sa pelikula, at siguradong makaka-“relate” ang marami sa kanyang role.

Nakakatuwa rin daw katrabaho si Marian dahil “kahit madaling-araw na, ang taas pa rin ng energy niya!

Dagdag pa ni Richard, “Hindi ko alam kung saan niya kinukuha ang energy niya.”



CONTRACT WITH GMA-7. Ang Regal Entertainment at GMA Films ang producer ng My Lady Boss.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At nagpapasalamat si Richard sa tuluy-tuloy na proyektong ibinibigay sa kanya ng kanyang home network.

Pero in two months ay matatapos na ang kontrata ni Richard sa GMA.

Ano na ba ang plano niya?

“Malalaman n’yo at the right time,” sagot ng aktor.

“Uhm, right now, I’m not at the position to talk about my contract because I still have a project with GMA, I still have a soap opera that will run until June.

“So I have respect for the network, and I have a movie with them, I have a soap opera with them—I’m concentrating on that.

“Kung anuman yung mangyayari a few months for now, you guys will know at the right time.”

Hindi naman lingid sa marami na very hands-on din ang ina ni Richard, ang talent-manager na si Annabelle Rama, pagdating sa career nilang magkakapatid.

Mahalaga pa rin daw ang opinyon ng kanyang ina pagdating sa kontrata niya.

Pero giit ni Richard, “Ako pa rin siyempre yung magde-decide.

“And kung ano man ang magiging decision ko, people will find out in a few months.

“At saka marami akong mga kaibigan at mga tagasuporta na nagbibigay ng advice sa akin.

"A, nandiyan ang family ko na, of course, nakikinig ako sa kanila.”



“SUPERMOM.” Nabanggit na rin lang si Annabelle, kinumusta namin kay Richard ang kanyang ina na tumatakbo ngayon bilang kongresista sa Cebu.

“Okay naman. She’s doing very good,” tugon ng Kapuso actor.

Natutuwa rin daw siya na makita kung gaano ka-dedicated ang kanyang ina na pag-aralan ang mundo ng pulitika.

Ani Richard, “Kasi she’s going to run and she’s going to do it.

“But she’s not doing it in a way na hindi niya pinag-aralan o hindi siya dumidiskarte na… ngayon marami siyang mga advisers, maraming tao ang sumusuporta sa kanya which we’re very thankful for.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Uhm, of course, Tito Mike Ramos is very experienced pagdating sa politics.

“So maraming tumutulong sa mom ko, maraming nag-a-advise sa kanya.

"And my mom is making the right decisions, she’s working hard, maganda ang plataporma niya—I’m in full support sa plataporma niya.”

Pero kahit pa abala ang kanyang Mommy Annabelle sa pangangampanya, hindi naman daw sila pinapabayaan nito.

Kuwento pa nga ng aktor, “She still manages to go back here para sa mga meetings, nandito siya two to three days ago.

“She stayed here para sa mga meetings, and kahit na nagka-campaign siya, she calls us many times in a day.

“She makes sure na we’re okay, she makes sure na everything is okay—supermom siya, e!” nakangiting pagtatapos ni Richard.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN