Part 1. Ai-Ai delas Alas on Kung Fu Divas co-star Marian Rivera: "Napaka-professional, napakabait na tao. Kaya yung tsismis sa kanya noong araw, nagugulat ako."

Ikinuwento ni Ai-Ai delas Alas ang hirap na naranasan niya habang ginagawa ang pelikulang Kung Fu Divas. Sabi niya, "Ang hirap, tumbling at kailangan minsan, malapit na malapit ang mga fight scenes. E, minsan, kailangan ng ano… minsan ninenerbiyos ako kasi masakit."


Maganda ang atmosphere, masaya, at maayos ang set ng Kung Fu Divas nang madatnan namin ang shooting sa Revolver Studio sa Makati noong Lunes, March 18.

Present ang dalawang bida ng pelikula na sina Ai-Ai delas Alas at Marian Rivera, na parehong naka-costume nang makita namin.

Sa pagitan ng break ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai.

Kinamusta muna namin sa comedienne ang tungkol sa pelikula.

Sagot niya, “Okay naman ang movie.

“Masaya siyang gawin at mahirap din siyang gawin.

"I think, ito ang pinakamahirap na movie na nagawa ko sa entire career ko.”



COMPLICATED. Bakit niya nasabing ito ang pinakamahirap na ginawa niya?

“Marami kasi... ang mga linya mahaba, tapos yung karate, kung fu-kung fu at hindi talaga siyang simpleng movie lang.

“I think, lahat naman tayo, kapag mahirap, maganda, di ba?”

Maituturing din ba niya ang Kung Fu Divas ang pinakamalaking pelikulang ginawa niya bukod sa ito ang pinakamahirap gawin?

“I think, oo,” pagsang-ayon niya.

“Aside sa Tanging Ina siyempre, yun ang launching film ko. After noon, ito na.”

Budget-wise, ito rin ba ang pinakamalaki?

“Halos pareho,” nakangiting sabi ni Ai-Ai.

CO-PRODUCER. Bukod sa pagiging bida ng pelikula, co-producers din dito sina Ai-Ai at Marian.

Ito ang ikatlong pagkakataon na nag-produce na ni Ai-Ai ng pelikula. Nauna na ang Enteng Ng Ina Mo at Sisterakas.


Kumusta naman ang pagiging producer niya?

Sagot ni Ai-Ai, “Masaya siyempre, dahil nararamdaman ko na, ‘Yehey, may pera na naman!’”

Confident ba siya na isa na namang blockbuster hit ang Kung Fu Divas?

“Ay, oo. Hindi dahil kami ang starring dito pero naniniwala kami sa film at sinabi ko na ito kay Direk Onat [Diaz].

“Sabi ko sa kanya, ‘I think Direk, isa ito sa pinakamagandang movie na nagawa ko at alam ko na ano ito, papatok ito… bago.

“Script-wise, comedy-wise, cinematography, e, bago siya lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pang-Hollywood, pang-imported na film.

"Kapag pinanood mo, parang imported na pelikula. Ganoon.”

ACTION SCENES. Bukod sa naka-harness sila ni Marian sa ilang fight scenes nila, totoong kung-fu rin daw ang ginagawa nila sa kanilang action scenes.

Ayon kay Ai-Ai, “Ang hirap, tumbling at kailangan minsan, malapit na malapit ang mga fight scenes.

“E, minsan, kailangan ng ano… minsan ninenerbiyos ako kasi masakit.

"At saka, mga Chinese ano talaga... hindi sila marunong mag-English.

"Chinese ang salita nila at may interpreter pa ang sasabihin mo bago nila maintindihan.”

Ano ba ang roles nila ni Marian sa pelikula?

“Basta magkalaban kami rito ni Marian—sa bagay, sa lalaki, sa lahat ng bagay.”

Ang English name raw ni Ai-Ai sa movie ay Charlotte, pero ang Chinese name niya ay Lyna.

Si Marian naman si Samantha at ang Chinese name niya ay Mena.



EXCITED. Buo na raw ang materyal ng Kung Fu Divas bago pa man siya inialok na maging co-producer.

“Buo na ito at nagustuhan ko agad. Buo na ito noong inilatag sa akin and nakakatulala.

“Talagang, ‘Direk? Ganyan ang movie na ‘yan?.

"I think, lahat tayo excited.

“Kasi yung napapanood natin sa sine at sa teaser, ano pa lang yun, one point one percent pa lang yun sa buong pelikula.”

Balitang sa October 2013 pa ang playdate ng pelikula.

Pero kung siya ang tatanungin, gusto ba niya itong ipasok sa Metro Manila Film Festival?

“Okay lang. Ako, anything basta maipalabas—basta maging blockbuster siya kahit na anong araw pa siya!” natatawang sabi ni Ai-Ai.

Ayon kay Marian, wala siyang kaba sa pelikula nila dahil nandiyan daw si Ai-Ai.

Tugon dito ni Ai-Ai, “Ako rin, nandiyan naman siya, e. Puwede na ‘yan… go, go go!”



BUSINESS PARTNER. Unang beses nila ni Marian na magkasama sa pelikula at posible rin na una at huli nilang pagsasama sa Kung Fu Divas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta nsi Marian bilang co-star at co-producer niya?

“Si Marian kasi, napaka-professional, napakabait na tao. Kaya yung tsismis sa kanya noong araw, nagugulat ako.

“Kahit point one percent, hindi naman totoo yun.

"Bukod pa doon, napaka-independent na tao… napakaaga.

“Kapag kinol-time mo ng seven [a.m.], nandiyan ng seven kahit puyat… Napaka-professional.”

Nabanggit niya na nagtataka siya sa mga isyu kay Marian na naglabasan. Kahit paano, nagkaroon ba siya ng duda na baka nga ganoon ito?

Sagot ni Ai-Ai, “Hindi, kasi alam ko na mabait siya.

"Noon pa, nararamdaman ko na kahit hindi ko pa siya nakakasama.”

WEDDING. Kapag magkausap sila ni Marian, hindi ba niya ito napapayuhan na magpakasal na kay Dingdong Dantes?

“Hindi naman. Ah… gusto na niyang mag-baby. Pero sabi niya, gusto niya, kasal muna. Tama naman yun!”

Sino sa palagay niya ang mauuna sa kanila ni Marian na lalakad sa aisle?

“Unahan na lang! Kung sino ang mauna, yun ang panalo!” natatawang sabi niya.



HUNK LEADING MAN. Ang leading man nila ni Marian sa Kung Fu Divas at isa rin sa pinag-aagawan nila ay si Edward Mendez.

Nagsilbing reunion kina Ai-Ai at Edward ang pelikula dahil sampung taon na ang nakararaan ay nakasama na niya ito noon sa Pinay Pie.

Hindi nga raw ito nakilala ni Ai-Ai dahil sa ganda ng katawan ngayon.

“Ang laki ng katawan, gumuwapo. Nagulat nga ako dahil hindi ko nga siya nakilala.

"Makalaglag-panty na kaguwapuhan!”

Isa rin si Ai-Ai sa namili rito na maging leading man.

Ano naman ang nakita nila kay Edward para ito ang mapili sa dami ng nag-audition?

“Yun nga, makalaglag-panty at maganda ang katawan.

"Sa film, iba ang rehistro niya. Kumbaga sa babae, vavavoom. Talbog!

"At palagi siyang naka-topless, mainit, malamig… bahala siya!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN