PEP EXCLUSIVE (Third of 3 Parts). Kris Aquino wants Permanent Protection Order against ex-husband James Yap

"You know, left alone, Bimby and Kris are happy. It is their inner peace that is being disturbed, that breaks the rhythm of their lives,” says Atty. Frank Chavez, legal counsel of actress-TV host Kris Aquino, who filed for a Permanent Protection Order against her ex-partner James Yap.


Matapos mapagbigyan ang kanyang petisyon para sa isang Temporary Protection Order (TPO), humihiling ngayon ang actress-TV host na si Kris Aquino ng Permanent Protection Order (PPO) laban sa dati niyang partner na si James Yap.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa legal counsel ni Kris na si Atty. Frank Chavez kaninang hapon, March 20, isinaad nito na ang hiniling nilang TPO ay napagbigyan ng korte noong March 15, at naging epektibo kinabukasan, March 16.

Ang TPO ay magtatatagal ng 30 araw.

Nakapaloob sa kautusang ito ang paglayo ni James sa kanyang dating asawang si Kris at sa anak nilang si James Yap Jr., o mas kilala sa tawag na Bimby.

Narito ang ilang bahagi ng kautusan, na binasa ni Atty. Chavez sa phone interview ng PEP:

“It prohibits James Yap from committing any of the following:

“1. Committing or threatening physical harm to Kris Aquino and the minor child.

“2. Causing or attempting to cause Kris Aquino to engage in any sexual activity, though not constitutive of rape, by forced threat and intimidation.

“3. Causing or attempting to cause mental or emotional anguish on petitioner and the minor child, including but not limited to repeated verbal and emotional abuse.”

Nabanggit din ng abogado ni Kris na, “The TPO also mandates that James Yap should stay away from Kris Aquino and the minor child and any household member at such safe distance but not less than 100 meters.

“Stay away from the residence, school, place of employment, or any specified place frequented by the petitioner and the minor Bimby and the other household members.”

Subalit bago pa man matapos ang TPO, ayon kay Atty. Chavez, gumagawa na ng paraan ang kampo nila para sa hiling nilang Permanent Protection Order laban kay James.

“Even before the expiration of the TPO, we are presenting evidence on April 8 to support our petition for a permanent protection order,” ani Chavez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang pag-grant ng isang PPO laban kay James ay mangangahulugang walang access si James kay Kris at Baby James hanggang mag-18 na ang bata. Liban na lang kung magpahiwatig ang bata na gusto na niyang makita muli ang ama.

THE INCIDENT. Sa hiwalay na panayam ng PEP kay James Yap, sinabi ng professional basketball player na hindi niya inakalang ang biruang nangyari sa pagitan nila ni Kris Aquino ay hahantong sa pagpa-file ng huli ng PPO laban sa kanya.

Sa isyung ito, ayon sa isinulat ng kolumnistang si Rina Jimenez David para sa Philippine Daily Inquirer ngayong araw, March 20, inakusahan ni Kris si James ng “overstepping his boundaries and of attempting to seduce her while visiting her home, and of inflicting psychological harm on their son Bimby.”

Ang huling insidente sa pagitan nina James at Kris ay naganap noong December 3, 2012.

Ayon sa kuwento ng 31-year-old basketball player, na unang lumabas sa PEP Alerts kaninang hapon, patapos na raw noon ang kanyang visiting hours at hiningi niya kay Bimby, "Kiss mo si Papa..."

“Pero ang sabi raw ng anak, "No, I don’t like!"

“Dagdag pa ni James, "E, kasi nandun si Kris. So, takot siya kay Kris, e, na i-kiss ako, hindi ko alam kung bakit."

“Dahil dito, biniro raw ni James ang anak, "Bim, if you don’t kiss me, I’ll kiss your Mama."

Ang natatandaan ni James na reaksiyon noon ni Kris ay malaro rin: "Yuck, yuck,’ gano’n. ’Yuck! Yuck! Kadiri!"

(CLICK HERE to read related PEP Alert.)

Samantala, inilahad ng 42-year-old star na si Kris sa kanyang petisyon para sa TPO, na pumasok daw si James sa kuwarto niya at gumawa ng “overt sexual advances,” na mariin daw na tinanggihan ng TV host-actress.

Dahil sa kanyang pagtanggi, nakapagsalita raw si James ng “mean and malicious statements.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakasaad din sa petition na umakto si James “as if he was still entitled to his matrimonial rights,” kahit na hindi na sila kasal ni Kris, kunsaan ipinipilit daw nito ang sarili sa dating asawa sa harap ng kanilang anak.

Nauwi raw sa mainit na pagtatalo sa pagitan nina Kris at James ang pangyayaring ito.

(CLICK HERE to read related article.)

“IT WAS A JOKE.” Nang lumabas ang balitang ito, may ilang nagsasabi na maaaring gawa-gawa lang ni Kris ang kuwento.

Subalit sabi ng abugado ni Kris na si Atty. Chavez, “Siya mismo ang nag-a-admit na nagtangkang halikan si Kris.

“Inamin niya na ginawa niya ‘yon. Paano magiging inventions ‘yon [ni Kris]?

“He admitted that he attempted to kiss Kris. But now he’s trying to justify it by saying it’s a joke.”

Dahil dito, sabi ni Atty. Chavez na bukod kay Kris, maituturing rin na petitioner ang anak nilang si Bimby sa isyung ito.

“Both of them are victims, that’s why they went to court,” sabi ni Atty. Chavez.

Dagdag ng dating Solicitor General, “You know, left alone, Bimby and Kris are happy.

“It is their inner peace that is being disturbed, that breaks the rhythm of their lives.”

Sa petisyon ni Kris, sinabi niyang mismong ang anak niyang si Bimby ang pumagitna sa kanilang dalawa ni James at ipinagtutulakang paalisin ang ama dahil sa nasaksihan niyang mainit na pagtatalo ng mga magulang.

Ayon kay Atty. Chavez, alam ng five-year-old na anak nina Kris at James ang mga nangyayari ngayon.

Inilarawan pa niya, “‘Yong bata is a very intelligent boy. He’s five going to six years old.

“He’s very intelligent. He has a full grasp of the situation.”


KRIS’S ADVANTAGE. Samantala, isa sa mga ipinupukol kay Kris ay ang pagiging Presidential sister niya.

Maging si James ay nagkuwento tungkol dito noong nakapanayam siya ng PEP kanina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, noong nag-away daw sila noong December 4, 2012, sinabihan daw siya ni Kris ng, "Baka nakalimutan mo, may three years pa yung kapatid ko!"

Nang hiningan ng reaksyon dito si Atty. Chavez, sinabi nito, sa pamamagitan ng text: "That’s a brazen lie. Kris never said that. PNoy has never intervened in Kris’s cases ever. Besides, if that’s Kris mindframe, she could have had her marriage to Yap annulled without having to give Yap cash and real property as settlement. Luging-lugi si Kris sa hatian. After all, 90 to 97 percent of the property distributed came from Kris’s labor."

Sa nauna nang panayam ng PEP kay Atty. Sonya Castillo, na kasama sa Kapunan Garcia & Castillo Law Office, sinabi nitong ang anumang pag-ungkat sa naging settlement nina Kris at James ay "foul" at "paninira lamang kay James."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN