PEP EXCLUSIVE (Second of 3 Parts). James Yap’s camp claims PPO petition of Kris Aquino triggered by his refusal to sign Bimby’s adoption papers

Hangga’t maaari raw ay ayaw na sanang magsalita ni James Yap kaugnay ng isyu nila ng dating asawang si Kris Aquino, pero nagsasalita raw siya ngayon para kay Bimby. Saad niya, "Masira man ako, ano man ang mangyari sa akin, at least alam ko sa sarili ko na ipinaglaban ko yung anak ko."


Pinagtatakhan ng kampo ni James Yap kung paano nakuha ng media ang kopya ng petisyon ni Kris Aquino for a Permanent Protection Order (PPO) laban kay James.

Lumabas ang petisyon ngayong araw, March 20, sa isang national broadsheet.

Sabi ng legal counsel ni James na si Atty. Sonya Castillo, ng Kapunan Garcia & Castillo Law Office: “How can you have a copy nung petition, e, bawal ‘yan? E kami nga, di kami makakuha agad ng kopya.”

Isa sa nakasaad sa PPO ay ang pagbabawal kay James na lumapit ng 100 meters mula sa anumang establishment (gaya ng bahay at eskuwelahan) kunsaan naroon si Kris, si Bimby, at pati na ang staff ni Kris at ang household members nito.

(CLICK HERE to read related story.)

BIMBY’S TESTIMONY. Naging basehan daw ng petition ni Kris for a Permanent Protection Order (PPO) ang testimonya mismo ni Bimby.

Ano sa palagay ni Atty. Castillo ang mangyayari rito?

Sagot ni Atty. Castillo sa interview sa kanya ng PEP editor in chief na si Jo-Ann Maglipon kaninang hapon, March 20: “Malamang sabihin nung bata na ayaw niyang makita yung tatay niya.”

Paano nila sasagutin ang sitwasyon na ito sa husgado?

Sagot ng abugado, “I think we will need an expert, like a social worker, yun lang po yung puwede naming gawin dun. Yung obserbahan ng isang qualified expert... Ganoon ang mangyayari kung gagamitin ni Kris ang bata sa korte.”

Sambit ni James, na nakatungo nang mga oras na iyon, “Kawawa naman yung bata.”


COURT SCHEDULE. Kinukuwestiyon din ng kampo ni James ang schedule na ibinigay ng korte para sa pagdinig sa petisyon ni Kris.

Ayon kay Atty. Castillo, “Unfortunately, for some reason, I don’t know… we were not properly informed..."

Magaganap ang hearing pagkatapos na ng Holy Week, sa April 8.

Hinaing pa ni Atty. Castillo, “I mean, how can you do that? This is supposed to be urgent because we are going to trial again.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang nag-judgment ka na, e, hindi ka pa rin naman nag-trial… parang ganun.

“He would be deprived of his visitation [rights]."

Addressing James, she said, “Tingnan mo, today, from last Friday, hindi na kita ipinatawag, e."

Ang tinutukoy dito ni Atty. Castillo ay ang hindi na niya pagpapatawag kay James kay Bimby.

Patuloy ng abugado, "Friday po, when we found out there was a Temporary Protection Order issued, sabi ko, ’Wag ka na tumawag, wag ka na rin mangulit sa yaya.’"

“Nakiusap po kami sa court… na kung puwede ay magkaroon ng hearing bago ang Holy Week."

Nakatakdang umalis si Kris, Bimby at Josh ngayong Holy Week, ngunit sa pagkaalam ng PEP, handa rin si Kris na ipagpaliban ang biyahe kung magkakaroon ng court hearing.

Patuloy ni Atty. Castillo, “If there’s someone, really, someone who can negotiate between James and Kris, so it doesn’t go to trial anymore.

"Because, if this goes to trial, kawawa yung bata talaga, e. Gusto ba talaga ni Kris isalang ang bata?"

ADOPTION ISSUE. Ayon sa abugado ni James, ang hakbang na ito ni Kris—ang pagpa-file ng PPO—ay posibleng may kinalaman sa hindi pagpirma ng basketbolista ng Affidavit of Consent para sa adoption ni Bimby.

Matatandaang dahil sa pagpapawalang-bisa sa kasal nina Kris at James noong isang taon, sa basehang "lack of authority of solemnizing official," lumalabas na “illegitimate” ngayon si Bimby.

Ito ang sinasabing dahilan ni Kris kaya gusto niyang ampunin legally ang sariling anak.

Sabi ni Atty. Castillo, “By simply not signing, hindi po nag-progress yung adoption. Ayaw ni James, e.

“It’s a prerequisite. Yung adoption will not push through kung hindi nag-consent iyung isang parent.”

Pagpapaliwanag naman ni James sa kanyang aksyon, “Sinabi ko din naman dun sa interview ko na ipaglalaban ko yung anak ko, ipaglalaban ko yung anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masira man ako, ano man ang mangyari sa akin, at least alam ko sa sarili ko na ipinaglaban ko yung anak ko.

“Ipinaglaban ko dahil mahal ko yung anak ko.

“Hanggang kailan ba niya [Kris] ako gaganituhin, di ba?”

VIDEO. May usap-usapang may videong pinanghahawakan si Kris na gagamitin laban kay James.

Kuwento rito ni James, “May isang araw na tumawag ako, pagtawag kong ganun, sabi ko, ‘Bimbs, talk to Papa, please. Papa misses you so much, I miss you, Bimbs.’

“Tapos naririnig ko si Kris, ‘Bimbs, talk to your Papa.’ Parang may something [fishy]… Hindi naman naggaganun [nag-e-encourage sa bata] si Kris.

“Hindi siya naggaganun... yun pala, bini-video na si Bimby.”

Ang tinutukoy ni James ay ang pagkuha ni Kris o ng yaya ni Bimby ng video habang nasa telepono si Bimby at sinasabihan ang ama ng “I don’t like you.”

Tingin ni James ay may nambubuyo kay Bimby nang mga sandaling iyon na pagsalitaan ang ama ng ganoon, at habang agitated pa rin ang bata ay bini-video ito, upang palabasing nagwawala ang bata kapag kausap ang ama.

Ayon kay James, may panahong wala siyang komunikasyon sa kanyang anak hindi dahil sa hindi siya nagbibigay ng panahon dito, kundi dahil sa may pumipigil dito.

Kuwento ni James, “Tawag ako nang tawag sa kanya [Baby James], hindi sumasagot.

“Wala man lang pasabi yung yaya na, ‘Kuya James, wag ka na tumawag kasi masasabihan ako.’ As in wala, as in zero.

“Ilang beses na, as in one month akong ganun.

“One month, as in wala.

“So ngayon, wala akong magawa, kaya ’nilapit ko na kay Attorney.

“Sabi ko, ‘Attorney, bakit kaya hindi sila sumasagot sa ‘kin?’”

Nagkaayos naman daw ang dalawang kampo, at nabisita naman muli ni James si Bimby sa condo ni Kris. Pero nilimitahan daw si James sa lobby ng building.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At hindi raw naging maganda ang pagtanggap sa kanya ni Bimby, sa hindi niya maintindihang dahilan.

Sabi raw ni Bimby kay James, sa unang pagkikita pa lang sa lobby: “I don’t like you! I don’t like you! You’re a liar!”

Kuwento pa ni James, “Tapos sabi ko, sabi ko sa yaya, ‘Kausapin mo muna, kasi ang daming tao dito, nakakahiya.’ Ayun, kinausap niya.

“‘I want to go up na! I want to go up!’ sabi ni Bimby. ‘I don’t like you!’

“Nakaupo ako sa isang side ng lobby habang pinapatahan ng yaya si Bimby. Tapos ngayon, biglang dumating si Kris, [mga] ten minutes [after], mga ganun siguro.

“Alam mo yung hitsura? Yung nang-iinis talaga. Lalakad-lakad dun, ‘O, Bim, say bye-bye na to him.’

“Tapos ako, mangiyak-ngiyak, sabi ko, ‘Wala na ba ako ditong karapatan?’"

Tinawagan na ni James si Atty. Castillo.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng abugado, sinabi nitong gusto raw sumunod ni James at umakyat sa condo ni Kris dahil "hindi pa raw tapos ang visiting hours niya."

Pero pinayuhan ng abugado si James ng, "Umalis ka na lang, kasi baka mamaya, kung ano na namang gulo ang mangyari. So, umalis naman po siya."

Hindi pa rin matukoy ni James kung bakit sinabihan siya ni Bimby ng "liar."

Tinanong ng PEP si James kung merong pagkakataong may ipinangako siyang gamit o laruan o date na maaaring inasahan nang husto ni Baby James, at maaaring hindi niya naibigay ito.

Bilang sagot, ang pumasok sa isip ni James ay yaong minsang nanggaling siya sa Italy at tinawagan ang anak para sabihan na meron siyang pasalubong.

"’Meron akong shoes para sa iyo. Meron kang damit.’ Sinabi ko yung dalawa na iyon, pero parang wala pang... yung excitement niya, wala pa. Yung excitement niya, wala.

"Sabi ko, ’Meron akong video games rin,’ [Sagot ni Bimby], ’Ah, talaga!’ Gano’n. ’O, come here, come here, come here,’ Gano’n siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon, parang tumakbo siya sa Mama niya, so narinig ko, ’Mama, may video games si Papa, gusto kong pumunta...’ Sabi niya, ’Mama, I want Papa to go here.’

"Tapos na-ano, na-cut yung line."

Dalawang beses daw siyang tumawag, pero wala raw sumasagot. Nung pangatlong beses, ayon kay James, "Iba na yung tono nung bata."

Ang sabi raw ni Bimby kay James, "Papa, you’re a liar. You don’t have video games."

Nang tanungin daw niya ang anak kung sino ang nagsabi sa kanya nun, ang sagot daw ni Bimby, "Mama."

Ayon pa kay James, sabi pa raw ng ina ng bata, "Don’t trust your Papa, he’s a liar."

"Shucks," sabi ni James habang nagkukuwento. At pagkatapos daw ng insidenteng iyon, "Wala na..." Hindi na raw niya nakasama ang anak.

Napapailing daw ang cager sa tuwing naiisip ang sitwasyon niya.

“Ang hirap, e, wala na akong magawa. Minsan lang ako magsalita—pero bahala na ito,” sabi ni James.

Dagdag niya, pinagpayuhan daw siya ng kanyang ina, "Mag-pray ka, anak."

(CLICK HERE to read part 3)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN