Marco Alcaraz on marriage to Precious Lara Quigaman: “Sobrang mabait si Lara... sobrang perfect timing yung pagpasok ko sa buhay niya, at siya sa buhay ko.”

Hindi raw puwedeng pagselosan ni Precious Lara ang mga magagandang kasama ni Marco sa Indio. Dahilan ni Marco: “’Tsaka nagbagong-buhay na po ako, e. Hindi na nga po ako tumitingin, e...friends lang, friends lang.”


Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagiging tatay ni Marco Alcaraz sa four-month-old baby nila ng 2005 Miss International at aktres na si Precious Lara Quigaman.

“Batang-ama in four months,” sabay-tawa ni Marco.

“Enjoy, kasi ’pag umuuwi ako, nilalaro ko yung bagets.

“Pero more on si Lara talaga yung hands-on na nagbabantay.

“Pag may taping siya, may taping rin ako. Usually yung tita niya ang nagbabantay.”

Kasama sa cast ng Indio ng GMA-7 si Marco bilang isang kontrabida.

Kuwento niya, “Kanang-kamay ako ni Señor Juancho, which is si Direk Michael de Mesa.”

“Parang naiingit ako sa ano...si Indio kasi, prior to that, kanang-kamay siya ni Señor Juancho. So, naiinggit ako.

“Español ako, then siyempre, bakit Pinoy yung kanang-kamay niya? So, may inggit ako.”



FLATTERED. Masaya si Marco na maging bahagi ng Indio lalo’t mga batikang artista ang mga nakakasama niya rito.

Saad niya, “Una, flattered at saka at the same time, kinakabahan, dahil, naikuwento ko nga, kapag kaeksena mo si Sen [Senator Bong Revilla]...

“Yung mga times na binubuhusan ko nga siya ng tubig ’tapos binu-bully ko, inaangasan ko.

“Nakaka-flatter din siyempre, Direk Michael de Mesa. Ilang taon na sa industriya.

“Si Sen na sobrang... Senador and at the same time ang tagal na rin niyang artista, na mga respetado.”



EMBARRASING. Ang kuwento pa ni Marco sa eksenang binuhusan niya ng tubig si Senator Bong, “Sabi ko sa kanya bago yung take, ‘Ah, Sen, paano ko po ito gagawin, Sen?’

“Kasi nga kinakabahan ako,” ang tumatawang sinabi pa ni Marco.

“First time ko to work with him.

“Ang bait, like may mga times na naglolokohan kami sa set, ‘Mamamatay na si Javier [character niya sa Indio].’

“E, hihirit siya, ‘E, di ba, kakapanganak lang ni Lara?’

“So, alam mo yun? May concern siya.

“’Tapos mga biruan sa set, tsaka sa acting minsan ganito siya: ‘O Marco, ganito ka, ganyan.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Marunong siyang tumulong.

"Kasi at first, tensyunado ka, kasi si Sen yun, e.

“Pero sobrang mabait siya at tinutulungan ka sa mga kulang mo sa eksena.

“May mga fight scenes kami, pero ako ang talo, ako yung ginulpi e, kasi nga may powers si Indio.

“’Tapos, iyon lang yung inaangasan mo, binuhusan mo, siyempre Senador yun. Ganoon.

“Pero ’pag cut, ‘Sen, pasensiya na po!’” at muling natawa si Marco.


COMPETING NETWORKS. Bilang mainstay sa GMA-7, habang si Precious naman ay nasa Kapamilya network, wala bang nagiging conflict sa kanila?

“Wala naman po,” sagot niya.

Mas may advantage?

“Hindi ko alam kung mas may advantage o hindi, pero maganda rin sana kung makakagawa kami ng project na magkasama.

“Pero as of now, okey naman yung ano namin, yung set-up namin na sa ABS siya.

“Pero minsan nagge-guest po siya sa GMA News TV, sabay kaming nagge-guest doon...usually guesting lang.”

Sa ngayon, nakakontrata si Marco sa GMA-7.

“Two years-two years lang po yung contract ko, e.

“Alam ko, mag-e-end this year po yata, end of the year.”



MANAGEMENT. Si Noel Ferrer ang talent manager ni Marco.

Ang mga kasamahan ni Marco bilang talents ni Noel ay sina Ryan Agoncillo, Luis Alandy, Bayani Agbayani, Joross Gamboa, Rainier Castillo, Vin Abrenica, at Iza Calzado.

Ayon kay Marco, walang rivalry among his co-talents na nasa management ni Noel.

“Iba-iba naman kasi kami. Like si Ryan sa hosting, si Bayani sa comedy,” paliwanag niya.

Pero sila ni Luis ang medyo nagkakapreho ng mga ginagampanang role sa TV at pelikula.

Sabi niya, “Kami ni Luis, tulungan naman kami sa trabaho, ganoon.

“Usually, magkaiba naman kami ng role ni Luis, e. Pero minsan magkasama pa kami sa show, yung My Lover, My Wife. So, wala namang rivalry sa amin ni Luis.

“Actually, tulungan nga kami, e.”

Karamihan sa talents ni Noel ay nasa TV5, paano kung ilipat siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na kay Sir Noel naman yun, e. Kung desisyon naman niya yun, e.

“But as of now, happy naman ako dito sa GMA. Steady lang.

“Happy naman ako. Iyon naman ang importante sa trabaho natin.

“Na masaya ka sa ginagawa mo, nabibigyan ka ng trabaho. Na passionate ka na gawin ang gusto mong gawin.”



ENTREPRENEUR. Bukod sa pag-aartista, isa ring negosyante si Marco. Isa siya sa mga may-ari ng restaurant sa Alabang, ang Kuisine.

“May mga partners po kami.”

Sila lang ni Lara ang artista sa kasosyo.

May manager sila na namamahala ng business nila.

“Pero siyempre noong first few months, hands-on-hands-on. ’Tapos ngayon medyo okey na. Minsan-minsan na kami nagpupunta doon.”

Bukod ang share niya at bukod ang share ni Lara?

“Hindi, isa lang po yung sa amin.”

Lima ang partners nila sa Kuisine.

BEAUTY QUEEN-WIFE. Ikinasal sina Marco at Precious Lara noong July last year.

Kumusta ang magkaroon ng isang beauty queen for a wife?

“At first, hindi ako makapaniwala na naging girlfriend ko siya. ’Tapos naging asawa. Yung ganoon.

“Sobrang mabait si Lara, sabi nga nila sobrang perfect timing yung pagpasok ko sa buhay niya, at siya sa buhay ko.”

Marami ba siyang naging karibal kay Lara?

“Sabi ko nga sa kanya, wala akong perang ibibigay sa iyo, katawan ko lang ang ibibigay ko sa iyo... ’Tsaka pagmamahal,” sabay-tawa ni Marco.

“Hindi, hindi, perfect timing lang talaga, perfect timing.”



FIRST BABY. Susundan na ba nila ang una nilang baby na si Noah?

“As of now ayaw pa niya, e. Siya ang may ayaw.

“At first, gusto nga niya maraming babies. Kaya lang, nahirapan siyang manganak, kasi nag-emergency caesarian siya.

“Tinray [try] naming mag-normal, then nagkalagnat siya ng konti.

“Then naubos na yata yung tubig sa katawan niya kaya nagka- emergency caesarian.”

Balak daw nilang gawing lima o apat na taon ang pagitan ng susunod nilang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto daw muna niyang iano na sexy ulit siya, payat ulit, na ma-experience ulit yung ganoon... ’Tsaka mag-iipon pa.”



JEALOUS. Hindi ba nagseselos si Lara napapaligiran siya ng magagandang babae sa Indio?

“Puro nga maganda—lahat nandito na, e.”

Gumaganap na mga diwata sa Indio sina Solenn Heussaff, Rhian Ramos, Ehra Madrigal, Rachelle Ann Go, Ellen Adarna, at Sam Pinto.

“Mabuti na lang, yung mga diwata, minsan lang ang eksena sa amin.

“Tsaka may tiwala naman siya sa akin.

“’Tsaka yung mga diwata namin dito, taken na yata lahat at ako taken na rin.

“’Tsaka nagbagong-buhay na po ako, e,” sabay-tawa ni Marco.

“Hindi na nga po ako tumitingin, e... friends lang, friends lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN