Michael de Mesa on son Geoff Eigenmann’s decision to settle down: “Malaki na siya, alam na niya ang ginagawa niya.”

Problema ni Geoff na iiwanang mag-isa ang inang si Gina Alajar kapag siya’y nag-asawa. Mungkahi naman ng amang si Michael para kay Gina: “E, di mag-boyfriend siya! Bakit naman ako aangal? May asawa na ako. Ang mga anak namin, okey lang sa kanila.”


“Ay, ang sarap!” ang tumatawang sagot ni Michael de Mesa nang tanungin kung ano ang pakiramdam kapag inaapi niya si Senator Ramon "Bong" Revilla, Jr.

Si Michael ang kontrabida sa Indio bilang si Señor Juancho, na pinagbibidahan naman ni Senator Bong.

“Kasi hindi siya puwedeng pumalag,” tumatawang dagdag pa ni Michael.



FOR GOOD? Sa sunud-suod na assignments ni Michael, mamamalagi na ba siya rito sa Pilipinas?

“Babalik pa rin,” sagot ni Michael nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan sa set ng Indio.

Paano yung iniwan niyang trabaho sa U.S.?

“Oo. Kasi nag-sign ako dito sa GMA, two years exclusive.”

Parehong Kapuso sila ng ex-wife niyang si Gina Alajar, at madalas silang magkita. Kumusta naman sila?

“Okey lang, civil. Okey lang. Kung walang pag-uusapan, hindi kami nag-uusap,” kaswal niyang sabi.

Napag-alaman namin, naidirek na pala siya ni Gina.

“Matagal na, TV rin, yung mga teleserye din ng GMA, yung GMA Telesine.”

Kumusta naman ang maging bahagi ng isang malaking teleserye na tulad ng Indio?

“Exciting naman. Kasi maganda.

"Iba, e... ibang project, ibang teleserye. Hindi siya yung basta-basta teleserye lang.

“May pupulutan ng aral, history. ’Tapos, yung costumes—exciting!”

Sanay talagang mag-Español si Michael at Kastila si Michael sa Indio. Kumusta ang mga dialogue niya?

“Nahihirapan nga ako, e, wala akong kaalam-alam,” biro niya.



FAMILY AFFAIRS. Nabanggit ng PEP sa kanya na nagsalita ang anak niyang si Geoff Eigenmann na naghahanap na ito ng bahay at lupa.

Papayagan naman daw niya kung sakaling magpapakasal na sina Geoff at girlfriend nitong si Carla Abellana.

“Malaki na siya, alam na niya ang ginagawa niya,” una niyang bulalas.

“Inaano ko rin siya, it’s about time. Magti-thirty na siya, e. Kaya okey lang yun.”

Seventeen daw nag-asawa si Direk Michael. So, ’pag nagpaalam si Geoff, okey lang ba sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo. Tinatanong ko nga siya, e, kung may plano na siya. Pinag-iisipan na raw.”

Sa interview kay Geoff, sinabi rin nito hindi pa siya makapag-decide mag-asawa dahil maiiwang mag-isa sa bahay si Gina.

Silang dalawa lang ni Gina ang magkasama sa bahay.

“E, di mag-boyfriend siya!” mungkahi ni Michael para kay Gina.

Payag ba siya?

“Bakit naman ako aangal? May asawa na ako.

“Ang mga anak namin, okey lang sa kanila.”

Nasa U.S. ang misis ni Michael pero wala silang anak.

“Doon muna,” kumpirma niya.

“Hanggang maging citizen kami.”



NEGOTIATIONS. Nang bumalik si Michael sa Pilipinas matapos ang paninirahan at pagtatrabaho sa Amerika ay ang Valiente ng TV5 ang una niyang show, sumunod nga ay sa GMA na.

Pero muntik na nga raw siyang magkaroon ng show sa ABS-CBN.

Kuwento niya, “Actually after [TV] 5, ang pumasok, ABS. Pero hindi kami nagkasundo.

“’Tapos, ang GMA, lahat ng hiningi namin, ibinigay.

“Ito yung Kris Aquino, Robin Padilla, Tirso Cruz III, at Anne Curtis [na show].”

Siya dapat ang gaganap sa papel na Rodrigo Manrique na ginampanan ni Tirso Cruz III?

“Hindi ko alam kung ako, hindi ko alam kung anong role, kung yung Tirso or yung Ian Veneracion... Tatay ni Anne.

“Hindi ko alam, hindi ako pamilyar," pag-amin ni Michael.

"Basta ang alam ko, Anne, Kris, Robin. Iyon ang alam ko.

“E, ibinigay lahat ng GMA.”



TREATMENTS. Napansin namin na bumata ang itsura ni Michael, kaya tinanong namin kung nagpa-botox ba siya o nagpa-stemcell therapy ba siya?

“Walang botox, walang stemcell, wala! It’s all in the mind.

“Masaya lang ako talaga. Sobrang nakapag-move on na ako.

“Ang bata ko pa para mag-stemcell. Botox wala, ayoko.”

Kahit nga raw lagi siyang puyat.

“Ang problema lang ’pag puyat, bawi sa pagkain... nandito sa tiyan lahat.”

Pero hindi naman daw siya laging puyat sa taping ng Indio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman. Well, so far, once pa lang akong nag-6 a.m. Once pa lang.

“Sobrang late na yun. Standard is...what? Two, three a.m.? Ganyan.

“Minsan nga, ten p.m. tapos na ako. Ganoon, depende.

“Pero masaya dito sa Indio, e. Ito lang yung set na hindi ako nabubugnot.

“Let’s say, yung umaga yung sequence ko, ’tapos next ko gabi. Okey lang.

“Kasi masaya, masaya yung set, Masaya...hindi nakakainis ang hintayan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN