Isabelle Daza on joining beauty pageants: “Tama na ang isang korona sa pamilya.”

Sinigurado ni Isabelle Daza na wala nang problema sa ina niyang si Gloria Diaz ang latest sexy pictorial niya. Aniya: “Okey lang naman sa kanya, basta may limit. And…same sexiness lang naman yung ginawa kong pictorial doon sa first ko.”


Medyo sexy ang concept ng pictorial ni Isabelle Daza bilang cover girl ng latest issue ng Cosmopolitan Philippines.

“This is my second sexy cover na pinagbawalan ko ang mom ko na magpunta sa photo shoot. Kasi… alam mo na!” sabay tawa ni Isabelle nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas last Sunday, March 17.



MOM’S REACTION. May pag-aalala si Isabelle dahil nagkaroon ng issue ang una niya pictorial para sa cover ng Rogue Magazine.

Ang mommy niyang si Gloria Diaz ay napabalitang gumawa noon ng eksenang pagtataray at paninita dahil sa sexy concept ng magazine.

Naayos na ba ang concept ng bago niyang pictorial?

“But, ah… excited ako dahil napakaganda ng magazine. Napakaganda ng theme.

“Yeah. I’m excited for it to come out, kasi pang-summer.

Ano naging reaksyon ng mom niya?

“Nakita na ng mom ko… She’s happy naman.

“Wala na siyang violent reaction this time. Oo. Proud siya!”

“Kahit hindi ko ipinagpaalam sa kanya, I just did it. After ko na lang sinabi.

“Kasi kung ipagpapaalam ko pa iyon, baka…pumunta na lang siya doon!” tukoy niya sa venue ng pictorial.

“At least ngayon, happy na siya. She’s okay naman with it. Kasi I’m older na naman.

“At saka summer naman nga yung concept, e. Hindi naman puwedeng puro covered up.

“Okey lang naman sa kanya, basta may limit. And…same sexiness lang naman yung ginawa kong pictorial doon sa first ko.

“Pero… I think this one is just more for the girls. For girls kasi yung magazine.

“But I’m so equally proud as my other one,” tukoy niya sa kanyang first sexy cover at pictorial niya ngayon.



FIRST MOVIE. Kasama si Isabelle sa pelikulang It Takes A Man And A Woman na balik-tambalan nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ka-love triangle niya ang dalawa sa istorya nito.

“I’m excited kasi this is my first movie. ’Tapos napakatagal naming pinaghirapan ito—six to seven months!

“So, medyo happy na ako na it ended, because I wanna show it to everyone.

“But siyempre, I’m saddened also, because I want to work with the people there.

“Other girl ni John Lloyd ang role ko, pero okey naman siya.

“And I had my first kissing scene with him [John Lloyd] na… napaka-nerbiyos ko when it was shot.

“But it was very tastefully done.

“John Lloyd is my good friend… Sarah is also napakabait.”



INTRIGUES. Marami nang followers ang Sarah-John Lloyd tandem, ready na ba si Isabelle sa posibleng violent reaction ng fans sa pagganap niya bilang other girl ni John Lloyd? Handa na ba siya sa mga posibleng magiging bashers niya?

“Oo nga, e,” pag-aalala naman niya.

“Pero hindi naman ako sobrang mean doon sa movie…pampa-add lang ng something different.

“It’s a romantic-comedy movie, pero I’m not so much on the comedic side…si Sarah yun.

“Ako medyo…yung role ko, parang sosyal. ’Tapos, I studied in the States… Magandang manamit… kiyeme-kiyemeng ganoon.

“Hindi naman ako kontrabidang masasabi doon sa story, e.

“Parang confused lang si Miggy [character ni John Lloyd] sa aming dalawa ni Sarah.”



LENTEN HOLIDAYS. Nasaan naman kaya siya sa darating na Holy Week?

“Siguro I’m gonna go abroad. I’m gonna go to Bali, Indonesia, with my friends.

“Ang also, my mom is gonna be there with my family. So, ’ayun, para maiba.

“That’s my summer getaway. After that, puro work na naman. Oo.”



BEAUTY PAGEANT. Lagi pa ring natatanong si Isabelle kung bakit until now, hindi siya sumali sa Binibining Pilipinas dahil pang-international beauty title din ang beauty niya tulad ng inang si Gloria.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami ang nag-akalang sasali siya this year kasi 50th anniversary ng Binibining Pilipinas.

“Oo nga, e. Mahirap yun! Tama na ang isang korona sa pamilya.

“I’ll just borrow my mom’s crown…isinusuot ko naman yun minsan, e!” natawang huling nasabi ni Isabelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN