Cecile Ongpauco on Senator Chiz Escudero: “I simply wish he could find someone his own age.”

Mrs. Cecile Ongpauco describes daughter Heart Evangelista when the latter is in love: “Her behavior for all her former boyfriends has been the same, including Chiz. She follows a pattern of total submission. She subordinates herself and caters to everyone. Ganun lang siya kay Chiz.”


Muling nagpatawag ng press conference ang ina ni Heart Evangelista, na si Cecile Ongpauco, kaninang hapon, March 21.

Matatandaang noong Martes, March 19, ay nagpatawag din ng presscon si Mrs. Ongpauco at ang mister niyang si Rey Ongpauco.

Dito ay inihayag ng mga magulang ni Heart ang kanilang pagtutol sa relasyon ng kanilang anak kay Senador Francis “Chiz” Escudero.

Ipinaalam din ng mga Ongpauco sa publiko ang balak nilang pagsampa ng criminal case for libel laban sa re-electionist na senador dahil, “[He is] claiming that he is caught in the middle of a family feud; when the truth is, Chiz is the very source of our family feud.”

Posible rin daw silang magsampa ng karagdagang criminal complaint “for incriminating an innocent person.”

Bukod dito, magpa-file din daw sila ng civil complaint “for meddling with, or disturbing the private life of another.”

Sa press conference kanina, sinabi ni Mrs. Ongpauco sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang naimbitahang media na hinihintay na lamang nila ang mga susunod pang ipapayo ng kanilang family lawyer tungkol sa mga kasong balak nilang isampa.



THEY MEAN NO HARM. Samantala, bukod sa planong pagsasampa ng mga kaso, naging pagkakataon ang press conference kanina para sagutin ni Mrs. Ongpauco ang naging pahayag ni Chiz sa press conference nito na ginanap kaninang tanghali sa Naga City.

Humingi muna ng paumanhin si Mrs. Ongapauco kung sa palagay ni Senador Chiz ay nasasaktan na nila ang kanyang ina at mga anak.

“Sorry to hear that. We did not wish to harm anybody,” sabi ng ina ni Heart.

Pagkatapos ay nilinaw niya na, “My statement, as I said, is just the proof of what I experienced with Mr. Escudero.

“It’s not coming from anything but my actual experience of the things he’s been doing.

“He has children. When they grow up, I wish they don’t experience such a thing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“As a mother, I’m just simply narrating things as I’ve experienced things under Mr. Escudero, that’s all.

“I don’t mean to cause their family pain.

“It’s just that we are really suffering now because we of think his actions towards our family, and about trying to control our daughter who was so innocent about these things.

“I just hope that, you know, he does not experience this pain in his own children because it is really hurtful.

"We don’t wish anyone to be subjected to anything like he has subjected our family to.”



“WE’RE NOT BELITTLING ANYONE.” Sa statement ni Senador Chiz, nabanggit din niya ang umano’y pangmamaliit sa kanya ng mga magulang ng kanyang girlfriend.

“Pero kahit gaano karami siguro ang pera nila, hindi naman siguro lisensiya yun para maliitin ang sinuman, o yurakan yung katauhan ko at naapektuhan din ang pamilya ko,” sabi ng senador.

Pinabulaanan naman ni Mrs. Ongpauco ang akusasyong ito.

Aniya, “We’re not belittling anyone. We’re still asking asking, begging him, so to speak, to not do this to our family.”

Dagdag pa niya, “We have suffered. I, personally, have suffered.

“I am just simply sharing from my actual experience what has been done to my family, what he’s been doing to me as a parent.

“I don’t think anyone deserves to be subjected to such actions.”

Naikuwento ni Mrs. Ongpauco ang mga naging gawi ni Chiz umano kay Heart.

Aniya, “Lasing na lasing parati, kahit hindi mo nakikita, lasing.

“Mababalitaan mo, ang anak mo, iyak nang iyak kasi pinagsisigawan na, ganito-ganyan.

"Mga katulong pupunta [sa ‘yo], ‘Ma’am, umiiyak si Ma’am Heart. Sinisigawan po,’ kung anu-ano.

“[Sinasabi ni Chiz], ‘I don’t care about this family! Wala akong pakialam you’re… if they don’t like me. Gagawin ko kung anong gusto kong gawin.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wow! Scary, di ba?

“Medyo nakakatakot, di ba? Kahit matanda na ang anak ko, twenty-eight.

“E, si Heart pa naman hindi siya sanay sa gano’n, hindi siya sanay sa gano’n.

“Masyado siyang naïve, iiyak na lang ‘yon. ‘Yon lang ang sa akin.”

Pero sa naging pahayag ni Chiz sa Naga City kanina, itinanggi niya ang mga paratang na may ginawa siyang masama kay Heart o sa pamilya niya.

Sabi ng senador, “Wala akong ipinakita o ginawang masama kay Heart, sa mga magulang niya. Alam nila yun.

“Lahat ng ito, lahat ng ginawa at sinabi nila, lahat ng gagawin pa nila, o sasabihin pa nila, iisa lang naman ang dahilan, rason, at puno’t dulo.

“Nanggaling naman sa kanila, gusto nila kaming paghiwalayin, gusto nilang maghiwalay kami.”



“PATTERN OF TOTAL SUBMISSION.” Nabanggit din ng media kay Mrs. Ongpauco ang sinabi ni Chiz na mahal niya si Heart, "pero maliwanag naman na matindi itong pinagdadaanan namin.”

Dahil dito, binanggit ni Mrs. Ongpauco ang madalas na nagiging ugali raw ni Heart sa tuwing magkakaroon ito ng boyfriend.

“Honestly, Heart always loses her mind when she’s with someone, when she’s in love,” sabi nito.

“Her behavior for all her former boyfriends has been the same, including Chiz.

“She follows a pattern of total submission.

“She subordinates herself and caters to everyone. Ganun lang siya kay Chiz.”

Paalala rin ni Mrs. Ongpauco, “If Chiz thinks that he’s very special to her, he’s very wrong because it’s the same pattern that she does with everyone.

“If he thinks that my daughter is in love with him, she’s like that.

“She is treating him the same exact way as she has treated all her former boyfriends.

“She allows him to practically live in her condo that she owns, she pays for all the households, including the groceries.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She allows him to use her Mercedes Benz. In the case of Chiz, he has made her even paranoid that she pays for the gas!”

Idiniin muli ni Mrs. Ongpauco, “Gano’n lang siya talaga, nothing different. That’s how she is.

“So, if he thinks it’s a ‘wow,’ he’s very mistaken. I’m sorry, it’s a pattern.”



“FIND SOMEONE HIS OWN AGE.” Kasabay ng kanilang pagtutol sa relasyon ni Heart kay Chiz, may hiling din ni Mrs Ongpauco sa senador.

Aniya, “I simply wish he could find someone his own age.

“As I say, find someone else his own size, so to speak, and not to do this to my daughter.

“She’s twenty-eight, but everyone in the industry knows how innocent she is, how naïve she is, how overprotective she’s been.

“I just wish he’s not taking advantage of that.”



“LET GO.” Samantala, hiningan ng reaksiyon si Mrs. Ongpauco tungkol sa naging pahayag ni Senador Miriam Defensor-Santiago tungkol sa isyu.

Nabanggit kasi ng senadora na, “It’s time for the family to let go of Heart because she’s twenty-eight.”

Bagay naman na tinanggap ni Mrs. Ongpauco.

Aniya, “We have let go.

“You know, I’m confident that I’ve taught her everything.

“I even told her that ’I’ve taught her everything I could teach you. Now, you should know what’s right or wrong, what you deserve in life, what kind of person you’d like to spend your life with, make your own decisions.’

“We don’t have a problem with Heart.

“We’ve never had a problem with Heart. We’re very, very close.

“It’s just that Mr. Escudero, I guess, has some kind of power that he can totally manipulate [Heart].”

Sa ngayon, wala umanong ideya ang mag-asawang Ongpauco kung nasaan ang kanilang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kung sakaling lumapit daw si Heart sa kanila at amuin siya, sinabi ni Mrs. Ongpauco, “A mother will always forgive.

“A mother will always forgive and she knows that. Ganun, e, di ba?

“I told her, you’ll know that when you become a mother yourself.

“Kaya hindi maputol-putol yung umbilical cord ko. Ganun, e.

“Felling ko nakakabit pa rin, e. Pinutol na nga, e. Kaya you have to let go. Yun, let go and let God.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN