FIRST READ ON PEP: John Prats and Jason Francisco involved in altercation; John files complaint against Jason

Inireklamo ni John Prats (kanan) sa pulisya ang kaibigan at co-star niya sa Banana Split na si Jason Francisco (kaliwa) dahil sa panununtok ng huli sa kanya habang nasa taping sila ng kanilang gag show.


Nakakuha ng impormasyon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nasangkot sa suntukan ang ABS-CBN talents na sina John Prats at Jason Francisco.

Sinapak daw ni Jason si John sa Music Museum, kung saan may taping ang gag show na Banana Split, kaninang bago mag-alas-sais ng gabi.

Magkasama sa nasabing gag show ng ABS-CBN ang dalawa, at sa pagkakaalam ng PEP ay malapit na magkaibigan.

Hindi raw dapat kasama sa taping ng Banana Split si Jason, na binati pa si John noong nagkita sila sa baba ng venue.

Subalit noong nakaupo na raw sila, bigla na lang daw nakaramdam si John na "parang may sumampal sa akin."

Yun pala, sinapak daw siya ni Jason, na noong sandaling yun, ayon kay John, ay para raw "sinapian."

Nagulat daw ang aktor, at hindi pa rin nito alam hanggang ngayon ang dahilan kung bakit siya sinaktan ng kaibigan.

Pagkatapos daw ng pananapak ay tumakbo na agad si Jason, na hatak-hatak ang dating girlfriend na si Melai Cantiveros.

Kasama ni John ngayon sa presinto sa P. Guevarra St., Greenhills, ang ama at nobyang si Isabel Oli para magsampa ng reklamo at "turuan ng leksiyon" si Jason.

Kinontak na ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Star Magic para sa pahayag ni Jason, pero inaalam pa raw nila ang nangyari.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN