Cecile Ongpauco accuses Chiz Escudero of being mastermind in Heart Evangelista’s plan to remove her as talent manager

“[Heart’s] threatening [to remove me as her talent manager]. She told her sister to tell her father and me na, ‘I will do every action to remove Mom from my contract,” Mrs. Cecile Ongpauco expounded on her previous statement that her daughter Heart Evangelista wants her out as the actress’s talent manager.


Matindi ang kutob ng ina ni Heart Evangelista, na si Mrs. Cecile Ongpauco, na si Senator Chiz Escudero ang may gustong magpatanggal sa kaniya bilang talent manager ng sariling anak.

Isa ito sa mga dahilang inilahad ni Mrs. Ongpauco ng kanilang pagtutol sa pakikipagrelasyon ng 28-year-old nilang anak sa 44-year-old na senador.

Ito ay nakasaad sa statement na ipinamahagi nila sa press conference na kanilang ipinatawag noong Martes, March 19.

Muling nagpatawag ng presscon si Mrs. Ongpauco kaninang hapon, March 21.

Dito ay muling natanong sa kanya: “Is it true na Mr. Escudero asked Heart to fire you as her manager?”

Sagot ng ina ni Heart, “As Heart’s manager, I suspect na he wants to be, wants me, to be substituted by a person who acts as his dummy so he could be Heart’s real manager, to control her financially.”

Napag-alaman din daw ni Mrs. Ongpauco na gusto siyang tanggalin ng anak bilang talent manager nito.

“She told her sister to tell her father and me na, ‘I will do every action to remove Mom from my contract.’

“The contract is being kept [from her]. I don’t know if she knows all these legalities.

“I don’t think it’s a very easy thing to do.

“Of course, I expect Mr. Escudero knows this, ‘no.

“It’s a contract and it has to be ano… He’s a lawyer, baka kaya niyang ayusin.

“I really don’t know.

“But I just advise her that a contract is a contract, and we will have to make a kind of a court order…

"Baka kaya ng powers niya. I don’t know.”

Inamin din ni Mrs. Ongpauco na humihingi si Heart ng kopya ng accounting ng kanyang savings sa pamamagitan ng kanyang kapatid.

Wala naman daw problema ito, sabi ng ina ni Heart, dahil, “It is her sister who handles her [Heart’s] accounting work.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m just her manager. I handle things like negotiations.

“She has her sister who does all her payables and all of that.

“And she has an accountant who computes her taxes.

“But her sister prepares all the tables and shows it to her and everything.”



“WHY WOULD I ALLOW IT?” Sa unang bahagi ng press conference kanina, nabanggit ni Mrs. Ongpauco na wala silang problema sa kanilang anak.

“It’s just that Mr. Escudero, I guess, has some kind of power that he can totally manipulate [Heart].”

Kakapirma lamang ng panibagong two-year contract ni Heart sa GMA Network noong March 5.

Kung sakali, papayag ba si Mrs. Ongpauco na matanggal bilang talent manager ng kanyang anak?

“Why would I allow it?” mariing sagot ng ina ni Heart.

“For a man to take advantage, walang kamuwang-muwang ‘yong anak ko.

“Hindi naman siya nagbabasa ng kontrata. Lahat ‘yan, ultimong…

“Kawawa naman ‘yong anak ko, abugado ang kanyang katapat.

“Anak ko, hindi nakatapos ng college, kawawa naman siya.”

Sa ngayon, wala silang anumang balita tungkol kay Heart, kaya nang tanungin kung papaano ngayon ang Kapuso actress, sinabi ni Mrs. Ongpauco: “I don’t know. I don’t really know because I don’t even know where my daughter is, e.

“And si Mr. Escudero, wala rin, I don’t know.

“He tells us na naipit daw siya sa gitna.

“No news, zero, kung puwede nga lang double zero, zero-zero, e. Nakakatakot siya, that’s all I can say.”

Sa huling bahagi ng press conference, sinabi ni Mrs. Ongpauco na ito na ang huling pagkakataong magsasalita siya tungkol sa isyung ito.

Aniya, “I would like to keep my sense of dignity.

"After this, no matter what Mr. Escudero or Heart say in response to my comments, I will keep dignified silence from now on. Thank you.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN