Kris Aquino: “Totoo pala ‘yon, e, nagmamahal ka nang higit kaysa sarili mo kapag nanay ka.”

Bagamat sunud-sunod ang unos na dumarating sa buhay ni Kris Aquino, masasabi pa rin daw niyang “lucky” siya, lalo na pagdating sa kanyang pamilya. Natutunan din daw niya sa mga panahong ito na, “tama naman ‘yong sinasabi ng marami na puwedeng mawala ang lahat sa ‘yo basta nandyan ‘yong anak mo, basta nandyan ‘yong pamilya mo, kakayanin mo, e.”


Matapos magpainterbyu ni Kris Aquino sa news program ng ABS-CBN na TV Patrol, nakapanayam naman siya ni Jessica Soho para sa late-night news program ng GMA-7 na State of the Nation.

Naikuwento ni Kris sa panayam sa kanya ni Jessica kagabi, Marso 21, ang bersiyon niya ng mga pangyayari sa pagitan nila ng dating asawang si James Yap noong Disyembre 3, sa condominium unit na tinitirhan niya kasama ang dalawang anak na sina Joshua at James Jr., o mas kilala bilang Bimby.

Paglalahad ng TV host-actress, “I stayed inside my room.

“Alam ko na pabalik-balik sa kuwarto ko si Bimb, at hindi siya gano’n kakomportable.

“Then, James barged in, pumasok siya sa kuwarto ko. It was my bedroom, it was not the living room, not the dining room— it was my bedroom.

“Hindi ko na siya asawa. Pero he went in, dinuduro ako at sinabi niya, ‘Ayan, inaayawan ako ng bata dahil sa kung anu-anong sinasabi mo sa kanya. Tigilan mo na ‘yan.’

“Nasa loob pa si Bimb noon, do’n sinimulang ikulong ‘yong bata, na gusto niya sabihin sa kid na, ‘Coz you don’t want to hug me, you don’t love me, you don’t want to kiss me, I’ll just kiss your mama.’”

Pinatotohanan ni Kris ang naging pahayag ni James na hinawakan siya nito sa braso at sinubukan halikan.

(CLICK HERE for related article)

Pero dagdag ni Kris, “Sinabi rin niya na it was our son who inserted himself between the two of us.

“It was Bimby who is telling him, ‘Get out, get out! Don’t hurt my mom.’

“And alalang-alala kong sinabi niya sa ‘kin, ‘Hoy, dapat nga magpasalamat ka may gusto pang manlambing sa ‘yo. Hoy, ang tanda mo na! Ang suwerte mo nga kasi pinatulan pa kita.’”

Aminado ang aktres na “na-offend” siya sa sinabing ito ng dating asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Giit pa niya, “I didn’t ask for it. That is my home and you do that in front of my son?

“Hindi ko maintindihan kung bakit gano’n na lang kababaw ang tingin niya sa babae. That is exactly how it happened.

“Tapos niya akong ginano’n, si Bimby pumipiglas pa rin, nakikipag-away pa rin sa kanya. This is what made him leave.”


“YES I DID THREATEN HIM.” Pinatotohanan din ni Kris na mayroon siyang nasabing pagbabanta kay James.

“Yes, I did threaten him,” pag-amin ng TV host.

“This is what I said: ‘I think you’ve forgotten na may daily show ako. You really want your girlfriend to find out that you’re here in my bedroom trying to kiss me?’

“Sabi ko, ‘Don’t dare me, James, kasi sumosobra ka na talaga.’”

Gayunman, itinanggi na ni Kris na ang tila ang pinalalabas niya, ayon sa kuwento ni James, ay “rapist” ang basketbolista.

“It was never part of the petition,” pagtanggi ni Kris.

Pagpapatuloy niya, “Hindi ko siya tinawag na rapist.

“In my statement I said I kept quiet. Iniisang tabi ko ‘yong feelings ko.

“In fact, doon sa petition na ‘yan, there’s a text message there that I said to James Yap… in that text message I said, ‘If you still want to see your son, ‘wag lang dito sa bahay ko. Kasi I’ve tried to be civil with you, but you don’t know the meaning of the word civil.’

“Kung talagang mahal na mahal niya ‘yong bata, bakit hindi mo siya binigyan ng panahon? At bakit mo isisisi sa akin ‘yong kapabayaan mo doon sa bata?”


PNOY’S INVOLVEMENT. Sa naunang hiwalay na panayam ng PEP kay James, nasabi nitong binantaan siya ni Kris.

Unang banta raw kay James ng dating asawa: “Sinabihan ba naman ako na, ‘Baka nakalimutan mo, may three years pa yung kapatid ko!’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At ang pangalawa naman daw ay: “Hindi mo ba alam? Saan ba ngayon yung mga ex ko? Di ba, wala nang career? Isang iyak ko lang sa TV, maniniwala na sa akin ang mga tao.”

(CLICK HERE for related article)

Nang tanungin ni Jessica ang reaksyon ni Kris tungkol dito, “It is my sister who can best answer this accusation,” ang mabilis na tugon niya.

Unang nagsalita ang pangatlong kapatid ni Kris na si Pinky Aquino-Abellada.

Dito’y binigyang-diin ni Pinky na naging maganda ang pakikitungo at relasyon nila kay James, kahit pa annulled na sila ni Kris.

Katunayan, iniimbita pa nga raw nila ang San Mig Coffee Mixers player na pumunta sa tuwing mayroong may kaarawan o pagdiriwang ang pamilya Aqunio.

Ani Pinky, “Even no’ng ikakasal na sila, we went… we went kay James, kaming tatlo, and kay Kris, ‘Maybe hindi pa kayo dapat mag-apura.’ But they went through with it.

“Pero kahit nangyari ‘yon, I think we were really kind to him. And alam ko may interview siya na siya ang nagsasabi na, ‘Mabait ang pamilya Aquino sa akin.’

“Tinext ko siya last month, birthday niya February 15, binati niya rin ako no’ng birthday ko.

“No’ng isa kong birthday, kahit separated na sila, inimbita ko siya kahit alam kong maiinis siya [Kris]. Siyempre, uncomfortable si Kris.”

Pagbabahagi pa ni Pinky, tumayo na rin silang ikawalang magulang ni Bimby, lalo na noong magkahiwalay sina Kris at James.

Pero dahil nga sa kay Kris nakatira si Bimby, tinutulungan nila si James na mapalapit sa kanyang anak.

“Tinuturuan din namin siya, ‘James ito ang type ni Bimb. Siguro gawin mo ‘to, basahan mo ng story or whatever,’ because iniisip ko no’n, malaki ang kabataan niya sa amin. Mas matanda na ‘yong kids namin, e, so kung anong natutunan ko sa parenting tina-try kong i-share.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You know, alam mo ang pagtrato namin, never ka naming… No’ng annulment, wala kang narinig sa amin no’n dahil alam namin na that’s between husband and wife.

“Hindi kami nakikisingit dyan, kahit mayro’n akong opinions, sa akin na lang ‘yon.

“Pero ngayon, nakita ko ‘yong reaction ng five-year-old, sabi ko, kasalanan ‘yon kapag hindi kami maglalakas-loob na samahan si Kris sa laban na ito.”


BRAINWASHING BIMBY. Samantala, sinabi naman ni Ballsy Aquino-Cruz na ikinasama ng loob niya ang pagsasabi ni James na “bine-brainwash” ni Kris si Bimby.

Kuwento ni Ballsy, “ang sama ng loob ko no’ng sinabi niya kagabi na si Kris daw ang nag-ano, I forgot the words… ang nag-brainwash kay Bimb, kaya daw gano’n.

“On that day that Kris was telling him, ‘No, Bimb, don’t say that,’ kasi umabot kay Kris na sinasabi ni Bimb na, ‘I hate him, I hate him,’ ‘Bimb, don’t say that. Don’t hate your papa.’

“Sinabi ko, ‘Yes, Bimb. Your papa is a good player,’ pinuri ko nang pinuri.

“Kasi sino ba naman tao na mahal mo… ‘yong bata at mayro’n siyang sadness, hatred in his heart, gusto mo that he will grow unhappy?”


LEAVING SHOWBIZ. Nilinaw naman ni Kris na ang paghingi niya ng permanent protection order (PPO) ay hindi dahil sa alitan nila ni James, kung hindi para sa “protection” ng kanyang anak na si Bimby.

Nakikita raw kasi ni Kris na nakakaapekto na sa kanyang bunsong anak ang nakikita nitong hindi magandang patrato sa kanya ni James.

“I kept quiet for my son, because this is not about me. Hindi ito about away naming dalawa ni James.

“Kaso may nagiging effect na sa bata. Dahil sa pagiging nanay ko, kaya kong gawin lahat to protect my son.

“I hope people would realize that, na hindi ako ‘yong nagpa-presscon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Unang-una, hindi ako ‘yong nagsabi ng kung anu-anong kasiraan sa nanay ni Bimb, tungkol sa magulang niya. Hindi ko siniraan si James sa publiko.

“I didn’t tell the court na… I did it with facts.

“Sabi sa akin ng teacher ni Bimb na he showed signs of distraction and napagsabihan ako na hindi mo alam kung… I assume na as we speak no’ng umaga, do’n nalaman ng teacher…

“Pero sinabi niya na may moments na ang tagal-tagal niya bago sumagot, that’s not like him. Nakikita ko na kasi kung ano ‘yong change sa personality.

“I would not have done this kung hindi ko nakikita ‘yong anak ko na ang nahihirapan.

“I owe this one to him.

“Nakikita ko how much he’s suffering and how much he needs me.”

Kaya naman daw kung hinihingi na talaga ng mga pangyayari na iwanan na niya ang showbiz, gagawin niya raw ito para sa kanyang mga anak.

Ani Kris, “This is the life where I get my joy, where I get my fulfillment as a person, ito ‘yong bumubuhay sa amin.

“Pero kung ikukumpara ko naman, ipagpatuloy ko ‘to na pinagpipiyestahan kami, mananahimik kami ng mga anak ko at mababatikos sila… Naging mahirap para sa akin ang choice.

“Maybe I’ve reached that point in my life… totoo pala ‘yon, e, nagmamahal ka nang higit kaysa sarili mo kapag nanay ka at naramdaman mo na kailangan ka ng anak mo.

“Let’s not talk about how much James got from us.

“The issue is also not about that I waive any support— hindi ito tungkol sa pera. At hindi rin ito tungkol sa adoption.”


“I’M LUCKY.” Bago magtapos ang pakikipanayam ni Jessica kay Kris, tinanong ng reporter ang aktres: “How will you move forward from this?”

Sandaling tumahik si Kris na tila kinalma ang kalooban at nag-isip.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At saka ito sumagot: “Alam mo, Jessica, kahit anumang storm na pinagdadaanan ng buhay ko, I’m really lucky—sa mga kapatid ko, masuwerte talaga ako kasi nandyan sila, e, mahal nila ang anak ko.”

Dahil rin daw sa mga pagsubok na pinagdaraan nila ng kanyang pamilya, at niya bilang isang ina, marami raw napagtanto si Kris.

Dito niya raw mas naunawaan kung ano ang kayang gawin ng isang ina para sa kanyang anak.

Wika ni Kris, “Parang tama naman ‘yong sinasabi ng marami na puwedeng mawala ang lahat sa ‘yo, basta nandyan ‘yong anak mo, basta nandyan ‘yong pamilya mo, kakayanin mo, e.

“Maybe everything that is happening to me and everything I’m standing for is a tribute to how our mother raised us.

“At the end of the day, kung ano ako ngayon bilang nanay, nanggagaling ‘yon dahil sa nanay na binigay sa ‘kin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN