Daniel Matsunaga sympathizes with ex-girlfriend Heart Evangelista; reveals also getting thumbs down from Heart’s parents

Sa unang pagkakataon ay inamin ni Daniel Matsunaga na may kinalaman ang mga magulang ni Heart Evangelista kung bakit nagtapos ang kanilang relasyon noong isang taon. Ito ay dahil ayaw sa kanya ng mga magulang ng aktres, na siyang nangyayari muli sa relasyon ni Heart at ng boyfriend nitong si Senator Chiz Escudero.


Kung meron mang nakikisimpatiya sa pinagdadaanan ngayon ng aktres na si Heart Evangelista, ito ay walang iba kundi ang kanyang ex-boyfriend na si Daniel Matsunaga.

Sa panayam ng Brazilian-Japanese model-actor sa news program ng TV5 na News5 kahapon, March 21, sinabi nito na up-to-date siya sa isyu tungkol sa kanyang ex-girlfriend at sa kasalukuyang boyfriend nitong si Senator Francis “Chiz” Escudero.

Ayon kay Daniel, nalaman niya ang pagtutol ng mga magulang ni Heart na sina Reynaldo at Cecile Ongpauco sa relasyon nito kay Chiz sa pamamagitan ng kanyang followers sa Twitter.

Binabalitaan daw kasi siya ng mga ito sa mga kaganapan sa buhay-pag-ibig ng dati niyang kasintahan.

Sabi pa ng TV5 hunk, may kutob na siyang mangyayari ulit ang nangyari sa kanilang dalawa ni Heart noong may relasyon pa sila.

Ito ay dahil sa pagiging overprotective ng mga magulang ng Kapuso actress.

“I’m not surprised," sambit ni Daniel.

“I know how protective they are of Heart. I just feel bad that this is happening again to her.

“She doesn’t deserve this.”

THE REVELATION. Nagkakilala sina Daniel at Heart sa teleserye ng GMA-7 na Langit Sa Piling Mo noong 2010.

Noon pa man ay nababanggit na raw ni Daniel na type niya ang beauty na tulad ng kay Heart.

Sa pagtatapos ng kanilang serye ay naging sina Daniel at Heart na nga.

August 2010 nang maging opisyal ang relasyon ng dalawa.

Ipinakilala ni Daniel si Heart at ang pamilya nito sa kanyang pamilya nang magbakasyon ang mga huli sa Pilipinas.

Nagbakasyon din si Heart sa Brazil para mas makilala nang husto ang pamilya ni Daniel.

Ngunit nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon ng dalawa noong April 2012.

Umiyak pa nga si Daniel on national television, sa showbiz talkshow ng GMA na Showbiz Central, nang aminin niya na nagwakas na ang relasyon nila ni Heart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong panahong iyon, walang binanggit si Daniel na may kinalaman ang mga magulang ni Heart sa paghihiwalay nila.

Ngunit ngayon ay inaamin nito na hindi siya gusto ng mga magulang ni Heart, at naimpluwensiyahan ng mga ito ang aktres na makipaghiwalay sa kanya.

Same scenario raw ang nga nangyayari ngayon sa relasyon ni Heart kay Chiz.

“They are very protective of Heart. I understand them because it’s family.

“I cannot do anything, that’s why I accepted what happened between us.

“I have since moved on.

"But when I heard what’s happening, I cannot help but relate to it.”

FIGHT FOR LOVE. Sa kabila ng pagtutol ng mga magulang ni Heart kay Chiz, mukhang ipinaglalaban na ngayon ng aktres ang lalaking mahal niya.

Isang bagay na hindi nito nagawa noong sila pa ni Daniel.

Sa pananaw ni Daniel, nasa hustong edad na si Heart para makapagdesisyon para sa sarili at para pumili ng lalaking mamahalin niya.

Heart is 28 years old.

Sabi ni Daniel, “She is old enough to fix her life.

“Heart is mature and an intelligent woman—I’m sure she can handle it.”

Tungkol naman kay Chiz, nakikita naman daw ni Daniel na mahal nito ang kanyang ex-girlfriend.

“I’m sure that he loves her. I only hope that they can move on from what is happening now.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN