Billy Crawford on avoiding intrigues: “Hindi naman kami yung tipong ’pag may problema, alam ng mundo.”

Walang balak na mag-anak bago ikasal sina Billy Crawford at Nikki Gil. Sabi ni Billy: “We put God first before anyone else. Or before doing anything else... Pinakaimportante naman yun.”


Sa limang taong relasyon nina Billy Crawford at Nikki Gil, inamin ni Billy sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hindi pa natatapos ang panliligaw niya sa aktres.

Saad niya, “Araw-araw ko pa rin siyang nililigawan.

“For almost five years, I’m still in love with her. I’m still excited to see her every day.

“Kaya nga gusto ko na siyang puntahan, e,” pagbibiro pa niya.



STRATEGY. Ano ba yung panliligaw sa ginagawa niya? Yung usual na chocolates and flowers?

“Iba na. I just make her feel na she’s special to me.

“Kung ano...yung parang I don’t want her to feel sad. Gusto ko lagi siyang masaya—no space for any insecurity,” saad niya.

In any relationship, hindi maiwasan na merong tampuhan o away na nangyayari, kaya aminado ang aktor na nagkakaroon din naman sila ng tampuhan.

Kuwento niya, “Minsan napaka-petty ng quarrels namin... small things.

“Minsan yung walang kakuwenta-kuwentang bagay, nagiging cause of discussion.

“One thing about us ni Nikki, why we don’t quarrel much is because we don’t talk much about it.

“We only leave it sa aming sarili and we value much our private lives.”



EARLY RESOLVE. Sa anong paraan ba nila nire-resolve ang kanilang love problems?

Pag-amin niya, “Just like any or in any relationship, we resolve it as early as possible.

“Lahat naman sa atin kapag may problema ay kaya natin resolusyunan ‘yan.

“Baka kung ano…big or small kailangan gawan ng paraan.”

Banggit ng PEP kay Billy, mukhang "cool na cool" nga ang relasyon nila at walang gaanong intriga tulad ng sa ibang artista.

“As much as possible we really keep it to ourselves,” paliwanag niya.

“Hindi naman kami yung tipong ’pag may problema, alam ng mundo... Tama ka, cool lang kami.”



WEDDING. Mataas na nga ang level ng kanilang relasyon. Kumbaga, candidate na sila for the wedding of the year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You know, we still have more dreams,” pasubali niya.

“And then… yun, meron pa kaming individual plans.

“If ever we decided, siguro kung nagawa na naming lahat ang gusto naming gawin sa buhay namin.”

In passing ay napag-uusapan na rin daw nila ito.

“Yeah... We have small talks here and there,” pag-amin niya.

“Pero, hindi pa yung talagang seryoso. Bata pa naman si Nikki. Sasabihin din namin when the right time comes.”

Hindi rin daw nila naiisip na mauna ang anak bago ang kasal.

“Si Nikki is…napaka-Christian niya,” pagmamalaki ni Billy.

“Napag-usapan na namin ito. Malaking factor yung pagiging Christian niya.

“We put God first before anyone else. Or before doing anything else... Pinakaimportante naman yun.”

Ano nga ba ang nabago mula nang ilagay nila ang Diyos sa gitna ng kanilang relasyon?

Tugon niya, “A lot. It has changed a lot kung anuman ang views namin sa isa’t isa.

“Ako naman, I did the right thing—right decisions—and really be a man.

“Sa relasyon namin, we value it more. Mas nakita namin yung kahalagaan ng isang relationship na alam mong there’s always Someone in between you.

“I am reminded na yung relationship namin ay hindi na rin basta-basta.

“Five years is five years and still growing.”

Sa part naman ni Nikki, “It’s also growth. She has become more understanding.”



RIGHT AGE. Naniniwala ba siya na nasa right age na sila pareho to settle down?

“Wala naman makakapagsabi kung ano ang right age sa marriage, e,” dagdag niyang paliwanag.

“No one can say na you’re too young or too old for that. No one can say.

“If it does happen it does happen.

“Yung iba nga, they keep on saying na, ’Heto ang ideal age ko,’ or ’di pa ako handa mag-asawa.’ But before you know it, may asawa na pala sila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Nikki na ba talaga ang babaeng heaven-sent para sa kanya?

“Right now?” patanong na sagot niya.

“I think, oo naman. I have this feeling na parang kaming dalawa na nga talaga.

“Nothing is certain, but if you’re asking me, oo, siya na.

“No question about that,” pagsisiguro ni Billy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN