Ai-Ai delas Alas awaits confirmation of her pregnancy; still maintains friendship with James Yap

Matibay ang paniniwala ni Ai-Ai delas Alas na magtatagal ang samahan nila ng boyfriend niyang si Jed Salang. Saad niya, “It’s a decision and kahit naman happiness, it’s a decision—hindi puwedeng ididikta sa iyo, lahat yun, iwo-work mo. Ang pag-ibig, desisyon ‘yan na ito ang taong makakasama ko whatever happens.”


Buntis na nga ba ang Comedy Concert Queen na si Ai-Ai delas Alas?

Kinumpirma mismo ni Ai-Ai ang posibilidad na ito sa contract signing sa ABS-CBN noong Miyerkules, March 20, sa ELJ Building.

Sabi niya, “Hanggang ngayon, delayed ako, so maaari.

“Siguro mga nine days na, kaunti na lang. Sabi ng OB [obstetrician] ko, ’Let’s wait for one week more. Let’s hope and pray.’

"And ako, I’m still praying hard, nag-a-ask ako ng milagro sa Panginoon, kay Mama Mary, kay Padre Pio…

“Lahat na sana, kahit isa lang magakroon kami ng anak ni Jed.

“Siyempre naman and gagawin namin lahat… kahit isa lang.”

Sa edad na 48 ay maituturing nang high-risk ang pagbubuntis muli ni Ai-Ai kung saka-sakali.



SINGLE-HANDED. Aminado si Ai-Ai na excited siyang maging isang ina muli sa taong pinakamamahal niya sa ngayon.

Ayon sa Comedy Queen, kina-career niya talaga ang pagiging isang nanay sa kanyang mga anak.

Malalaki na rin ang mga anak ni Ai-Ai na sina Sancho, Sofia, at Sean. Kamakailan ay mayroon din siyang in-adopt na isang pang batang lalaki.

Saad niya, “Palagi ko namang kina-career yun.

"Yung mga anak ko nga, simula nang ipanganak sila, may picture.

“Kaya nga nabubuwist ako sa kanila pag winawasak-wasak nila ang mga pictures nila.

“’Mommy, pahiram nga nito, kasi kailangan sa school,’ tapos,wala na.”

“From the time na ilabas ko sila, may picture yun kasi noon wala pa namang mga videos-videos.

“Ngayon mayroon na, so from the time na may lumabas yun, may video na.

“Noon, picture lang—first month, second month, may picture talaga sila, kumpleto yun.

“Si Sancho, si Sean, kina-career ko talaga yun. Lalo na ito kasi na-miss ko magkaroon ng baby.”



BOYFRIEND. Naging issue rin ang naging tampuhan nila ng boyfriend niyang si Jed Salang, na inakala ng iba na mauuwi sa hiwalayan pero naayos naman agad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi ni Ai-Ai na marami siyang natutuhan sa mga nangyari sa kanila.

“Usually ganoon naman, e. Pag mayroon kayong pinagadadaaanan, doon mas nagiging matibay ang relasyon ninyo.

“Marami… humility…

"Sa buhay natin, di naman parati na laging tayo ang tama. Hindi porke’t mas matanda ako kay Jed, ako yung tama.

“Minsan, mayroon din akong kamalian, minsan din adjustment sa relasyon namin.

“Siyempre, magkaiba kami ng mundo—opposites attract.

“Artista ako, nasa sales siya. Normal ang buhay niya, artista ako, magulo… ganoon talaga.

“Maraming adjustments, but still, parating sinasabi namin, yung quotation ni Ama [Boy Abunda, her talent manager], sabi ni Ama, ‘Love should always be bigger than the problem.’

“Sabi ni Jed, ‘If love is bigger than the problem, then it will work.”

“Totoo naman yun, na sobrang mahal namin ang isa’t isa, kaya kahit anong unos, hindi lang ito para sa amin…

“Sa lahat ng mga nag-iibigan sa buong mundo na pag ang pag-ibig ay mas malaki kaysa problema ninyo, it will work, magiging kayo pa rin habang panahon.”



PROOF. Para kay Ai-Ai, nakita na niya talaga kay Jed ang lalaking gusto niyang makasama habambuhay.

Isa sa patunay na mahal siya talaga nito ay nang magpa-interview sa The Buzz ang live-in partner lalo’t alam ng lahat na isa itong pribadong tao.

Sabi ni Ai-Ai tungkol dito, “Oo, because love is a decision.

"Ang love, after two, three, five years, matatanggal ‘yan, e.

“Lalo na pag minsan nag-aaway kayo, nakikita ninyo yung kabuwisitan sa isa’t isa.

“Pero ang pag-ibig, desisyon siya na itong taong ito ang makakasama ko forever.

“It’s a decision and kahit naman happiness, it’s a decision—hindi puwedeng ididikta sa iyo, lahat yun, iwo-work mo.

“Ang pag-ibig, desisiyon ‘yan na ito ang taong makakasama ko whatever happens.

“Nandiyan ka… iwanan, alisan, nandoon ako para hintayin ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakita ninyo naman sa The Buzz, kumbaga, kung magsalita.

"Unang-una, kung ang lalaki di ka mahal, di ‘yan lalabas sa The Buzz.

“Di ‘yan masasasabi na, ‘Babe, I love you very much. Ikaw ang buhay ko.’ Ganoon.”



MARRIAGE. Noon pa nababalita ang kasalan sa pagitan nina Ai-Ai at Jed, at siniguro ng comedienne na malapit na itong mangyari sa hinaharap.

“Ay, wait lang, hintayin lang natin, malapit na malapit na ‘yan.

“Matagal na kasi siyempre, kailangan emotionally ready kayo pareho.

"Hindi naman ‘yan na ipilit ‘yan na, ‘Pakasalan mo ako, ha?’

“Lahat tayo may tamang panahon, in God’s time, sabi nga.”

Para kay Ai-Ai, naniniwala siya na ang pinakasandigan ng relasyon nila ni Jed ay ang nasa Itaas na siyang gumagabay sa kanila.

“Yes, super pray kami—Baclaran, Padre Pio… lahat. Di lang for the baby… yung relasyon namin.

“Sabi nga, kailangan ‘yan, trayanggulo. Threesome kayo—ako, si Jed, si God. Parating ganoon yun and it will work.

“Alam mo naman, sa paligid maraming mga nega, marami ding positive, kailangan doon tayo sa more positive.

“Kung nasa center ninyo si God, give na give na yun.”



SEXY THEME. Pumirma muli ng two-year contract si Ai-Ai sa ABS-CBN.

Ano ang mga pagkakaabalahan sa mga susunod na buwan at ano ang gusto niyang magawa sa loob ng dalawang taon na iyon?

Sabi ng komedyana, “PGT [Pilipinas Got Talent], soap and other shows. Parati naman, e, every year may soap ako.

“Di ko pa alam kung sino ang mga makakasama ko, pero sigurado pagmi-meetingan ‘yan and I think probably, mga May mag-i-start na yun.

“Gusto ko parang mga Sex In The City… ganyan. Susunod na yung mga mother-mother role para iba naman.

“Galing na ako sa sisters [Sisterakas], e, pababa na tayo ngayon—pabata.

“Kasama? Si Dawn [Zulueta], si Cherry Pie [Picache], si friendship [Kris Aquino], puwede, si Zsa Zsa [Padilla].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



JAMES YAP. Sa shooting ni Ai-Ai ng pelikula nila ni Marian Rivera na Kung Fu Divas ay minsang dumalaw si James Yap, ang dating asawa ng kaibigan ni Ai-Ai na si Kris Aquino.

Nagpakuha pa nga ang dalawa ng larawan at inilabas pa ito ni James sa Instagram niya, kung saan tinawag siya ng PBA player bilang "BFF (best friend forever)."

Kuwento ni Ai-Ai, “Dumalaw siya, kasi birthday noon ng assistant ni Dondon Monteverde."

Si Dondon ang business manager ni James.

“Noong nagkakagulo silang ganyan, nagtanong ako, ‘Sino yun?’ May nagsabi, ‘Si James Yap.’

“’James Yap, na totoong James Yap?’

"’Oo, James Yap.’

“Sabi ko, ‘Weh!’ Pagganun ko, ‘Si James Yap ba ‘yan?’

"Di ako makapaniwala na nandoon siya sa set.

“Sabi niya, ‘My friend!”

"Sagot ko naman, ‘My friend, you’re here!’

"Tapos, nag-picture taking kami ni Lolo, naka-Instagram.

“Di ba? Sabi nga ni Vice [Ganda] dati, masarap ang walang kaaway… masarap lahat kabati mo, puro positive lang.

“Noon pa naman niloloko ko na ‘yan si James, ‘My friend, bakit mo ba ako inaaway? Bati na tayo.’

“My friend, best friend ko siya. Di ba? Sabi nga niya, BFF niya ako, sa Instagram, tapos picture namin."

Noon kasi ay nagkaroon ng alitan sina Ai-Ai at James, dahil hindi nagustuhan ng basketbolista ang naging biro ni Ai-Ai kay Kris.

Saad pa ng komedyana, “Hindi. Dati pa kami, kasi noong minsan, nag-usap sila ni Kris sa phone noong nagsu-shoot kami, parang nandito kami sa Quezon City.

"Sabi niya, ‘O, heto si friendship...’ pinasa sa akin.

"Sabi ko, ‘My friend, bakit mo ako inaaway? Bati na tayo.’ Doon nag-start.”

Ayon nga kay Ai-Ai ay nagti-text sila minsan ng basketbolista.

“Oo… ‘O, may game pala kayo ngayon. Puwedeng manood?’

"Sasagot siya, ‘Sige friend, ilang ticket?’ Mga ganoong chika.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN