John Prats’s manager serious about filing charges against Jason Francisco

“Kasi siyempre, lalaki ako at alam mo yung feeling ba na pagka alam mo na too much na yung ano [pang-aasar] mo kay Melisa. So, sana maintindihan mo bilang lalaki ba na nagmamahal,” says Jason Franscico after apologizing to John Prats for punching him last night


Desidido ang manager ni John Prats na si Arnold Vegafria na magsampa ng kaso laban kay Jason Francisco.

Sa statement na ibinigay niya ngayong araw, March 22, na nailathala sa website ng ABS-CBN News, sinabi ni Vegafria na, “I will pursue filing of physical injury charges against Jason Francisco.

Nakikita ng talent manager na kailangan talaga ito dahil sa, aniya, “aggravating circumstances of the incident and the brazen, treacherous attack of Francisco against my talent.”

Idiniin din ni Vegafria na, “[Jason] should be taught a lesson.”

Unang naibalita sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi, March 21, ang insidente ng suntukan sa pagitan ng aktor na si John at dating Pinoy Big Brother housemate na si Jason.

Ayon sa kwento ni John, habang nakatalikod ay sinapak siya ni Jason.

Noong una ay wala raw ideya si John kung bakit iyon nagawa ng dating sa Banana Split na si Jason.

Kinalaunan, napag-alaman ni John na nagsabi ng hinaing kay Jason ang dating girlfriend niyang si Melai Cantiveros, na kasama rin sa mainstays ng gag show na Banana Split.

“Well, it’s a second-hand information na nakarating sa ‘kin, na may hinaing daw siya sa amin, kasi daw parang lagi daw naming inaasar si Melai, tinutukso,” kuwento ni John.

(CLICK HERE to read related article.)

“NAPIKON AKO.” Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News, inamin ni Jason, 25 years old, ang ginawa niya kay John, 29 years old.

"Nagawa ko talaga ’yon sa kanya. Parang napikon ako sa kanya,” sabi ni Jason.

“Kasi parang mayroon na kami dati na something na parang napipikon na ako.

“So, parang ngayon lang dumating yung punto na parang nag-burst out sa damdamin ko, parang ang bilis ng pangyayari, na nagawa ko sa kanya yun.”

Dagdag pa ni Jason, nasasaktan siya sa tuwing tinutukso si Melai.

Sa nasabing panayam, humingi ng paumanhin si Jason at sinabing handa siyang tanggapin “kung ano yung consequence ng iano sa akin ni Kuya John.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pakiusap din ni Jason kay John: “Kuya John, alam ko naman na mabait ka talaga. Alam ko na sobrang mahal mo si Melisa, kaya sana mapatawad mo ako.”

Pagkatapos ay muli niyang ipinaliwanag ang sanhi ng kanyang ginawa.

“Kasi siyempre, lalaki ako, at alam mo yung feeling ba na pagka alam mo na too much na yung ano [pang-aasar] mo kay Melisa.

“So, sana maintindihan mo bilang lalaki ba na nagmamahal.”

Sa huli, muling sinabi ni Jason, “Humihingi ako ng paumanhin sa iyo, na sana ay patawarin mo ako sa nagawa ko.”

Pero sa pahayag ni John sa presinto ay tila sarado pa ito na patawarin si Jason.

Aniya, “Sa ginawa niya? Ano? Ganun? Sorry na lang?

“E, kung sapakin ko din siya tapos sabihin ko na sorry din? Ganun lang ba yun?

“Siguro dapat talagang dumaan sa law, at pagbayaran niya talaga ang ginawa niya, at hindi puwede ang excuse na dahil probinsiyano siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN