Watch Now

Sen. Tito Sotto denies involvement in Pepsi Paloma rape case

Mar 4, 2016
<p>Muling nabuhay ang rape case ng yumaong sexy star na si Pepsi Paloma ngayong kumakandidato muli si Tito Sotto bilang senador. Iniuugnay ang senador sa pagkakatigil ng kaso laban sa kapatid niyang si Vic Sotto at mga kaibigang sina Joey de Leon at Richi

Pinabulaanan ni Senator Tito Sotto na may kinalaman siya sa kaso ng panggagahasa umano sa 1980s sexy star na si Pepsi Paloma.

Ito ay sinabi ni Sotto, na tumatakbo muli sa pagka-senador ngayong 2016 elections, sa isang panayam sa DZMM kahapon, March 3.

Sa report ng ABS-CBNNews.com, sinabi ni Sotto na walang katotohanan ang mga kuwento na siya ang dahilan kaya’t hindi na itinuloy ni Paloma ang pagsampa ng kaso.

Naging malaking balita ang insidenteng ito noong 1982 dahil ang mga suspek sa panggagahasa diumano kay Paloma ay sina Vic Sotto, Joey de Leon, at Richie D’Horsie.

Si Vic ay bunsong kapatid ni Tito; habang sina Joey at Richie ay malalapit na kaibigan ng Eat Bulaga! host.

Ayon sa testimonya noon ni Paloma, ginahasa umano siya ng tatlo matapos bigyan ng droga.

Hindi natuloy ang pag-uusig sa tatlo dahil pinilit umano ni Tito Sotto ang sexy actress na pumirma ng affidavit of desisance at itigil ang kaso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngunit itinanggi ito ni TV host-politician sa panayam niya sa DZMM.

Ayon kay Tito, “gimik” lamang ito ng manager ni Paloma.

Hindi rin daw niya kayang pigilin ang naturang kaso dahil wala pa siyang posisyon noon sa gobyerno.

“Una, 1988 po ako naging vice mayor ng Quezon City.

“Matagal na hong wala yung kuwentong yun. 1982 ho yung kuwentong yun, e.

“So, wala ho akong pakialam sa isyung iyan nung araw.

“Para ho sa kaalaman ng lahat... gimik ho ni Rey dela Cruz [Paloma's manager] yun. Hindi ho totoo yun.

“Pinagtangkaan nilang magkaso kasi tinira sila ng libel nina Vic at Joey.

“Idinemanda sila ng libel kaya pinagtangkaan nilang balikan ng kaso,” pahayag niya.

Itinanggi rin ng senador na may kinalaman siya sa pagkamatay ni Paloma, na natagpuang patay noong 1985 dahil umano sa pagpapatiwakal.

Ani Sotto, droga ang dahilan ng pagkamatay ng aktres.

“Wala ho, droga ho yun!”

Read Next
Read More Stories About
Tito Sotto
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Muling nabuhay ang rape case ng yumaong sexy star na si Pepsi Paloma ngayong kumakandidato muli si Tito Sotto bilang senador. Iniuugnay ang senador sa pagkakatigil ng kaso laban sa kapatid niyang si Vic Sotto at mga kaibigang sina Joey de Leon at Richi
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results