Gary V on son Gab’s leaving for the US on March 25 for two-year music course: “I will miss you, son.”

Gary on son Gab’s decision to study abroad for two years: “He will be away for two years kasi mag-aaral siya dun. Yeah, he will be taking up a music engineering course and isa pa ata kaya ganun siya katagal mawawala. Well, for a parent like me, siyempre, it’s sad. But this is for his future. Heto yung gusto niyang gawin that’s why we are allowing him.”


Naging emosyonal si Gary Valenciano sa harap ng audience kagabi, March 22, sa product launch ng BPeptide ng Therapharma sa SMX Convention Center sa Mall of Asia.

Nasaksihan ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) dahil naimbitahan kami sa nasabing okasyon.

Matapos niyang mag-perform ng opening song na “Hataw Na” at sa gitna ng paghahabol ng hininga dahil sa pagod sa kanyang song and dance number ay may ni-request siya sa audience

Sabi ni Gary, “Allow me to be very personal with you sa aking mga songs tonight.

“You know what, tonight is very special to me and you’re all so lucky you will be joining me in my songs.

“Kakaiba kasi for me ang gabing ito.”

Dugtong pa niya habang napapabuntong hininga, “What makes you lucky and what makes it very special is because of a special announcement,” na ipinagtaka ng karamihan sa mga manonood..

Ano ang kanyang “revelation?”

“’Coz tonight will be the last night that I will be performing with my son, Gabriel,” sabi niya na may halong lungkot.

Si Gabriel Valenciano, na mas kilala sa palayaw na Gab, ay ang pangalawang anak ni Gary kay Angeli Pangilinan. Gaya ni Gary ay magaling din siyang dance performer, at kadalasan din siyang nakikita sa noontime musical variety show na ASAP ng ABS-CBN tuwing Linggo.

“Yes, you are lucky kasi nga kayo ang last people na mapapanood kami together,” ayon pa kay Mr. Pure Energy. “My son will be leaving on Monday [March 25] for the US.”

Si Gab ay nakatakdang mag-enroll sa Full Sail University sa Orlando, Florida. Ito ay isang kilalang institusyon sa larangan ng musika at performing arts.

Dito nang nagsimulang lumabas ang mumunting luha sa mga mata ni Gary.

“He will be away for two years kasi mag-aaral siya dun. Yeah, he will be taking up a music engineering course and isa pa ata kaya ganun siya katagal mawawala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, for a parent like me, siyempre, it’s sad. But this is for his future. Heto yung gusto niyang gawin that’s why we are allowing him.

“All my songs tonight, I will dedicate to my son whom I love so much.”

Matapos ng isa pang popular hit song ay lumabas na sa stage si Gab na may hawak-hawak na cane, na ibinigay sa ama.

Natawa dito si Gary.

Pagbibiro niya sa audience, “Look, kung ano ang dala ng anak ko. A cane…a cane? Talaga ’atang gusto niyang ipakita ang edad ko sa inyo.”

Sabi pa niya,” But honestly, I’m very grateful. Sa age kong ito..I’m 48 [years old] now, I can still do all these dance moves.

“Sometimes, nararamdaman ko na rin ang pagod sa tuhod but everytime I see your faces, talagang nai-inspire ako to go on.”

Pagkatapos nito ay bumanat na sila ni Gab ng isang all-dance number na "Di Bale Na Lang."

Ipinakita ng mag-ama kung gaano sila ka-synchronized sa kanilang mga dance moves.

Pagkatapos nito ay isa pang song and dance number na “Move Your Body” ang ginawa nila at muli siyang nakipag-usap sa mga bisita ng nasabing product launch.

“This where I’m very proud of my son,” aniya. “Para ako rin kung kumilos, mas magaling pa nga sa akin, di ba?” na pangingiti-ngiti lang si Gab.

“I love you, son,” na sinagot naman ni Gab ng, “I love you, Dad.”

Tapos sinabi niya muli, “Ang hirap yung you send your son away, pero kung para sa kanyang aspirations, then it’s fine with me.

“Alam niyo naman ang son ko, marami din siyang pinagdaanan but he has this big aspiration kaya sa amin ni Angeli parang it’s worth losing him for a while.

“Last February 27, my other son [Paolo] got married. So, parang unti-unti silang nawawala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero, if for those reasons, I’m happy to temporarily lose them.:

Sabay nito ang mahigpit na yakap niya kay Gab na nagpaalam na rin sa audience.

Dito, hindi na naitago ni Gary ang pagpatak ng kanyang luha habang pinapanood niya ang pag-exit ng kanyang anak.

“I will miss you, son,” pahabol niya.

Pagkatapos nito ay kinanta niya ang awitin ni Ogie Alcasid, ang “Kailangan Kita.”

Bago pa man niya kantahin ang signature songs niya na “The Warrior is A Child” at “I Will Be Here,” muli niyang kinausap ang audience na halos lahat ay mga doctors at mga nasa medical field.

Nagpapasalamat siya sa mga ito dahil sa pagtulong sa kanya upang humaba pa ang kanyang buhay.

Matatandaang si Gary ay isang Type I diabetic patient for many years. In fact, ipinakita pa niya ang kanyang permanent insulin pump na lagi niyang bitbit sa lahat ng kanyang performances.

Sabi pa niya, “Nagpapasalamat talaga ako sa mga tulong mga doctor na nagdugtong ng buhay ko.

“There were times na nag-collapse ako sa performances because of my diabetes but had it not been for all of you, I would have gone much sooner.

“Sabi sa akin before, ang lifespan ng isang diabetic person ay thirty years, and I was diagnosed with it when I was fourteen.

“Now, I’m forty-eight and still feeling good. Thank you so much,” pagtatapos ni Gary kung saan isang encore number pa ang kanyang inihandog bilang pagtatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN