Kris Aquino will finish commitments despite announcing resignation from ABS-CBN shows

Kailangang tapusin ni Kris Aquino ang lahat ng kanyang commitments sa ABS-CBN sa kabila ng pahayag niyang magre-resign siya sa lahat ng kaniyang shows sa Kapamilya network. Tatlo ang kasalukuyang umeere niyang shows: ang daily morning program na Kris TV, ang primetime series na Kailangan Ko’y Ikaw, at ang weekly talent search na Pilipinas Got Talent.


Ipagpatuloy ni Kris Aquino ang kanyang kasalukuyang mga programa sa ABS-CBN, kahit na inanunsiyo nito ang kanyang pagre-resign.

Ginawa ni Kris ang announcement ng pag-resign sa kanyang mga trabaho sa panayam sa kanya ni Ted Failon sa TV Patrol noong Huwebes, March 21.

Ito ay para raw mag-concentrate siya sa pag-aalaga sa dalawa niyang anak at upang mailayo sila sa mga kontorbersiya.

Tatlo ang kasalukuyang programa ni Kris sa ABS-CBN: ang daily morning program na Kris TV, ang primetime series na Kailangan Ko’y Ikaw, at ang weekly talent search na Pilipinas Got Talent.

Upang malinawan kung ano ang mangyayari sa mga programang ito matapos ng announcement ni Kris, nagpalabas ng press statement ngayong araw, March 23, ang Kapamilya network, sa pamamagitan ng ABS-CBN Integrated Corporate Communications Head na si Bong Osorio.

Nakasaad dito na makikipag-meeting ang mga executives ng istasyon kapag nakabalik na si Kris mula sa nakatakda nitong European vacation.

Kasama ni Kris sa bakasyon ang mga anak na sina Josh at Bimby. Magsisimula ang bakasyon ngayong araw.

Sa ngayon, hindi malinaw kung nakaalis na sina Kris, Josh, at Bimby o paalis pa lang papuntang Europe.

Libre nang makaalis ang mag-iina matapos ibasura ng Makati Regional Trial Court (RTC) ang petition for a Hold Departure Order ni James Yap laban kina Kris at Bimby kahapon, March 22.

Ayon sa statement ng ABS-CBN: "Upon her return, Kris will fulfill her commitment to her soap ’Kailangan Ko’y Ikaw,’ which is nearing its end.

"She will also have to stay as a judge in Pilipinas Got Talent till its end in June. Being a foreign franchise, there are commitments we have to fulfill and rules we need to abide by."

Tungkol naman sa daily talk show nito, “Kris TV had taped advanced episodes in anticipation of her long planned vacation with her sons."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman malinaw kung magti-taping pa si Kris sa Kris TV pagbalik nito.

Sa huli, ayon sa statement, "Meanwhile, we wish Kris and her sons a peaceful and restful vacation. We respect her need for privacy at this difficult time."



HACKED. Samantala, na-hack daw ang official website ni Kris, ang www.krisaquino.net, ng grupong nagpakilala bilang "Anonymous."

Nilagyan din ng hackers ng malaking "X" sign ang isang endorsement ni Kris na nakalagay sa website.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN