(UPDATED) Kris Aquino flies to Europe with sons Josh and Bimby; grateful to her defenders

Umalis na kaninang hapon si Kris Aquino, kasama ang mga anak niyang sina Josh at Bimby, papuntang Europe para magbakasyon. Muntik nang hindi makaalis ang mag-iina nang maghain ng petition ng Hold Departure Order ang ex-husband ni Kris na si James Yap laban sa kanya at sa kanilang anak na si Bimby.


Nakaalis na kaninang hapon, March 23, si Kris Aquino, kasama ang mga anak na sina Josh at Bimby, papuntang Paris, France, kung saan dalawang linggong mamamalagi ang mag-iina para sa kanilang European vacation.

Kahapon, March 22, nagdesisyon ang Makati Regional Trial Court na ibasura ang petition ng dating asawa ni Kris na si James Yap para sa isang Hold Departure Order laban sa TV host-actress at sa kanilang anak na si Bimby.

Kaya natuloy ang paglipad nina Kris at Bimby, kasama ang panganay na anak ng ABS-CBN talent na si Josh.

Sa ulat ng 24 Oras Weekend ng GMA-7 ngayong gabi, maluha-luhang nagpasalamat ang TV host-actress sa lahat ng mga taong sumusuporta at patuloy na nagtatanggol sa kanya.

Pahayag ni Kris, “I wanted to shield myself from the negativity, but I also didn’t want to deprive myself the chance to see the positivity.

“So nagbukas naman po ako talaga at binasa ko yung mga social networking accounts ko.

“Sa lahat po sa inyo na ipinagtanggol ako at ipinagtanggol ang pamilya ko at mga anak ko, for the rest of my life, tatanawin ko yun na utang na loob.”

Nangingilid ang luhang dugtong pa ni Kris, “Can I just honestly say that, wala naman talagang madali sa buhay, pero siguro lahat kailangang kakayanin talaga.

“Lahat mapagdadaanan kung ramdam mo yung pagmamahal sa ‘yo, nung mga mahahalaga…” sabi ni Kris, na ang ibig tukuyin ay ang mga mahahalagang tao sa buhay niya.

Ang gusto raw na Kris ay magkaroon silang mag-iina ng sapat na oras na makapagpahinga sa kanilang bakasyon at makapagdasal.

JUST GMA AND ABS-CBN. Ayon naman sa ulat ng ABS-CBN News, Emirates Airlines flight EK 333 papuntang Paris ang sinakyan ng mag-ina kanina.

Ginawaran sila ng “full airport assistance” ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil kabilang ang tatlo sa First Family.

Nauna rito, nag-request daw si Kris sa mga namamahala sa airport na walang papayagang mga mamamahayag na naka-assign sa NAIA na maka-interview o makakuha ng litrato sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero, may pinayagan naman daw na dalawang TV crew si Kris mismo para makapanayam sa kanya bago siya umalis—ang GMA-7 at ng kanyang home network na ABS-CBN.

Nagpaunlak si Kris ng panayam sa dalawang news organizations sa may Dignitaries Lounge ng paliparan.

Isinikreto raw ng NAIA sa publiko, maliban sa dalawang istasyon, ang flight details ng kapatid ng Pangulong Noynoy Aquino.

Samantala, nakakuha naman ng video ng mag-ina ang TV5 habang papasok ito ng airport sa pamamagitan ng kanilang news stringer doon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN