Lucy Torres-Gomez on Supreme Court order to unseat her: “It’s not yet final and executory... so, ang nangyari actually, is ni-leak na nila yung resulta.”

Lucy on her political opponents’ dirty tactics: “Well, ito kasing mga maneuverings ng mga kalaban namin hindi na kami nasu-surprise and then [we believe] it’s part of politics, it’s really dirty wala naman talagang—ni minsan—wala namang nagsabing ang linis-linis ng pulitika.”


Hindi nakitaan ng pagkabahala si Lucy Torres-Gomez sa panibagong hamon sa kanyang karera bilang pulitiko kung saan ipinag-utos ng Supreme Court (SC) na bakantehin nito ang kanyang puwesto bilang representative ng Fourth District of Leyte dahil hindi pa naman daw pinal ang kautusang ito ng mataas na hukuman.

Kagabi, March 23, sa Ang Latest Updated ng TV5, sinabi ni Lucy na wala pa silang natanggap na order galing sa SC dahil hindi pa daw tapos ang pagbalangkas nito.

Kuwento niya, “The Supreme Court decided na, they said na i-a-unseat daw ako but it’s not yet final and executory.

“Kasi unang-una, wala pa kaming natatanggap na copy of their order and then nung pina-follow up naman ng abogado, ang sabi naman hindi pa tapos, dina-draft pa daw and kulang pa ng mga pirma ng mga judges.

“So, ang nangyari actually, is ni-leak na nila yung resulta.”

Nalaman lang daw ni Lucy through Twitter.

Saad niya, “Lunchtime, Twitter... na I was reading, ‘Is this me?’

Lumabas lang siya sa Twitter and then andaming nagtatanong na.”

Pero bago pa raw ang araw na yun na lumabas ang balita sa kanyang pagkatanggal bilang congresswoman, may mga naririnig na daw silang balita tungkol dito.

Pahayag ng asawa ni Richard Gomez, “Kasi the day before, may mga bulung-bulungan na kasi na yung kalaban daw ginagapang yung kasong yun.”

“And then I called the lawyer, sabi ko… kasi ang kasong ’to sa HRET [House of Representatives Electoral Tribunal], dinismiss na.

“So, sabi ng lawyer, ‘That will not stand in court, sa Supreme Court, okay lang talaga ang kaso na yan.’

“Yun na nga, apparently... hindi kasi [nagkaroon ng order to unseat me].”

NINE MORE YEARS FOR LUCY? Naunang naupo si Lucy bilang Leyte’s 4th District representative last 2010. Hanggang 2013 pa ang kanyang termino, pagkatapos ng eleksyon sa Mayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tanong niya tuloy sa ngayon, paano siya nakatakbo at naiproklamang panalo bilang mambabatas kung hindi siya pinayagan ng Commission on Elections (Comelec)?

Tugon ni Lucy, “Mismo. Hindi ko nga alam, kasi hindi ko alam kong anong basehan ng desisyon ng SC because until now we don’t have a copy of the order and then conflicting din yung reports ng newspaper at kung ano yung naging basis nila.”

Nakahanda naman daw ang kanilang kampo para mag-apela pero baka daw bago ito ay tapos na ang May 13 mid-term elections.

Aniya, “It is our legal right na mag-apply ng motion for reconsideration pero by that time na ma-finalize na ’tong kasong to, tapos na yung term ko.”

So, if ever na ma-finalize ang desisyong ito at masuwertehang manalo siya sa nalalapit na election, ibig bang sabihin nito na mas mahabang termino ang posible pa niyang makamit dahil fresh mandate ito sa kanya?

Saad niya, “Yun daw yung mangyayari, although while this was happening di ko naman alam yun.

“Parang nung nag-ano kami sa Liberal Party, nung nagkita ulit... nung nakita ako, sabi nung mga kasama ko, ‘Uy, ang suwerte mo naman.”

Ang isang kongresista (at party list representatives) at iba pang local elective positions (Governor, Vice Governor, Mayor, Vice Mayor, Board Member, Councilors, Barangay Captain and Barangay Councilors) ay mayroong tatlong termino sa kanilang katungkulan na sumasaklaw ng tatlong taon bawat isang termino.

Bale siyam na taon ang pamumunuan ng bawat local politician sa kanilang mga lugar ayon sa batas.

Kaya kung mapawalang-bisa ang unang termino ni Lucy sa Kongreso at kung muli siyang mahalal ngayong 2013, ito ay magsisilbing kanyang unang termino kaya maaring mahaba pa ang kanyang lalakbaying panunungkulan sa kanyang distrito.

LARO NG DEMONYO PERO HINDI MO KAILANGANG MAGING DEMONYO. Ang kanyang asawang si Richard Gomez ay kandidato rin sa pagka-Mayor ng kanyang bayang sinilangan—ang Ormoc City. Ano kaya ang reaction dito ni Goma (palayaw ni Richard)?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Well, ito kasing mga maneuverings ng mga kalaban namin hindi na kami nasu-surprise and then [we believe] it’s part of politics, it’s really dirty wala naman talagang ni minsan, wala namang nagsabing ang linis-linis ng pulitika.

“Wala talaga. And nung pinasok ko naman ’to wala naman akong ilusyon na maganda yung mundong pinasok ko, although alam ko din na hindi din naman ganun kasama... in fairness, I’ve met a lot of decent people in politics.”

Dito na naalala ni Lucy ang sinabi sa kanya ng isang mayor sa kanyang distrito noong una siyang pumalaot sa pulitika.

Saad niya, “Sabi nung ano... nung una akong tumakbo noong 2010, si Mayor Sixto dela Victoria ng Albuera, which is one the mayors of the district I represent, sabi niya, ‘Naku, ba’t ka ba nandito, e, yung pulitika laro ng demonyo.’

“And I remember telling him, ‘Okay lang na laro ng demonyo kasi hindi naman kailangan na demonyo ka rin.’

Dagdag pa niya, “Public service is beautiful, it’s really the politics side of it [that’s not].”

Pahayag pa niya, “Sinasabi ko naman sa mga kalaban ko na hindi ko naman hinihiling na gustuhin niyo ako, pero as your congresswoman, sukatin niyo na lang ako sa kung ano yung nagawa ko.”

RETURN THE FUNDS? May mga balita ring once na ‘final and executory’ na ang pagkakatanggal niya sa puwesto, ipinapabalik daw ng kanyang mga kalaban ang kanyang natanggap na suweldo at mga proyektong nagawa sa kanyang distrito.

“Hindi, okay lang yan,” patungkol ni Lucy sa kanyang suweldo na puwede naman niyang ibalik.

Ang natatawa siya, paano niya maibabalik ang mga proyektong nalagak na niya sa fourth district ng Leyte.

Pabiro niyang sambit, “Ang sabi ng kalaban kailangan ko daw ibalik yung mga proyektong naidala ko dun. Ang sabi ko kakalkalin [ko] ba yung mga kalye, yung mga tahi o surgery [ng mga tao] sa mga surgical mission bubuksan ko ulit ba yun?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Even in a bad situation, you can always take the high road naman, e,” pagtatapos pa ni Lucy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN