Nora Aunor and Gardo Versoza meet accidentally at Makati Medical Center lobby

Gardo on Nora’s eventual return to Never Say Goodbye set: “Excited ako sa pagbabalik-taping ni Ate Guy. Of course, thankful kami ni manager [Ivy] kina Direk Mac [Alejandre] at sa production team, sa pag-unawa nila sa amin; naging maganda ang pakikipag-usap nila.


Hindi inaasahan ang pagkikita kahapon, March 22, bandang 2 p.m., ng dalawa sa major cast ng TV5 teleseryeng Never Say Goodbye na sina Nora Aunor at Gardo Versoza.

Of all places, sa lobby pa ng Makati Medical Center nagkatagpo sina Ate Guy (palayaw ni Nora) at ang tinatawag niyang "Pare" na si Gardo, na kasama ang kasalukuyan nitong partner at lady manager na si Ivy Vicencio.

Na-confine ng isang buong magdamag si Gardo sa MMC, matapos niyang mag-taping ng Never Say Goodbye noong March 21.

Physical and mental stress ang binanggit ng aktor na sanhi ng kanyang pagkaka-ospital.

“Hindi overfatigue, pero nakaramdam ako ng pananamlay at panghihina,” sabi pa ni Gardo.

As for Ate Guy, finally, nakapagpa-check up siya bilang out-patient sa Makati Med sanhi ng malaon nang namamagang kanang paa.

Dakong tanghali kahapon ay sinamahan siya ng isa sa kanyang mabuting kaibigan na si Arlene Timog, part-owner ng Big Shift events place along Makati Ave., Makati City.

Very grateful si Ate Guy sa kaibigang si Arlene, na noong Thursday, March 21, ay nagpadala pa ng mga pagkain sa tinuluyang quarters ng Superstar at mga kasama nito sa DENR camp sa Aritao, Nueva Vizcaya.

Ito ang location site ng Ang Kuwento Ni Mabuti, ang bagong indie movie project ni Nora, sa direksiyon ni Mes de Guzman.

ATE GUY’S MEDICAL CONDITION. Napag-alaman sa check-up ng internal medicine specialist na si Dr. Noel L. Rosas na ang sanhi ng pamamaga ng kanang paa ni Ate Guy ay cellulite infection, o cellulitis.

Agad niresetahan ng doktor si Ate Guy ng pain relievers at pampahupa ng maga.

Nagtataka ang aktres kung bakit hindi nga raw humupa ang maga at nanatili ang kirot niyon, kahit mayroon siyang iniinom na gamot at makailang ulit nagpahilot, sa tinutuluyang condo unit at sa tinuluyang quarters nito sa Nueva Vizcaya.

Pinipilit mang tugunan ni Ate Guy ang lahat ng kanyang commitments, tulad ng ginawang pagdalo sa iba’t ibang awarding ceremonies kamakailan, hanggang sa pagpayag na magsimula ng shooting ng nasabing indie project, ay nahihirapan siya— dahil nga sa kirot at pamamaga ng kanang paa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayunpaman, propesyunal at handa si Ate Guy sa trabaho niya, kaya naging madali para sa kanya at kay Direk Mes ang mga unang kinunang eksena sa pelikulang Ang Kuwento Ni Mabuti.

Noong March 20 ng gabi at March 21 ng umaga, hanggang tanghali, kinunan ang mga unang eksena involving Ate Guy.

Noong Biyernes ng hapon, nagpaalam si Ate Guy sa kanyang direktor (Mes) at sa line producer nito, Rhea De Guzman, dahil hindi na talaga kaya ni Nora ang matinding sakit ng namamagang kanang paa.

Bumaba ng Maynila sina Ate Guy ang mga kasama, including Albert Sunga and Dondon Banez, her personal assistants and service vehicle staff, respectively.

Si Ama Quiambao, a staff of Cinelarga (Mes’ indie outfit), who was with Ate Guy’s group papuntang location ay naiwan na sa Aritao, para sa pagpapatuloy ng shoot (mga eksenang wala muna si Ate Guy ang kinunan).

ALL’S WELL FOR GARDO. Sa isang naunang panayam, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gardo V. at ibinalita nitong maayos na ang naging pakikipag-usap nila ng manager niyang si Ms. Ivy sa mga taga-production ng Never Say Goodbye.

Ito ay matapos magpahayag ng kanyang reklamo ang aktor, dahil sa naging "erratic" taping schedule niya, mula nang pansamantalang nag-leave of absence si Nora at nagpuntang U.S. para mag-renew ng kanyang green card.

“Productive naman ang meeting [namin] kahapon,” pag-inform ni Gardo sa PEP. That was last March 18.

“Base sa pag-uusap ay magkakaroon naman ng changes for the better, so that’s a sigh of relief, kahit papa’no di ba?

“Let’s wait and see,” ang natutuwang pahayag ni Gardo.

Lagi namang ipinaaabot ni Ate Guy ang concern niya sa aktor at kumpare, tuwing kukumustahin ito.

“Huwag ka’mo siyang mag-alala,” wika ni Ate Guy.

MUTUAL FONDNESS. Bilang magkaibigan, o parang tunay na magkapatid ang turingan, na-miss nina Nora at Gardo ang isa’t isa kaya nang di-sinasadyang magkita sa Makati Med ay pareho silang natuwa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binuhat pa ni Gardo si Ate Guy, habang yakap-yakap ito.

Sandali silang nagbalitaan ng mga kasalukuyang pangyayari, o kung bakit sila nagkita sa ospital, bago magbalik sa taping ng Never Say Goodbye that same afternoon si Gardo.

Si Ate Guy, naka-schedule naman ang pagbabalik-taping sa April 1, pagkatapos ng Semana Santa.

“Excited ako sa pagbabalik-taping ni Ate Guy,” sabi rin ni Gardo sa phone interview ng PEP, matapos ang pagkikitang iyon.

“Of course, thankful kami ni manager [Ivy] kina Direk Mac [Alejandre] at sa production team, sa pag-unawa nila sa amin; naging maganda ang pakikipag-usap nila.”

Bali-balita man ang hindi magandang sitwasyon sa NSG set involving other cast members, Gardo V. refuses to comment on them.

“Let’s work on the positive... para din sa maayos na pagbabalik ni Ate Guy, at pagre-reunite ng mga characters namin [as Dindo and Marta],” Gardo enthused further.

GOING BACK TO MABUTI SET. Meanwhile, nais ding mag-resume ni Nora ng kanyang shooting para sa Ang Kuwento Ni Mabuti, as soon as bumuti-buti ang kanyang pakiramdam.

“Oo naman. Hindi puwedeng hindi,” sabi niya.

Commitment niya sa TV5, bilang contract star, ang nasabing project.

At masaya daw si Ate Guy sa naging pakikipag-trabaho kay Direk Mes sa unang dalawang araw.

“Magaling si Direk [Mes]... parang hindi rin marunong magalit,” natutuwang pagtukoy pa ni Ate Guy.

Inabisuhan naman agad ng production nina Direk Mes ang TV5, who responded accordingly.

Wala pa nga lang ang Creative Head na si Perci Intalan (at press time ay nasa Hongkong, kaugnay ng Hongkong-Asia Film Financing Forum, para sa isa ring indie project, Barber’s Tales, ni Jun Lana; big winner sa HAF).

Kahapon (March 23) ay nakausap muli ng PEP sa telepono si Ms. Rhea De Guzman, ang line producer, at sinabi niyang stand-by muna sila, on the advice of TV5.

“So far, ang concern namin ay ang maging mas maayos ang pakiramdam ni Ate Guy,” ani Rhea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero hindi namin pinack-up ang shooting, dahil sayang, mawawala ang momentum ni Direk [Mes]; ganado siyang mag-trabaho pa rin.”

Sa set ay sandaling na-interview rin ng PEP si Direk Mes at positibo naman ang naging feedback niya, tungkol kay Ate Guy at happy siya sa ipinakitang performance ng aktres sa ilang eksena.

Aniya, “Hindi naman ako nag-e-expect na makuha siya [Nora], pero eto... masaya! Kasi sa TV5 nandu’n siya, contract star. Suwerte ko lang.”

Mula kahapon, nakapag-shoot daw sila ng mga "inserts"; ito ang mga eksenang wala muna ang lead character (Mabuti, played by Nora Aunor).

About 95% of the film’s scenes will have Nora, at ang remaining 5% ay ang mga eksenang wala siya, na kinukunan ngayon ng production team.

Scenes involving the kids and veterans, played by local actors (Nueva Vizcaya-based) who passed the auditions, tulad ng mga batang sina Trinity Aragon, Angela Ordinario, Kathleen Luales, Safron Ventura (as Nora’s grandchildren); at Josephine Estabillo, dating school principal (as Nora’s mother).

“Malungkot man ang lahat, dahil nag-"jumble-jumble" ang schedule, naiintindihan namin,” sabi rin ng line producer.

Bukod kay Direk Mes, ang iba pang miyembro ng cast, including Arnold Reyes at Mara Lopez (to play Nora’s grown-up kids); and Sue Prado (Nora’s mysterious acquaintance); at ng production team (for Cinelarga), tulad nina Albert Banzon (cinematographer) at Cesar Hernando (production design), among others, ay tinanggap ang proyekto dahil gusto daw nilang maka-trabaho si Nora Aunor.

“They feel its a privilege to be working with the Superstar,” sabi pa ni Ms. Rhea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN