Christian Bautista overwhelmed by warm welcome as new Kapuso

Pormal nang ipinaklilala bilang isang Kapuso ang singer na si Christian Bautista sa Party Pilipinaskahapon, March 24. Hindi mapagsidlan ang kasiyahan ni Christian sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Kapuso. Saad niya, “Ang sarap ng energy ng mga tao. Ang sarap ng energy ng mga fellow Kapuso. Na talagang wini-welcome ka at binabati ka… ang saya ng lahat. Ang sarap to perform on a stage na… ang laki pala! Para talagang concert stage


Sobra ang sayang naramdaman ni Christian Bautista nang opisyal na siyang i-welcome bilang isang Kapuso sa Party Pilipinas kahapon, Linggo, March 24.

Masigla siyang humarap sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at sa iba pang miyembro ng media na nag-interview sa kanya pagkatapos ng show.

“Ang sarap ng feeling!” bulalas ng balladeer.

“Ang sarap ng energy ng mga tao. Ang sarap ng energy ng mga fellow Kapuso.

“Na talagang wini-welcome ka at binabati ka… ang saya ng lahat.

“Ang sarap to perform on a stage na… ang laki pala! Para talagang concert stage dito.

“And to perform with Rachelle [Ann Go], parang nagsibalikan yung energy namin. Ang sarap to sing with her.

“I felt really yung warm na pag-welcome nila. Maraming-maraming salamat.”

Natutuwa rin daw si Christian na kahit ang audience na nanonood sa loob ng studio—kabilang na ang fans nila ni Rachelle na Shinians—ay mainit din ang pagtanggap sa kanya.

“It’s a good good feeling. It’s a nice warm feeling,” sabi niya.



REUNITED. Pagkatapos nga ng mahabang panahon ay muling nagkasama sina Christian at Rachelle sa entablado.

Si Rachelle ay ex-girlfriend ni Christian at dating kasamahan sa ASAP ng ABS-CBN, kung saan galing ang balladeer.

May mga nakapansin na parang kinikilig si Rachelle habang kinakanta nila sa Party Pilipinas ang “A Thousand Years.” Ano ang reaksiyon ni Christian dito?

“Ako rin, e. Kinikilig din ako!” sabay tawa niya.

“Ang sarap ng feeling to rehearse with her—and to sing with her.

“Parang gaya ng ginagawa namin dati. Bumalik ‘yon nung kumanta kami.

“And I’m very happy that I get to sing with her again.

“And nagulat ako, e, parang bumalik nga yung chemistry namin.

“Akala ko the usual lang, pero parang lumakas pa yung feelings when we do the song.”

Every Sunday kaya ay may aabangan na performance nila ni Rachel together sa Party Pilipinas?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Christian, “Well, depende, of course.

“Pero I would love to have more performances with her.

“Sana marami pa kaming gawing numbers together.”



ALREADY TAKEN. Nagkaroon sila ng relasyon ni Rachelle noon, at single ngayon ang female singer. Yun nga lang, si Christian ay hindi.

“Actually, usually hindi itinatanong sa akin. Pero hindi po ako single ngayon!” sabay tawa na naman ni Christian.

May girlfriend ngayon si Christian sa katauhan ng actress-radio DJ na si Carla Dunareanu.

“Pero usually, hindi siya napag-uusapan. May memo na huwag siyang pag-usapan!” natatawang biro niya.



TELESERYE. Malamang daw na gumawa rin ng teleserye si Christian sa GMA-7. Gusto niya bang makasama rito si Rachelle?

“Kung maganda yung teleserye, yung writing ng script, kung bagay na hindi pilit, at kung maganda yung istorya, why not?”

Sino pang Kapuso actress ang gugustuhin niyang makasama in case matuloy nga ang pagkakaroon niya ng teleserye?

“Ang dami, e… kasi po, mas singer po kasi ako.

“I’ve acted a little bit, pero ngayon pa lang po ako magsiseryoso.

“I would love to act with sina Marian [Rivera]… sina Heart [Evangelista]. And I’m excited kung sino ang babagay talaga.

“And I would like to work with Dingdong [Dantes] as well… and Rafael [Rosell]

“And maybe a musical din with… sina Mark [Bautista] and Rachelle.

May mga nanghihinayang na wala si Mark sa Party Pilipinas nang i-welcome si Christian kahapon. Tatlo sana sila ni Rachelle na nagkasama-sama ulit gaya nung nasa ABS-CBN pa sila.

Pero sabi ni Christian, “Nag-message si Mark sa akin the other day.

“Kahit si Sir Ogie [Alcasid], nag-message din.

“Kahit si Sir Gary [Valenciano], nag-tweet sa akin ngayon na, ‘God bless you.’”

Dating kasamahan ni Christian si Gary sa ASAP.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN