Rachelle Ann Go on Christian Bautista’s entry to Party Pilipinas: “Bigla akong nagkaroon ng loveteam!”

Masaya si Rachelle Ann Go na muli sila magkakasama sa isang show ng dati niyang boyfriend na si Christian Bautista. Dating magkasama ang dalawa sa ASAP ng ABS-CBN, at ngayong lumipat na si Christian sa GMA-7 ay kasama na siya ni Rachelle sa Party Pilipinas.


Isa si Rachelle Ann Go sa mga Kapuso stars na nanguna sa pag-welcome kay Christian Bautista sa Party Pilipinas kahapon, Sunday, March 24.

Nagkaroon pa nga sila ng production number na parehong ikina-excite ng dalawa.

“Siyempre, masaya ako na Kapuso na rin si Christian,” sabi ni Rachelle nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media na naroon sa lobby ng new building ng GMA 7.

“Ako, talagang matagal ko na siyang hindi nakakasama… nakaka-duet.

“At ngayon siyempre, linggu-linggo na kaming mapapanood sa Party Pilipinas.

“And I’m very excited. Oo, sa mga future projects na puwedeng magkasama rin kami.”

Kuwento pa niya, “Bago ang pag-welcome sa kanya dito sa Party Pilipinas, nagkita na kami.

“Meron kasi kaming isang show this week kaya nagkausap kami.”

Sobrang na-excite daw si Christian to be singing with Rachelle again. At gano’n din naman daw ang female singer.

Bukod sa pagiging dati nilang magkasintahan, magkasama rin noon sa ASAP ng ABS-CBN sina Rachelle at Christian.

Sabi niya, “Yung ginawa naming prod number, sobrang ang sarap lang.

“Kasi nag-enjoy kami, alam mo ‘yon?

“Although siyempre, kinakabahan kami, pero mas nangibabaw yung tuwa.”



TOGETHER AGAIN. Ngayong every week na silang magkakasama sa Party Pilipinas, hindi malayong ma-link ulit sila sa isa’t isa. Lalo at alam naman ng lahat na nagkaroon nga sila ng relasyon dati.

“Oo nga, e. Parang kanina nga, e. Nagri-rehearse pa lang kami, tinutukso na kami.

“Sabi ko, ‘Ano kami, mga bagets?’

“Bigla akong nagkaroon ng loveteam!” sabay tawa niya.

“Pero ano lang naman… nakakatuwa.

“Kasi kumbaga, yung suporta ng mga tao, nandun pa rin sa aming dalawa.

“So, masaya. Masaya.”

Hindi kaya magkabalikan nga sila? Kahit pa may girlfriend ngayon si Christian?

“Hindi. Naku, Diyos ko!” bulalas ni Rachelle.

“Masaya na sila at saka masaya na rin ako, oo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Trabaho lang, trabaho.”

Gusto raw ni Christian na magkaroon ng teleserye at musical na kasama siya. Ano ang reaksiyon niya rito?

“Nabanggit nga niya. And… oo, maganda. Magandang idea ‘yon. Sana matuloy!

“Actually, nakaka-excite ‘yon. Bakit hindi? Masaya ‘yon.”

Bago ba ang paglipat ni Christian sa GMA-7, nagkausap o nasabi sa kanya nito na magiging Kapuso na nga siya?

“Siyempre, kumbaga, magkaibigan pa rin naman kami hanggang ngayon.

“So nagbabalitaan kami ng mga bagay-bagay. Nagkausap kami before siya napunta na rito.”



JOHN & ISABEL. Nangiti si Rachelle nang mapunta ang paksa ng interview tungkol kay Isabel Oli, na girlfriend ngayon ng naging ex-boyfriend din niyang si John Prats.

Nagkakausap ba sila ni Isabel?

“Hindi pa kami ulit nakakapag-usap at nagkakasalubong dito sa Party Pilipinas,” sagot ni Rachelle.

Nag-iiwasan ba sila?

“Hindi naman. Wala namang dahilan para mag-iwasan kami. Friends naman kami, e.”

Hindi ba naapektuhan ang pagkakaibigan nila ni Isabel dahil dito?

Sagot niya, “Naku, alam n’yo, tapos na ‘yan, e.

“Kumbaga, kung ano man ‘yon, ako… tapos na ‘yang chapter na ‘yan ng buhay ko.

“Siya [Isabel], bilang kaibigan ko, masaya siya, di ba? So, ‘yon!”

Hindi pa rin sila nagkakausap ni John?

“Hindi. And huwag na nating… kasi masaya naman ako ngayon and masaya rin sila.

“So hayaan na nating ganyan.

“I’m happy. Wala na akong ano… diyan,” nakangiting sabi ni Rachelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN