Angelika dela Cruz asks husband Orion Casareo two more years for next baby

Maraming dahilan kung bakit gusto na ni Angelika dela Cruz na masundan ang anak na si Gab. Aniya: “Gusto ko na rin na may bagong baby na inaalagaan… At least, yung matagal nang hiling ng mister ko ay natupad.”


Humihiling si Angelika dela Cruz ng dalawang taon pa sa kanyang mister na si Orion Casareo bago nila sundan ang kanilang four-year-old son na si Gabby.

Natatawang ikinuwento ni Angelika sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na matagal na siyang kinukulit ng kanyang mister na magkaroon na sila ng isa pang baby.

Pero parati nga lang daw ito napagpapaliban.

Saad ng Kapuso actress, “Gusto na ng mister ko na magkaroon na ng kapatid si Gabby.

“Malaki na raw ito at time na raw na magkaroon na ulit kami ng baby.

“Ako naman kasi, parati kong sinasabi na next year, next year. Kaya inabot na kami ng 2013.

“Kaya kino-corner na ako ng mister ko. Kailangan daw magbuntis na ako.

"Demanding, di ba?” sabay tawa ni Angelika nang makapanayam ng PEP sa GMA Network Center.



SECOND BABY. Kaya ipinangako ni Angelika na pagkatapos ng ginagawa niyang primetime series sa GMA-7, ang Mundo Mo’y Akin, ay paplanuhin na nilang mag-asawa ang pagkakaroon ng second baby.

Sabi niya, “Tapusin ko lang lahat ng mga trabahong nasimulan ko at ang baby na ang magiging next project ko.

“Siguro nga it’s about time na. Malaki na nga si Gab tapos hindi na tayo bumabata pa.

“Gusto ko na rin na may bagong baby na inaalagaan. Kaya huling hirit ko na bigyan pa ako ng two years pa.

“Ngayon, kung bigla tayong mabuntis in a year’s time, okay lang iyon.

“At least, yung matagal nang hiling ng mister ko ay natupad,” ngiti pa niya.



POLITICS. Kaya ang anumang political plans ni Angelika sana ay hindi na muna matutuloy.

Matagal na ring plano ni Angelika na tumakbo for councilor sa bayan ng Malabon. Pero lagi nga itong hindi natutuloy dahil naging priority nga niya ang trabaho sa showbiz.

“Noon pa naman ako inuudyok na tumakbo bilang konsehal. Kaso laging hindi natutuloy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nandiyan yung kinasal ako, nabuntis ako. Tapos, nagkasunud-sunod ang TV projects natin.

“Kaya noong tumakbo nga ang kapatid kong si Edward, okay na iyon, e. At least may representative na ang family namin.

“Kaso biglang may nangyaring hindi maganda sa kapatid ko kaya inalok na naman nila akong tumakbo bilang konsehal.”

Sumakabilang-buhay ang kapatid ni Angelika na si Edward sa isang vehicular accident sa Pampanga noong June 2010.

Kakapanalo pa lang ni Edward bilang konsehal a month before ito nasawi sa aksidente.

Patuloy ni Angelika, “Kinu-consider ko pa rin naman ‘yan.

"Mahal ko ang Malabon at lahat ng puwede naming maitulong sa mga taga-Malabon ay ibinibigay namin.

“Pero dahil nga nasa plano nga naming mag-asawa na magkaroon ulit ng baby, mukhang hindi ko muna magiging priority ang politics.

“Pero yung pagtulong ay walang problema.

“Kilala naman nila ang pamilya namin… Basta humingi sa amin ng tulong, pagsisikapan naming ibigay.”



TRIATHLON. Habang hindi pa nabubuntis si Angelika ay naging abala rin ito sa triathlon, kung saan nanalo siyang first place sa isang event kamakailan.

Kuwento niya, “Mahirap siya, kasi tatlo ang gagawin mo throughout the race—swim, bike, run.

“Akala ko hindi ko kakayanin, pero nagulat pati mister ko kasi nag-first place ako.

“Magandang workout sa akin dahil lahat ng parte ng katawan mo ay nagagamit.

“Unlike kapag nasa gym ka lang, limited ang mga nagagawa mo.

“Sa triathlon, talagang all-out. Hulas kung hulas ang ganda mo sa pagod!

“Pero masarap because you really stay fit.

“Ine-enjoy ko ito ngayon dahil kapag nagbuntis na ako, goodbye figure!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN