Sunshine Cruz "reunites" with husband Cesar Montano for their daughters’ graduation

“Graduation ng kids kaya full force ang parents syempre,” explains Sunshine Cruz on her Instagram account about the photo with her three daughters and husband Cesar Montano.


Isang happy family ang makikita sa larawang in-upload ni Sunshine Cruz sa kanyang personal account sa Instagram (@sunshinecruz77) kaninang umaga, March 25.

“We are proud parents to our tres marias! :),” ang inilagay pang caption ni Sunshine.

Sa kabila ng desisyon kamakailan ni Sunshine na humiwalay sa kanyang asawa, makikita sa isa sa mga larawan sa photo collage na kanyang nai-post na kasama niya ang kanyang tatlong anak na babae at ang asawang si Cesar Montano.

Bagamat may hindi pagkakaunawaan, sinabi ni Sunshine sa comments na parehong supportive pa rin sila ni Cesar sa kanilang mga anak.

“Graduation ng kids kaya full force ang parents syempre,” sabi ni Sunshine sa kanyang followers.

Pinasalamatan pa ni Sunshine si Cesar sa post niya sa kanyang Facebook.

"He has always been there for our kids and that’s one thing I cant deny. Thanks Buboy!" nakalagay sa Facebook wall ni Sunshine kunsaan naka-upload din ang Instagram photo na kasama ni Cesar ang tatlong anak na babae nila ni Sunshine.

Sa huling panayam ng PEP.ph (Philppine Entertainment Portal) kay Sunshine, sinabi ng 35-year-old actress na, “I’m a single mom now.”

Gayunman, sinabi niya na sigurado naman siya na hindi mawawala ang suporta ng kanyang asawang si Cesar sa kanilang mga anak.

“Knowing him na mahal niya ang mga anak niya, I believe naman na nandun pa rin ang kanyang one hundred percent na suporta.”

(CLICK HERE to read related article.)

Matatandaan na nagsimula ang panibagong problema sa pagitan ng mag-asawang Sunshine at Cesar nang maugnay ang huli sa starlet na si Krista Miller.

Nalaman ng publiko ang tungkol dito nang sunud-sunod na nag-post si Sunshine sa Instagram ng mga larawan at mensahe tungkol sa baguhang artista.

(CLICK HERE to read related article.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN