Rocco Nacino "trying to reconnect again" with ex-girlfriend Sheena Halili

Bagamat mas close sila ngayon ni Lovi Poe, inamin ni Rocco Nacino na mas malalim ang naging samahan nila ng kanyang ex-girlfriend na si Sheena Halili. Aniya, “Oo naman, kasi matagal kaming naging espesyal sa isa’t isa [ni Sheena], e, almost two years. Yun talaga, hindi mo basta-basta mapapakawalan yun.”


Simula nang pumasok sa showbiz ang GMA Artist Center talent na si Rocco Nacino, naging ugali na niya ang mag-share ng blessings sa mga bata bilang bahagi ng selebrasyon ng kanyang kaarawan tuwing Marso 21.

Last March 23 ay muli siyang nagpasaya ng mga batang may sakit mula sa Cancer Warriors Foundation nang magpa-party siya para sa kanyang ika-26 kaarawan sa McDonald’s sa Rockwell Power Plant Mall.

Present din sa party ang family ni Rocco at ilang loyal fans niya.

Kasama ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ilang imbitadong press, at natural lang na itanong kay Rocco ang kanyang birthday wish.

“Good health, of course. Gumanda pa yung relationship namin sa family ko. Of course, good career,” sabi niya.

Ang lovelife ba, kasama rin sa wish niya?

“Puwede, puwede, sana. Siguro in time, siguro tamang time na ma-in love.”



RECONNECTING WITH SHEENA. Single ulit si Rocco pagkatapos nilang mag-break ni Sheena Halili. Pero nagkakausap pa rin ba sila ni Sheena?

“We haven’t talked for a long time. Pero I’m trying to reconnect again. Tine-text ko siya minsan,” sagot ni Rocco.

Sumasagot naman ba si Sheena sa text niya?

“Sumasagot naman siya.”

Binati ba siya nito noong birthday niya?

“Hindi, e, pero okay lang.”

Wala na ba talagang pag-asang magkabalikan? Phase lang ba ito sa relationship nila?

“That I still have to find out. Yeah, why not, reconnect and let’s just see if this is a phase in the relationship.”

So, tuluy-tuloy pa rin ba ang panunuyo niya kay Sheena?

“Oo, gusto ko rin naman. Pero ano naman… ang gusto ko lang maging mabuti kaming magkaibigan ulit.”



LOVI POE. Ayaw pa ring magbigay ng detalye ni Rocco tungkol sa breakup nila ni Sheena.

Pero pinabulaanan niya ang lumabas na isyu na diumano’y naging third party si Lovi Poe, ang leading lady niya dati sa GMA-7 afternoon series na Yesterday’s Bride. Magkaibigan lang daw talaga sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Never ba silang na-develop sa isa’t isa ni Lovi?

“We’re enjoying what we have,” sagot niya.

“Okay itong nangyayari sa amin. We’re starting off as good friends.

“Mas deep na yung relationship namin and we’re enjoying each other’s company.

“Ine-enjoy lang namin kung ano ang nangyayari ngayon.

“She’s really a good friend.”

Pero masasabi niya ba na mas mataas ang level ng pagtingin at pagpapahalaga niya kay Sheena kaysa kay Lovi?

“Oo naman, kasi matagal kaming naging espesyal sa isa’t isa [ni Sheena], e, almost two years.

“Yun talaga, hindi mo basta-basta mapapakawalan yun.”



NO TIME TO DATE. Nakikipag-date na ba siya sa iba?

Sagot ni Rocco, “I’m not, I’m not dating anyone.

“I have no time to date. I would love to date, pero wala akong oras e.

“I have to focus sa mga upcoming projects ko.”

Busy nga si Rocco sa kanyang career.

Matapos ang Yesterday’s Bride, napapanood siya ngayon sa Bayan Ko sa GMA News TV.

Regular din siyang nagpe-perform tuwing Linggo sa Party Pilipinas.

Nakatakda pa siyang pumasok bilang dagdag na karakter sa afternoon series na Unforgettable, na pinagbibidahan nina Kylie Padilla at Mark Herras.

Kasama rin siya sa cast ng pelikulang My Lady Boss with Richard Gutierrez at Marian Rivera. May gagawin pa siyang indie movie na Ibong Adarna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN