Boy Abunda on Kris Aquino’s resignation: "Kailangan niyang magtrabaho, pero iginagalang ko ang kanyang resignation."

Ito ang pahayag ni Boy Abunda tungkol sa kaibigan niyang si Kris Aquino: “Ang hirap ng pinagdadaanan ni Kris… sana prayer. Alam ninyo yung dasal... sana’y matapos na ito. Sana’y mangibabaw ang hustisya. Sana’y mangibabaw ang katotohanan because there is a child involved. ‘Yan po ang aking dasal. But I stand by my friend. I stand by my friendship with Kris Aquino."


Hindi makapagbigay ng statement ang talk show host na si Boy Abunda sa kinasasangkutang isyu ng mag-asawang Kris Aquino at James Yap.

Nasa korte na raw kasi ang naturang usapin at may gag order na para sa magkabilang kampo.

Si Boy ay malapit na kaibigan at business manager din ni Kris. Sa bahay niya ginawa ang civil wedding ceremony nina Kris at James noong July 10, 2005.

Ano ang reaksiyon niya sa pagku-quit diumano ni Kris sa kanyang TV career para maalagaan nang husto ang kanyang mga anak?

“’Yan ay ano… may statement ang ABS,” pagtukoy ni Boy sa inilabas na statement ng ABS-CBN tungkol sa announcement ni Kris na magre-resign na siya sa lahat ng kanyang mga programa.

Ngunit ayon sa ABS-CBN, tatapusin ni Kris ang kanyang commitments sa tatlo niyang programa: Kris TV, Kailangan Ko’y Ikaw, at Pilipinas Got Talent.

(CLICK HERE to read related story.)

Bilang kaibigan at manager ni Kris, ano ang reaksiyon ni Boy?

“Siyempre, nalulungkot…

“Ganito lang ‘yan—nalulungkot pero iginagalang ko ang kanyang desisyon.

“Ang dami kasing gusto kong sabihin, pero hindi puwede dahil pangungunahan natin ang lahat.

“I don’t know… hindi ko alam na sasabihin niya yun [pagre-resign] nung siya’y magsalita.

“Was I surprised? Hindi masyado dahil I get the point na kahit anupang…

"Whatever the discourse, whatever the conversation is, naiintindihan ko that nothing will be more important than our families. Not even our careers.

“Alam mo yun, naiintindihan ko yun—ikaw, ako—na napag-usapan ang anak, nanay, tatay.

“May mga bagay na mas importante sa pagiging artista, minsan sa trabaho natin, di ba?

“There is a time that we go back to basics and I understand that.

“Of course, I’m sad, you know, but I think she needs… ang interpretation ko lang, she needs the time.

“But for how long is that resignation, that we don’t know.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“What she is trying to say is ‘I need time with my children.’ Ganoon na lang yun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Boy habang may commercial break ang programa niyang The Buzz sa ABS-CBN kahapon, March 24.

Hindi ba sila nag-usap ni Kris bago ito nagbakasyon sa Paris kasama ang dalawa niyang anak?

Sabi ni Boy, “Alam mo naman ‘yang si Kris, araw-araw, minu-minuto… heto nga, kate-text lang.

“Pero yung resignation niya, hindi namin napag-usapan.”

Nabigla ba siya sa desisyon ni Kris?

“May konti,” sagot niya.



STANDING BY KRIS. Nagsalita rin si Boy sa The Buzz hinggil sa isyung ito.

Aniya, “Ang dami na pala naming pinagdaanan sa aming buhay.

“Ang hirap ng pinagdadaanan ni Kris… sana prayer. Alam ninyo yung dasal... sana’y matapos na ito.

“Sana’y mangibabaw ang hustisya.

“Sana’y mangibabaw ang katotohanan because there is a child involved. ‘Yan po ang aking dasal.

“But I stand by my friend. I stand by my friendship with Kris Aquino.

“Yun pong sinasabi niyang mga endorsements, mga kaibigan…

“Yung sinasabi niyang resignation niya sa ABS-CBN 2 ay pag-uusapan po ‘yan nang masinsinan with the management.

“Antayin natin si Kris, hoping na pagkatapos ng bakasyon ay makapag-isip ang lahat.

“Pero tumawag sa akin ang mga taga-Nestle, Maggi, Filinvest, Fiesta, at iba pang mga endorsements ni Kris.

“Ang tanong namin sa kanila, ‘Oo, nangyayari ito, she’s in the middle of this controversy, but do you still want her?’

“Wala hong nagsabing hindi.

“At ang sabi ko kay Kris—hindi niya alam na sasabihin ko ito—she has to continue to work dahil she has to support her two children.

“Kailangan niyang magtrabaho, pero iginagalang ko ang kanyang resignation.

“Wala po akong kaide-idea sa kanyang ginawa.

“Bumigay po ako nung nagpapa-interbyu sa TV Patrol si Kris kasama ang kanyang mga kapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana’y mabilis matapos ito, sana’y maayos dahil isang inosenteng bata ang involved.”

Sa huling panayam kay Kris, sinabi niyang tatapusin niya ang commitment na natanguan niya sa seryeng Kailangan Ko’y Ikaw, na may four to five taping days na lang ang natitira, pagbalik niya.

Ang Pilipinas Got Talent naman ay may live quarterfinals pagbalik niya. Kailangan niyang tapusin ito dahil foreign franchise ito at strict ang rules.

Mauunang isasakripisyo ni Kris ay ang daily morning show niyang Kris TV. Ito diumano ang puwedeng pinakaunang show na bibitawan niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN