Senator Lito Lapid wants to go back to showbiz after retiring from politics

Matagal na raw may offer kay Senator Lito Lapid na gumawa ng teleserye, pero may kinalaman daw ang yumaong Action King kung bakit hindi niya ito tinatanggap. Kuwento niya, "Matagal nang may nag-aalok sa akin. Kaso noong araw, kami ni FPJ... lahat ng action star nag-TV na lahat, kami na lang ni FPJ ang hindi. Sinasabi ni FPJ, ’Sige, tatanggapin ko yung offer n’yo, pero kausapin n’yo muna si Lito. Pag ’yan tinanggap, tatanggapin ko rin ’yan.&a


Ngayong hapon, March 25, na ang paglabas ni Senador Lito Lapid sa Little Champ, ang bagong teleserye ng ABS-CBN.

Noong nakaraang Lunes, March 18, pa nagsimula ang palabas, ngunit ngayon lamang lalabas ang karakter ng action star turned politician bilang Amang Leon, isang barangay captain na magtatanggol sa bidang bata at ang kaibigan niyang kabayo.

Nakaharap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Lito noong Biyernes, March 22, sa press launch ng Little Champ sa ELJ Building ng ABS-CBN sa Quezon City.

Sa open forum ng nasabing presscon ay ipinahayag ng senador na masayang-masaya siya at nakatanggap ng offer para maging cast ng Little Champ.

Ito ang unang paglabas ng action star sa isang teleserye.

Paliwanag niya, matagal na niyang gustong sumali sa ganito, ngunit lagi niyang tinatanggihan ang offer dahil sa yumaong Action King na si Fernando Poe, Jr.

"Matagal nang may nag-aalok sa akin. Kaso noong araw, kami ni FPJ... lahat ng action star nag-TV na lahat, kami na lang ni FPJ ang hindi.

"Sinasabi ni FPJ, ’Sige, tatanggapin ko yung offer n’yo, pero kausapin n’yo muna si Lito. Pag ’yan tinanggap, tatanggapin ko rin ’yan.’

"Ganyan din ako.

"Ino-offer-an din ako nung araw, sinasabi ko rin sa kanya, pag tumanggap na si FPJ, tatanggap din ako.

"E, ngayon, wala na siya, kailangan ko nang magdesisyon. Siguro, oo na," kuwento niya.

NOT USED TO DRAMA. Dagdag pa ni Lito, naninibago siya sa pagganap sa Little Champ.

Bukod sa matagal na siyang hindi umaarte dahil sa trabaho sa Senado, hindi rin siya sanay sa pagda-drama.

"Drama po talaga ito. Hinaluan ng action, dahil sa may kabayo.

"Sabi ko nga kay Direk, ’Patalunin mo na ako, pasakayin mo na ako sa kabayo, ’wag mo na lang ako paiyakin.’

"Piniga ako ni Direk. Pagod na pagod ako.

"Sabi ko, nakakapagod pala ang drama kaysa sa action," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagpapatuloy ni Lito, tila hindi raw kasi bagay sa kanya ang pag-iiyak.

"Kasi nga, nakikita ko, parang si Rudy Fernandez, FPJ, parang matitigas na action star, tapos pinapaiyak mo.

"Pero ako, ginawa ko yun para po sa teleseryeng ito, para naman mapatunayan ko, na artista rin ako at hindi lang action star," sabi ng senador.

Gayunpaman, masaya si Sen. Lapid dahil sa may mga action scenes pa rin sa Little Champ.

Aminado siyang medyo hirap na siya sa ganito dahil sa kanyang edad, ngunit kaya pa naman niya dahil sanay ang kanyang katawan.

"Pinipilit na lang," ang unang biro ng 57-year-old actor-politician.

"Hindi naman ako tumitigil mag-ensayo, dahil lagi akong nahihintay dahil dito ako nabuhay.

"Dito ko binuhay yung pamilya ko sa showbiz, kaya kahit naging senador ako, hinahanap-hanap ko pa rin."

BACK TO SHOWBIZ. At kung tangkilikin ng tao ang pag-arte ni Lito sa show ay balak niyang ituloy ang pagbabalik-showbiz. Kasama na rito ang paglabas sa pelikula, at pagpo-produce ng sariling mga palabas.

"Kasi, parang retirement ko na ito kasi nakadalawang beses na ako sa Senado at hanggang 2016 na lang yung term ko.

"Sana makabalik din ako. Sana ibalik ako sa pelikula," asam niya.

Siniguro rin ni Lito na hindi makakasagabal sa kanyang trabaho sa pulitika ang paglabas sa telebisyon.

"Nag-uusap naman po kami sa scheduling.

"Sasabihin namin, ’Mula Lunes hanggang sa araw na ito, ako po’y may pasok. Ito yung bakante ko, Sabado, Linggo.’

"Walang time limit ako, kahit 24 oras, open na open ako," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN