Julie Anne San Jose’s debut album reaches Triple Platinum; says she and Lauren Young are "okey na okey talaga kami"

Umabot na sa Triple Platinum ang self-titled debut album ni Julie Anne San Jose, kaya naman tuwang-tuwa ang Kapuso singer-actress sa milestone na ito sa kanyang career. Sabi ni Julie Anne, “Sobrang unexpected po talaga na magiging Triple Platinum. Kasi, parang akala ko, tapos na ‘yon sa hanggang Double Platinum. Tapos may surprise pala na magti-Triple Platinum siya.


Hindi raw akalain ni Julie Anne San Jose na aabot hanggang Triple Platinum ang kanyang first self-titled album.

Masaya na raw siya noong nag-Platinum at umabot ito sa Double Platinum.

“Sobrang unexpected po talaga na magiging Triple Platinum,” aniya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Enetrtainment Portal) sa Party Pilipinas last Sunday, March 24.

“Kasi, parang akala ko, tapos na ‘yon sa hanggang Double Platinum.

“Tapos may surprise pala na magti-Triple Platinum siya.

“Kaya sobrang thankful ako kay Lord sa lahat ng mga blessings na ibinibigay Niya sa akin.

“At saka siyempre, thankful din ako sa family ko—sa pagsuporta nila sa akin, sa pagmamahal nila.

“I’ll be forever grateful for it.

“And of course, sa mga supporters ko, sa lahat ng mga fans na walang sawang nandiyan para sa akin palagi.

“Sobrang overwhelming lang ang feeling talaga—masarap, nakakataba ng puso.”

Hindi rin malayong maging Quadruple Platinum pa ang album niya…

“Hindi ko po alam. Siguro po kung will po ni Lord na maging quadruple,” sabay ngiting sabi ni Julie Anne.

WISH GRANTED. Hit sa airwaves ang mga kanta niya. Lalo na ang “I’ll be There” at “O Bakit Ngayon,” na ginawapang theme songs ng mga Koreanovela ng GMA-7 kaya ang lakas ng recall sa publiko at paboritong kantahin din ng marami.

“Oo nga po, e.

“Sobrang nakakatuwa po talaga.

“Kasi, before, ako yung nakikinig ng mga songs ng mga idols ko. Tapos ako pa ang nagri-render ng mga songs na kinanta nila.

“And then, ngayon, yung sa akin naman ang kinakanta.

“So parang… ang sarap lang talaga ng feeling.

“Kasi, parang wini-wish ko lang ito dati na mangyari. Tapos, eto na nga. Kaya sobrang nakaka-touch lang talaga and nakakatuwa.”

Sa malaking tagumpay ng kanyang unang album, tiyak na agad-agad ay magkakaroon na siya ng pangalawa.

“Opo, winu-work out na po sa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos aside from that, magkakaroon din po ako ng mga concerts dito sa Manila.

“Tentative pa po kung kailan, pero… soon!

“And then sa May 25 po, nasa L.A. [Los Angeles] ako. Magku-concert po ako.

“Tapos siyempre, magkakaroon ako ng mga radio tour. Imi-meet ko rin ang mga supporters ko doon.

“First time na magku-concert po ako sa ibang bansa.

“And sana, after po nun, tuluy-tuloy na. Maging concert tour na siya.

“Sobrang nai-excite po ako talaga,” sabay ngiti ulit niya.

DEDICATED TO... Yung malaking success ng kanyang album, wala ba siyang someone special na paghahandugan nito?

“Po?” natawang tanong ni Julie Anne.

“Idini-dedicate ko po ito, siyempre sa pamilya ko.

“Kasi ano, e, sila yung nandiyan palagi para sa akin talaga.

“Through thick and thin, during my ups and downs, nandiyan sila palagi. They’re always there to support me.

“At saka… kasi before, ayaw talaga nila akong mag-showbiz dahil maintriga raw, ganyan-ganyan.

“Pero nasanay na sila.

“At saka ako naman, na-proved ko na rin naman yung sarili ko na kailangan, tatapusin ko ang pag-aaral ko habang nag-aartista ako.

“Okey naman. Nasunod ko yung deal namin na hindi ko pababayaan ang pag-aaral ko.

“Sa susunod na pasukan, third year college na ako.

“Kaya lang, irregular, kasi nag-stop ako ng isang sem. So mga isang taon at kalahati pa bago ako maka-graduate.”

Sa Angelicum College nag-aaral si Julie Anne. Communication Arts ang kursong kinukuha niya.



LAUREN YOUNG. Si Lauren Young, na rumored girlfriend ng ka-loveteam niyang si Elmo Magalona, ay isa nang Kapuso. Kaya hindi maiwasan na lalong maintriga silang dalawa.

Ano ang masasabi ni Julie Anne dito?

“Naku!” napahalakhak na reaksiyon ng young singer.

“Sobrang okay kami ni Lauren. Actually, binigyan nga niya ako ng make-up, e.

“Basta parang ano lang… sobrang nakakatuwa lang kasi okey talaga kami.

“At saka, alam mo ‘yon? Kahit parang may mga issues din or intrigues, ganyan, parang wala naman sa amin talaga ‘yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi okey na okey talaga kami.”

So sa mga fans lang talaga ang problema?

“Hindi naman po natin maiiwasan talaga ‘yon, siyempre, di ba?

“At saka hindi rin naman po natin hawak yung mga pag-iisip ng ibang tao.

“Kaya kung ano po yung nakikita nila sa amin, totoo po ‘yon.”

Sa palagay niya, makakaapekto ba yung napapabalitang relasyon nina Lauren at Elmo sa loveteam nila ng young actor?

“Uhm… I don’t think it will affect,” sagot ni Julie Anne.

“Kasi ano naman po, e… as individual artist naman po kami.

“Kumbaga, parang bonus na lang po yung loveteam.

“At saka we’re working as professionals talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN