Sunshine Dizon sells homes in White Plains and Valle Verde after deciding to settle in Guagua, Pampanga

Mabigat na desisyon ang ginawa ni Sunshine Dizon na maging full-time mom, pero nakapag-aral pa rin siya. Sabi niya, “I just got my certificate as a licensed cook. Kaya puwede na akong mag-work sa kahit na anong restaurant. Next naman ang pagiging chef.”


Malaki na ang nabago sa buhay ni Sunshine Dizon buhat nang naging full-time mommy siya.

Noong ikinasal siya sa kanyang mister na si Timothy Tan noong March 20, 2010, ipinangako ni Sunshine na magiging priority niya ang kanyang pamilya kahit na balikan pa niya ang pag-aartista.

Saad niya, “I made that promise to my husband and I have been true to that up to this day.

“Sabi ko nga, e, malaking sakripisyo ang ginawa ko.

“Alam ko na maraming mawawala sa akin once na mag-asawa ako at magkaroon ng anak.

“But I know that God made this plan for my life. Hindi ko puwedeng tanggihan pa ito.

“The right man came into my life and we have two beautiful kids…

“Doreen Isabel is turning two years old in April and Ton-Ton naman will be one year old in June.

“Kaya parang ang sarap na ng buhay natin ngayon—kumpleto na at wala ka nang mahihiling pa.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sunshine sa set ng GMA-7 primetime series na Mundo Mo’y Akin.


MOMMY’S WORDS. Nang maging ina na rin si Sunshine, doon niya naalala ang lahat ng pangaral sa kanya ng kanyang sariling ina na si Dorothy Laforteza.

Kuwento ng aktres, “Tama nga si Mommy. Ngayon ko nga lang na-appreciate yung mga pangaral niya sa akin.

“Everyone knows naman na may mga nagiging tampuhan kami ni Mommy.

“Yung mother-daughter relationship namin ay dumaan sa maraming pagsubok.

“But now, I understand yung mga sinasabi niya sa akin na paulit-ulit.

“Lagi niyang sinasabi na kapag nagkaroon na ako ng anak, doon ko raw malalaman ang hirap ng isang magulang.

“Gagawin mo raw ang lahat para sa anak mo, which is true talaga.

“Yung pagiging mother ko, instinct na yung maprotektahan sila parati.

“Kaya ngayon ko nga nare-recall yung mga pangaral sa akin ni Mommy. Hindi lang pala siya nag-iingay—she was always protecting me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya, thank you kay Mommy. I said that to her so many times, ever since, na naging mommy na ako,” ngiti pa ni Sunshine.

BACK TO SCHOOL. Bukod sa taping niya ng Mundo Mo’y Akin, tuloy rin ang pag-aaral ni Sunshine ng kanyang culinary arts studies.

Sabi ni Sunshine, “That’s why GMA-7 is very understanding sa schedules ko. They know that I also attend my culinary classes.

“I just got my certificate as a licensed cook. Kaya puwede na akong mag-work sa kahit na anong restaurant.

“Next naman ang pagiging chef. Medyo mahabang proseso pa iyon but I am determined to get there soon.

“Siyempre, tuluy-tuloy lang ang pag-aaral ko habang nagtatrabaho ako and taking care of my family… time management lang naman lahat.

“Si Tim naman, he sometimes takes care of the kids kapag hindi siya abala masyado sa trucking business namin sa Guagua.”



NEW BUSINESS. Ayon kay Sunshine, tumigil muna ang mister niya sa trabaho nito bilang piloto ng Cebu Pacific dahil sa itinayo nilang business sa Pampanga.

“Hindi na muna siya nagpipiloto dahil inasikaso namin ang business sa Guagua.

“But he is still a licensed pilot. He can fly yung mga small planes lang, but hindi na yung mga commercial airlines like he was doing before with Cebu Pacific.

“But he might go back din. Magte-test lang ulit siya and he will wait for his license.

“Medyo matagal din iyon but, at least, may negosyo naman kaming inaasikaso rin.”



NEW LIFESTYLE. Inamin din ni Sunshine na ibinenta na nila ng kanyang mommy ang lahat ng properties nila sa Manila.

Kasama sa mga naibenta nila ay ang bahay nila sa White Plains in Quezon City at ang condominium unit sa Valle Verde in Pasig City.

“When we decided to be based na in Guagua, lahat ng mga properties namin ay ibinenta na. Kami naman ni Mommy ang nag-decide.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Medyo naging emotional si Mommy, especially sa house namin sa White Plains kasi nga doon na ako lumaki.

“Kahit naman ako naiyak when we have to give it all up.

“Sabi ko naman kay Mommy na we are starting a new life sa Pampanga—we will be able to have new things again.

“Ngayon, mas at home si Mommy sa Guagua. She has her own place and may maliit siyang sari-sari store doon.

“Basta may mapagkaabalahan lang siya, okay na siya doon. Kilala ninyo naman si Mommy, matsika nang sobra.

“Madalas naman siyang nasa bahay namin ni Tim, kasi tumutulong siya sa pag-aalaga ng mga apo niya.

“Hindi tumatanggi si Mommy kapag nakiusap ako na pakibantayan ang mga bata… gustung-gusto niya.”



LONG-RANGE PLANS. May plans naman daw si Sunshine at ang kanyang asawa na kumuha ng isang bahay sa Quezon City.

Para raw iyon sa mga anak nila kapag nag-aaral na ang mga ito.

“Nag-usap na rin kami ni Tim at baka may bilhin din kami na bahay sa Quezon City.

“Para may halfway house din ako, especially kung magkasunud-sunod ang trabaho ko.

“And gusto rin namin na kapag mag-start na mag-aral ang mga bata, dito sila sa Quezon City.

“Though marami namang magagandang schools sa Pampanga, at least may options kami.

“Pero mga babies pa naman sila, kaya asikasuhin na lang namin ‘yan kapag malaki-laki na sila,” pagtatapos ni Sunshine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN