Richard Gutierrez on doing kissing scene with another actor: "Hindi ko yata kayang gawin yun, hindi."

Nilinaw ni Richard Gutierrez ang mga kumakalat na mga balita tungkol sa magtatapos na niyang kontrata sa GMA-7. Sabi niya, “Mga tsismis lang yun, pero di ko alam kung saan nakukuha yung mga ganyang balita. Pero ako ngayon ay naka-focus ako ngayon sa bagong project ko with GMA. Of course, I still have project with them now, and I still have a movie with them, so I respect that and I wanna concentrate on that for now.”


Dalawang bagay ang iwas na iwas sagutin ni Richard Gutierrez sa presscon ng My Lady Boss sa Imperial Palace Suites last week—ang tungkol sa kanyang matatapos nang kontrata sa GMA-7 at sa nobya niyang si Sarah Lahbati.

Pero dahil sa pangungulit ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng Ang Latest ng TV5, nagbigay pa rin siya ng kaunting detalye tungkol dito.

Sabi niya tungkol sa kanyang GMA-7 contract, “Hindi pa naman expired. Hanggang May 2013 pa siya.

“Anything can happen.

"Di ko alam, pero ngayon, naka-concentrate muna ako dun sa show ko.”

May mga bali-balita ring pagkatapos ng May ay magpi-per project na lang diumano siya sa Kapuso Network.

Pero pagtanggi ni Richard, “Mga tsismis lang yun, pero di ko alam kung saan nakukuha yung mga ganyang balita.

“Pero ako ngayon ay naka-focus ako ngayon sa bagong project ko with GMA.

“Of course, I still have project with them now, and I still have a movie with them, so I respect that and I wanna concentrate on that for now.”

Ang susunod na primetime series ni Richard sa GMA-7 ay ang Love and Lies.

May ongoing negotiations na ba tungkol sa renewal ng kanyang kontrata?

Tugon niya, “May mga nangyayaring ganun, pero yung… as of now, yung mom ko [Annabelle Rama] muna yung kumakusap sa kanila, so hindi ko pa alam kung ano’ng mga mangyayari.”

Tungkol naman kay Sarah Lahbati, sinigurado naman ni Richard na sila pa rin, pero ayaw na niyang mag detalye.

Nasa Switzerland ngayon si Sarah pagkatapos ng alitan sa pagitan niya at ng GMA-7.



NOT JUST MY BEHIND. Una nang ginulat ni Richard ang publiko nang nagpakita siya ng kanyang behind sa pelikulang Seduction.

Dito sa My Lady Boss ay may pagka-sexy rin ba siya?

Nakangiti niyang sabi, “May mga eksena kami ni Yan [Marian Rivera] together, pero hindi katulad nung Seduction.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iba, e, magkaiba, magkaiba yung treatment, e.

Ano pa ba ang abangan sa kanya pagkatapos niyang magpakita ng puwet?

Ani Richard, “Hindi lang naman siguro yung behind ko ang dapat abangan sa mga pelikula, I mean, sana the whole project.

“Marami pa kasi akong puwedeng gawin as an actor and I think na… marami pa akong puwedeng ipakita as an actor.

“So I think I wanna challenge myself as an artist, but I also want to write or direct my own movie in the future.”



KISSING A GUY? Nauuso na ngayon ang mga pelikula kung saan mapangahas ang takbo ng kuwento, at imbes na lalaki sa babae ang mga eksenang halikan, napapanood na rin sa ilang pelikulang lokal ang pakikipaghalikan ng lalaki sa kapwa lalaki.

Kaya rin ba ni Richard ang mga ganitong eksena?

Atubiling sagot niya, “Uhm, hindi ko yata kayang gawin yun, hindi.”

Ayaw ba niyang gumawa ng dekalibreng gay film, gaya halimbawa ng In My Life o Brokeback Mountain na mga sikat na aktor ang naging bida?

Seryosong sabi ni Richard, “Marami pa akong gustong gawing pelikula, mas marami pa akong projects na gustong gawin, and I believe that dun lang ako sa hanggang saan ko lang kaya and kung ano man yung mga tamang project sa akin.”

Ayaw man sa ganung klaseng tema ng pelikula, okey naman daw sa kanya ang May-December affair na isotrya, kung saan mas matanda ang kaparehang babae.

Sabi niya, “I’m open to that basta maganda yung story maganda yung concept, why not?”



DREAM ACTORS TO WORK WITH. Sino naman kaya ang mga gusto niyang makasama kung sakaling may dumating na offer na pelikulang may May-December affair concept?

“Di ko alam, e, di ko masasagot ‘yan ngayon. Depende siguro sa kuwento, sa script depende, yung plot ng pelikula.”

Sa ngayon, may mga gusto pa raw makatrabaho si Richard na veteran actors, kabilang na ang Star For All Seasons na si Vilma Santos at ang Superstar na si Nora Aunor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, “Si Mr. Eddie Garcia, gusto kong makasama... madami pa, e, na veteran actors.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN